21

1035 Words
Chapter 21 3rd Person's POV "Paige," tawag ni Jackson. Nakaupo ang lalaki sa passenger seat at nakatingin sa labas ng sasakya. "Ayokong pumasok ngayon. Pwede mo ba ako dalhin sa hospital para i-check si mama," ani ni Jackson. Napatigil si Paige at sandaling tiningnan si Jackson bago tumingin ulit sa kalsada. Sandaling tinabi ni Paige ang sasakyan sa kalsada. Tinanggal ang seatbelt at nag-aalalang nilapitan si Jackson. "Anong problema?" tanong ni Paige at hinawakan ang pisngi ni Jackson. Yumuko sandali si Jackson at umiling ng kaunti. "Gusto ko lang makita mama ko kahit sandali. Balik din tayo ng school before mag-lunch," ani ni Jackson at tiningnan si Paige. Bumuga ng hangin ang babae at sinabing sige. Hinalikan ni Paige si Jackson sa labi bago umayos ng upo sa driver seat at kinabit ulit ang seatbelt. Tinahak nila ang daan patungo sa hospital. Pagkaparada ni Paige ng sasakyan naunang bumaba si Jackson. Umikot at pinagbuksan niya ng pinto ang babae. Nang maisara ni Jackson ang pinto hinawakan ni Paige ang kamay ni Jackson at tinungo nila ang hospital. Pagkapasok nila sa loob ng hospital dumiretso sila sa elevator para makarating sa palapag kung nasaan ang room ng mama ni Jackson. Nang tumunog ang elevator lumabas na sina Jackson at tinungo ang room ng nanay ni Jackson. Pilit na ngumiti si Jackson at hinawakan ang door knob ng pinto. "Mam—" Nabitin sa ere ang sasabihin ni Jackson matapos makitang walang laman ang room at isang nurse na lang ang nandoon. Nawala ang ngiti ni Jackson at tinanong kung nasaan ang pasyente sa kwarto. "Si Mrs. Ortega? Kinuha na 'nong June 14 ang katawan ni Mrs.Ortega. Hindi ka ba inimporma nina Ms.Rivas?" tanong ng nurse. Nanginginig na tiningnan ni Jackson si Paige ba halatang clueless din sa nangyayari. "Paanong kinuha? Nilipat sa ibang hospital?" tanong ni Paige. Sinabi ng nurse na tumigil na ang pagtibok ng ina Jackson 2 days matapos ang huling pagdalaw ni Jackson. Nagulat doon si Paige. Hindi sinabi ni Paris iyon kay Jackson. Kinuha ni Jackson ang phone niya at tinawagan si Paris. Tinungkod ni Jackson ang isang kamay sa pader para kumuha ng lakas. Pakiramdam niya bigla siyang nawalan ng lakas matapos malaman na wala na ang ina and worst tinago iyon sa kaniya nina Paris. "Jack—" "Nasaan ang mama ko Paris," bulong ni Jackson. Isa-isang tumulo ang luha ni Jackson at hinawakan siya ni Paige. "Matagal ng wala ang mom ko? Tinago niyo ito sa akin? Bakit Paris?" tanong ni Jackson. Naibaba ni Jackson ang phone at napaupo sa sahig "Jackson! Calm down please," ani ni Paige. Humagulhol si Jackson at sinabing wala na ang mama niya. Niyakap ni Paige ang ulo ni Jackson na walang ginawa kung hindi umiyak sa mga oras na iyon. Ang masakit pa kay Jackson tinago iyon sa kaniya nina Paris. "Jackson," tawag ni Paris ay lumapit kay Jackson kasunod si Dahlia na puno ng pag-aalala. "Huwag kayong lumapit," ani ni Jackson habang yakap ni Paige. Napatigil si Dahlia at Paris. Pilit na tumayo si Jackson at tiningnan sina Paris na may pagkadisgusto sa mukha. "Paris, alam mo ba ito? Dahlia?" tanong ni Jackson. Hindi nakaimik ang dalawa. Walang alam si Paige dahil laging nakabuntot si Paige kay Jackson at kasama ito sa unit sa mga nakalipas na araw. "Paris! Alam mo kung gaano kahalaga sa akin si mama diba!" sigaw ni Jackson. Napatigil sina Paris matapos magsimulang umiyak si Jackson. "Kahit iyong binenta ko ang sarili ko sa inyo ginawa ko. Bakit pinagkait mo sa akin makita kahit sa huling sandali ang mama ko. Bakit Paris!" Wala ng pakialam si Jackson kung anong isipin nina Paris sa kaniya. Sobrang bigat ng pakiramdam niya dahil sa nangyari sa ina niya at sa ginawa nina Paris. "Dahil alam ko na iiwan mo kami kapag nalaman mo agad ang nangyari sa mama mo. Iyon lang naman ang dahilan kung bakit ka nanatili diba? Dahil sinusestuhan namin ang hospital fees ng mama mo." Napatigil si Jackson matapos marinig iyon. Umiwas ng tingin si Dahlia. Niyukom ni Paris ang kamao. "That day nagising ang mama mo. Iniimporma ako na nagising ang mama mo. Pumunta ako dito then nakita ko nga siya at una ka niyang hinanap. Nagpakilala ako na asawa mo at sinabi kong nasa unit kita." "Noong una ayaw niya maniwala kaya pinakita ko iyong wedding picture natin sa phone ko kasama iyong judge. Then umiyak ang mama mo at sinabing masaya siya dahil okay ka," ani ni Paris. Napangiti ng mapait si Paris. "Humingi siya na favor sa akin na alagaan kita at protektahan para sa kaniya. Sinabi din niya na mabait ka at mabuting anak." Sinabi ni Paris na dapat tatawagan niya si Jackson nang humina ang heartbeat ng ina ni Jackson at tuluyan iyon tumigil. "Masyado kang selfish Paris. Kahit ano pang dahilan dapat sinabi mo iyon sa akin! Mama ko iyon! Siya na lang ang kaisa-isang bagay na meron ako!" Niyukom ni Jackson ang kamao. Hinampas ni Jackson ang pader na nasa gilid niya at humarap doon. Humila ng hininga si Jackson para pakalmahin ang sarili. Dinikit ni Jackson ang noo sa pader. "Ano nga bang alam niyong mayayaman sa pamilya diba? Basta may nakukuha kayong benefit sa sitwasyon, tao at relasyon ayos lang diba?" ani ni Jackson at tiningnan sina Paris. Humarap si Jackson sa tatlong magkakapatid na Rivas na puno ng pagkadismaya ang expression. "Ganoon din naman kayo diba? Wala sa status ang pagiging selfish. Baka nakakalimutan mo na nag-insist ka na gawin lahat para sa ina mo. Pumirma ka sa kasunduan at hindi kita pinilit," ani ni Paris. Ngumisi si Jackson. "Kung alam ko lang na ito gagawin mo sa akin at gagawin niyo lang akong laruang tatlo. Baka nagdalawang isip pa ak—" Isang sampal ang nagpatahimik kay Jackson. Sinampal siya ni Paris na kinatigil nina Dahlia. "Sa lahat ng ginawa namin sa iyo iyan lang pala ang tingin mo sa aming tatlo? Walang puso— tingin namin sa iyo laruan?" ani Paris. Hinablot ni Paris ang panga ni Jackson at tiningnan ito sa mata. "Huli na para magsisi ka Jackson Ortega. Mula sa ulo mo hanggang paa nabili ko na— hindi ka na makakaalis pa."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD