Maaga akong pumasok sa office ngayon dahil ayoko ng ma-late. Dapat consistent ako sa pagiging on time char.
Pag-alis ko kanina ay tulog pa ang mga anak ko. Panibagong araw na naman para sa akin. Pagkadating ko sa 19th floor ay agad akong pumasok sa office ng boss ko. Pero bigla akong napatda sa kinatatayuan ko dahil nabungaran ko ang boss ko bagong ligo at nakatapis lang ng towel. Kaya agad akong nagtakip ng mukha ko.
"Sorry po Sir, hindi ko po alam na dito po kayo." Sabay takbo ko palabas ng office niya.
Gusto ko na lang lamunin ako sa kinatatayuan ko dahil sa kahihiyan. Iobrang init rin ng mukha ko ngayon. 'Yong parang ayaw ko ng pumasok sa trabaho sa sobrang hiya ko. Umagang-umaga pa lang at ito na kaagad ang pambungad ng araw ko. Dahil sa pagtataka ko bigla kong tiningnan ang relo ko. Natampal ko 'yong noo ko dahil quarter to 7am pa lang pala. Kaya pala wala pa halos mga empleyado akong naabutan dito.
Ang pinagtataka ko kung bakit nandito na 'yong boss ko ng ganito kaaga. Wala ba siyang bahay o condo na matutulugan? Bakit dito siya? Mayaman naman siya kaya imposibleng wala.
Pagkatapos ng ilang minuto ay tinawag na ako ng boss kung hot. Ano 'yong sinabi ko? Hot? Tumigil ka saway ko sa sarili.
"Good morning, Sir." Bati ko sa kanya.
Hindi man lang ako binati pabalik o tapunan ng tingin kaya deadma ko na lang rin ako. Ano ba dapat ini-expect ko eh masungit nga diba. Pumunta na lang ako sa table ko. Pagkatapos kong ilagay ang mga gamit ko ay pumunta na ako sa pantry para ipaghanda siya ng kape. Dahil sabi ni Nathalie kasama na daw 'yon sa routine ng isang secretary ng nag-iisang CEO na ipagtimpla ito ng kape.
"Sir, your coffee po." Saad ko sa kanya.
Nilapag ko na lang 'yong kape niya dahil hindi na naman ako sinagot. Bumalik na lang ako sa table ko at naghihinntay ng utos niya. Nakakabagot naman dahil isang oras na ang lumipas pero hindi pa rin niya ako inuutusan. Sayang naman 'yong ipapasahod niya sa akin kung naka tunga-nga lang ako dito.
Kaya no choice ako kundi lumapit sa kanya para magtanong. Hindi na kasi ako mpakali sa kinauupuan ko dahil parang may nakamasid sa akin. Kapag titingnan ko naman 'yong boss ko ay wala naman hindi naman siya nakatingin sa 'kin.
"Sir, ask ko lang po sana baka may gusto kayong i-utos o ipagawa sa akin?"
Iniangat niya ang ulo niya at tumingin sa akin na walang emosyon sabay sagot ng "Wala akong ipag-uutos sa 'yo. Remembered, I told you tatawagin kita if I need you Miss Flores."
Sasagot pa sana ako kaya lang tumingin siya sa akin ng masama kaya no choice na naman ako kundi bumalik sa upuan ko. Dahil super boring na ng buhay ko dito sa working table ko at tumayo na ako at naghanap ng panlinis buti at nakakita naman ako ng vacuum cleaner. Kaya sisimulan ko na lang ang maglinis dito.
Napatayo ako ng tuwid nang biglang may nagsalita sa likuran ko. "Miss Flores, what do you think you're doing? Are you in cleaning department now?"
"Sorry Sir, naiinip lang po kasi ako dahil wala akong ginagawa," sabi ko sa kanya.
Tiningnan lang niya ako at biglang bumukas ang pinto at may pumasok na isang gwapong lalaki sabay tingin sa akin. "I'm calling you but you're not answering my calls. Now, I know the reason." Sabay ngiti nito sa 'kin kaya ngumiti rin ako pabalik.
"Tsskkn I know what you're thinking Rafa."
"Hi! I'm Rafael but you can call me Rafa. Luke and I are cousins," pahayag nito sa akin.
"Caye Flores po Sir, bagong secretary ni Mr. CEO." Sagot ko sabay ngiti sa kanya at ganoon rin siya sa akin.
Naputol lang kami ng magsalita ang Boss ko.
"Miss Flores, make our coffee now," utos niya na may tunog pagbabanta.
Kaya mabilis pa sa alas kwatro ay pumunta na ako sa pantry para ipaghanda sila ng kape. Nadatnan ko doon si Nathalie na nagtitimpla din ng coffee. Bumalik na pala siya sa department nila sa accounting kasi doon talaga siya at nag-sub lang pala siya kasi pinatalsik 'yung dating secretary na lumalandi kay Sir. Kalandian lang pala pero feeling jowa na.
"Hi sissy," bati niya sa akin.
"Hi rin sissy, magtitimpla lang ako ng kape para kay boss at sa pinsan niya."
"Talaga sis, nandito 'yong poging pinsan ni Sir? Naku, crush na crush ko pa naman 'yon. Sayang at hindi na ako ang secretary niya." Sabi nito sabay sumimangot.
"Kung pwede ko lang gawin na ikaw ang utusan ginawa kuna para sana makita mo yung crush mo." Sabay tawa ko sa kanya.
"Kaya lang ako naman ang mapapagalitan. Galit pa naman 'yon sa akin kanina," sabi ko sa kanya.
"Okay sissy, thank you. Tatanawin ko na lang siya sa malayo, huhuhu." Sabi niya na may kasamang kunwaring hikbi. Kaya napangiti na lang ako.
"Sissy, una na ako sa 'yo baka mamaya hinahanap na 'yung kape, bye!" Paalam ko sa kanya.
Binilisan ko ang lakad ko at nakarating na ulit ako sa office. Inilapag ko 'yung coffee sa table nila. Sabay bumalik ulit ako sa paglilinis alam kong galit siya kanina pero need ko tapusin iyong nasimulan ko na bahala na mamaya.
Patuloy lang ako sa paglilinis. Patuloy rin sa pag-uusap ang boss ko at ang pinsan niya. Minsan ay nahuhuli ko na nakatingin sa akin 'yong Rafa pero deadma ko na lang kahit naiilang ako sa tingin niya. Naiinis pa ako sa skirt ko ayoko talaga nito pero wala akong choice ganito daw 'yong required na damit dito.
Natapos na sila sa pag-uusap at paalis na rin si Rafa. Pero bigla itong lumapit sa akin at ibinigay ang calling card niya. Ako naman ay nakatingin lang sa kanya ng may pagtataka.
"Call me when you need anything" sabi niya sa akin.
"Go now Rafael" sabi ng boss ko.
"Okay bro, so possesive huh." Sabay ngiti nito.
Lumabas na si Rafa kaya kami na lang dalawa ulit ang natira. At patapos na rin ako sa paglilinis ng bigla na naman siyang nagsalita.
"Don't wear that skirt again "
"Po? Pero Sir, ito po 'yong sabi sa akin sa HR Department." Gulat pa na sabi ko sa kanya.
"Hindi na simula ngayon just wear pants, leggings or slacks basta hindi skirt. Ayaw ko na nade-distract ang mga kausap ko ng dahil sa 'yo." Galit na sabi niya sa akin. Maang naman akong nakatingin sa kanya at hindi makapaniwala sa narinig.
"You said you feel bored right?"
Tumango na lang ako bilang sagot sa kanya dahil wala pa ako sa sarili dahil sa mga sinabi niya.
"I see, okay." Sabay smirk.
"Go to the storage room and get the files from year 2018-2021 and arrange it by number." Utos niya sa akin.
"Okay Sir."
Pumunta na ako sa storage room at hinanap ko 'yung mga files. Alas diyes pa lang naman kaya matatapos ko naman siguro ito bago mag lunch para makasabay pa ako kila Nathalie. Medyo natagalan lang ako sa paghahanap pero nakita ko rin naman at nagulat ako kasi ang dami pala. Halos apat na kahon ang nandito bigla akong napagod kahit hindi pa ako nagsisimula. Binuhat ko na isa-isa ang mga box. Naka-apat rin akong balik. Pagpasok ko wala na 'yong boss ko sa office. Kaya hinayaan ko na lang para makakilos rin ako ng maayos habang wala siya nakaka intimidate kasi 'yong tingin niya malamig at laging galit.
Bumalik na 'yong boss ko at umupo sa swivel chair niya. Ako naman busy sa kakaayos ng mga files at hindi ko na namalayan ang oras 1pm na pala. Kaya pala nakakaramdam na ako ng gutom.Tumingin ako sa boss ko at nahuli ko siyang nakatingin sa 'kin pero umiwas din kaagad.
Tumayo ako papunta sa kanya para sana magpaalam na kakain lang ako dahil gutom na talaga ako.
"Sir pwede na po ba akong mag-lunch?"
"Kanina pa ang lunch pero ngayon mo lang naisip na magpaalam." Sabi niya sa akin. "Okay, you can go now."
"Thank you, Sir." Sagot ko sa kanya at lumabas na para pumunta sa canteen.