22

1175 Words
Chapter 22 3rd Person's POV Tinabig ni Jackson ang kamay ni Paris at tumalikod. Balak niya na magpalamig muna at umalis sa lugar na iyon. Napatigil si Jackson matapos may malamig na bakal siyang naramdaman sa likod ng ulo niya kasunod ang pagkasa. Lumingon si Jackson at nakita niya si Paris na may hawak na baril. Nataranta sina Dahlia at Paige matapos makita iyon. "Papatayin niyo din ba ako katulad ng ginawa niyo kina Jessie?" tanong ni Jackson. Napatigil sina Paige doon. Humarap si Jackson at nilagay ang dulo ng baril sa tapat ng dibdib niya. "Iputok mo Paris. Mas gusto ko na nga lang mamatay— wala na ang mama ko then katulad ng sinabi mo nabili mo na ako. Hindi ko na pagmamay-ari ang katawan na ito at ang buhay ko. Ano pang dahilan at nakatayo ako ngayon dito kaharap niyo." "Iputok mo Paris baka magpasalamat pa ako kung gagawin mo iyon," ani ni Jackson na may mapait na ngiti sa labi habang hawak ang kamay ni Paris na may hawak na baril. "I'm sorry," ani ni Paris. Nagulat sina Dahlia matapos marinig iyon. Binaba ni Paris ang baril at nanginginig na binitawan iyon. "Ayoko na ulit maiwan," ani ni Paris hanggang sa isa-isang tumulo ang luha ni Paris. "Noong huminto ang heartbeat ng mama mo. Pakiramdam ko huminto din ang ikot ng mundo ko. Pumirma ka sa kontrata dahil kailangan mong masustentuhan ang medical fees ng mama mo." "Marami na din dumaan na lalaki sa buhay ko pero lahat sila walang ibang gusto kung hindi katawan at pera ko. Ayoko ng ganoon na lalaki ngunit ngayon pinagdadasal ko na sana ganoon ka na lang din katulad ng ibang lalaki— kung yaman at katawan namin magkakapatid ang nais mo. Hindi namin kailangan mag-alala o matakot na iwan mo kami. Hangga't may pera kami at naibibigay namin needs mo hindi mo kami iiwan— ngunit hindi eh." "Gusto mo ng himala— sumuko ang mama mo. Kahit ubusin ko pa lahat ng pera ko at patayin ko iyong mga doctor na hindi nagawa ng tama ang trabaho nila. Hindi ko maibabalik iyong buhay ng mama mo na siyang rason kung bakit ka nanatili sa aming tatlo," ani ni Paris. Ayaw ni Jackson ng pera o materyal na mga bagay. Hindi alam ni Jackson ngunit paunti-unti naiintindihan niya na si Paris. Biglang na-guilty si Jackson— pakiramdam niya ay binuhos niya lang sa tatlo ang frustration na nararamdaman niya. Kahit pa nakita niya ang mama niya sa huling sandali magigising ba ang ina niya. Lumapit si Jackson at niyakap si Paris na kinatigil ng dalaga. "I'm sorry nagpadala ako sa frustration ko. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko after ko malaman na wala na ang mama ko. Naisip ko paano kung magsawa nga kayo sa akin tapos iabandona niyo din ako dahil may bago na kayong s*x obje—" "What the heck are you saying!" bulyaw ni Paris at tinulak bahagya si Jackson. Pinunasan anh pisngi niya. "Kanina ka pa. Ano bang sinasabi mo na hindi tao tingin namin sa iyo at anong s*x object?" pikon na sambit ni Paris. Napaiwas ng tingin si Jackson. Sinabi nito na narinig niya na may kausap si Paris na lalaki. "Dinala niyo din siya sa unit. Inisip ko na sawa na kayo sa akin," ani ni Jackson. Napatanga sina Dahlia doon. "Kung s*x partner lang ang hanap namin maraming lalaki diyan sa tabi-tabi! For god's sake kung iyan lang thin namin sa iyo pakakasalan ka ba namin tatlo!" bulyaw ni Dahlia. Masyadong