Book 1- My 3 Wive's obsession
Book 2- The Twin wants to devour me
Book 3- Strange tides
Book 4- Hopelessly, Devoted to you
SPG! SPG!
R-18
Wala ako sa sariling umalis ng hospital matapos nga sabihin ng doctor na kailangan ng ma-operahan ang mama ko. Matagal na pala iyon iniinda ni mama at hindi 'man lang niya iyon sinabi sa akin.
"Saan ako kukuha ng pera pang-opera kung kahit 1 thousand wala ako," ani ko na naiiyak. Hindi ko alam kung saan ako pupunta ngayon. Sinubukan kong puntahan ang lola ko sa side ni papa. Lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa para pautangin ako ng pera ngunit walang nangyari.
Pinagtabuyan lang nila ako. Bakit sila ganoon sa mama ko. Sa lalim ng pag-iisip ko hindi ko namalayan na nasa gitna na pala ako ng kalsada at may pulang sasakyan na palapit sa direksyon ko.
Sa isang iglap nakita ko na lang ang sarili ko na nasa sahig. Masakit ang katawan at nanlalabo ang paningin.
"s**t! Ayos ka lang ba!" sigaw ng babaeng hindi ko kilala. Sobrang ganda nito at muntikan ko na itong mapagkamalang anghel.
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at sinabing huwag na akong dalhin sa hospital. Bigyan na lang niya ako ng pera.
"Gusto ko maipagamot ang mama ko," naiiyak na sambit ko. Pilit akong bumabangon. Hinawakan ko ang ulo ko at doon nakakita ako ng maraming dugo.
"Bakit ba ang malas ko ngayon," nanghihina na sambit ko hanggang sa tuluyan na ngang umikot ang paningin ko. Wala na akong alam sa mga sumunod na nangyari.
Hanggang sa nagising ako sa isang hospital. Noong una nanlalabo ang paningin ko ngunit nang luminaw iyon. Bumungad sa akin ang puting kisame.
Napabalikwas ako at napahawak ako sa ulo ko. Nakita kong may mga naka-kabit sa akin na apparatus.
Hihilahin ko iyon nang may pumigil sa kamay ko. Napatingin ako iyon 'yong babae na nakabangga sa akin.
"Wala akong pambayad sa hospital bills. Ilabas mo na ako dit—"
"Sinong may sabing ikaw magbabayad ng hospital bills? Ako ang magbabayad," ani ng babae. Sopistikada ito at mukhang mayaman.
Masyado na akong desperado at kinapalan ko na ang mukha ko. Sinabi kong kakalimutan ko na ang nangyari— ilabas na ako agad sa hospital para hindi na lumaki ang bills. Bigyan ako ng pera kahit magkano.
Tiningnan niya ako na parang nababaliw na. Yumuko ako matapos makita kung anong klaseng tingin ang pinukol niya sa akin.
"Para saan ang pera at masyado ka yatang desperado. Alam mo bang muntikan ka ng mamatay kanina? Then nagawa mo pang sabihin sa akin na huwag ka ng dalhin sa hospital at bigyan na lang kita ng pera."
Niyukom ko ang kamao ko. Hindi ko alam kung sino siya pero nasabi ko sa kaniya ang kondisyon ng mama ko.
"Kung bibigyan kita ng doble sa kailangan mong pera— gagawin mo ba lahat ng gusto kong mangyari?" tanong ng babae. Napaangat ako ng tingin at sinalubong ang tingin niya.
"Kahit ano— kahit habang buhay ako magtrabaho sa iyo. Kahit buhay ko ibibigay ko— iligtas mo lang ang buhay ng mama ko."
Nagulat ako ng kapalit ng 124 million at sa hospital fees ng mama ko. Kailangan ko pakasalan pinakamagandang babae na nakilala ko sa timeline na iyon ngunit mas nagulat ako noong sinabi niya na kailangan ko din pakasalan ang mga kapatid niya.
Himala ba ito o sumpa. Biyaya ba sila o bagong problema. Hindi ko alam basta isa lang ang alam ko.
Imposibleng maging mabuti akong asawa kung tatlo sila. Imposibleng makapagmahal ako ng isa kung may tatlo akong asawa.