anxious si Jackson. Maya-maya tumawa si Paris. "Gay si Victor at may asawa na iyon. Pinapunta ko siya doon dahil may pinadadala ako sa kaniya. Wala akong balak kaninang pumasok sa opisina kaya pinadala ko na lang sa unit," ani ni Paris. Nagtama ang mata nila ni Jackson. "Walang divorce sa pilipinas at kung totoong plaything lang tingin namin sa iyo sa ibang bansa ka namin pakakasalan. Isipin mo nga iyan," ani ni Paris. Naitikom ni Jackson ang bibig matapos maisip iyon. Jackson Ortega's POV Dinala ako nina Paris sa sinasabing lugar lugar kung saan nila nilagay ang mga labi ng mama ko. Pumasok kami sa isang burial chamber at nagulat ako matapos makitang napapalibutan ng bulaklak ang isang estante na naglalaman ng isang jar. May litrato doon ang mama ko. "Pinagawa ko nag lugar na ito para sa mama mo," ani ni Paris. Lumapit ako at hinawakan ko ang salamin. "Mama, ayos na lahat. Wala ka ng sakit na mararamdaman at hindi ka na malulungkot dahil sa ginawa sa iyo ni dad," ani ko. Napangiti ako ng mapait. "Hindi man lang ako nagkaroon na pagkakataon na ipakilala sa iyo ang mga asawa ko," ani ko at dinikit ang noo ko sa salamin. "May tatlo akong asawa mama. Huwag kayong magalit ah," ani ko at natawa. "Wierd ng sitwasyon namin pero maniwala kayo sa hindi mama wala akong balak gumaya kay papa," ani ko at tumingin kay mama. "Hindi ako magloloko at magiging tapat sa kanila. Gagawin ko lahat para maging mabuting asawa mama." Flashback Kitang-kita ko kung paano magmakaawa si mama kay papa at sinabing huwag kaming iwan. Kasama ni papa ang babae niya paalis ng bahay at buntis ito. Niyakap ko si mama matapos mag-iiyak si mama habang tinatawag ang pangalan ni papa na ngayon ay palabas ng mansion kasama ang babae niya na ilang taon din niyang dinadala dito. Oo, dinadala dito ni papa ang babae niya at minsan ko silang nahuli na nagma-make out sa mismong kama nila ni mama. "Ano ng gagawin natin Jackson? Wala na ang papa mo. Iniwan niya na tayo," umiiyak na sambit ni mama habang pareho kaming nakaupo sa bukana ng pintuan. Nang umalis si papa wala ng ginawa si mama kung hindi ang umiyak. Lahat ng klase ng hirap napagdaanan namin ni mama dahil pinalayas kami ng parents ni papa sa mansion na tinitirhan namin. Sinabing hindi karapatdapat doon tumira si mama. Sinisi nila si mama sa ginawang pagloloko ni papa. Sa ilang taon na nakita kung paano sinira ni papa ang buhay namin na dalawa at sa ginawa niya kay mama. Nangako ako sa sarili kong hindi ako gagaya kay papa. End of the flashback Nilingon ko sina Paris. Gagawin ko lahat ng bagay na ikasasaya ng mga asawa ko. Ngumiti ako sa kanila at nagpasalamat ako na ginawa nila itong lugar para sa mama ko. "Sorry ulit dahil tinago ko ito sa iyo," ani ni Paris at sinabing natakot lang siya na iwan ko sila. "Katulad ng sinabi mo kasal na tayo. Kahit pagbalik-baliktarin ko ang mundo hindi pa din mababago ang reality na sobrang laki ng utang na loob ko sa inyong tatlo." Lumapit ako kina Paris at hinalikan ko silang tatlo sa noo. "Aaminin ko nagselos ako. Natakot din ako na ipagpalit niyo ako at iwan katulad ng ginawa ni papa sa mama ko. Naisip ko din na kalaunan na wala akong karapatan mag-demand kasi iniisip ko na sino ba ako— asawa niyo lang ako sa papel."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD