20

1028 Words
Chapter 20 3rd Person's POV Bumukas ang pinto. Agad na pumasok si Paige kasunod si Dahlia at Paris. Ang daming estudyante sa labas ng office kaya may lumabas na teacher at pinaalis ang mga estudyante. "Damn, Jack anong nangyari sa mukha mo?" tanong ni Dahlia at agad na lumapit kay Jackson na napatayo matapos sila makita. Napako ang tingin ni Paris kay Jackson na ngayon ay pinagkakaguluhan ng mga kapatid. "Ms.Riva—" "Mrs.Ortega. Jackson is my husband," putol ni Paris at naglapag ng calling card sa lamesa. "Hey, he is my husband too." "I'm Jackson's wife too." Magkasabay na angal ni Dahlia at Paige. Hindi alam ng mga tao sa loob kung saan magugulat. Sa idea na nasa harap nila ang sikat na artist world wide na si Dahlia Rivas at ang kilalang halimaw sa business industry na si Paris Rivas o doon sa tatlong magagandang babae ang nag-claimed na asawa nila si Jackson . "Huwag naman dito," ani ni Jackson na napasapo sa noo. Sinabi ng principal na magsasampa ng kaso sina Mr. Villareal sa ginawang pananakit ni Jackson sa anak nila. Sinabi ng ginang na magsasampa sila ng kaso. Nawala naman ang kulay sa mukha ng matanda matapos makilala si Paris. Sinabi ni Paige na gagamutin niya ang mga sugat nu Jackson. Pinaupo ng dalaga si Jackson sa sofa. "Ganoon ba? Hindi ko kayo pipigilan," ani ni Paris at nag-cross arm. Sinabi ni Paris na kapag sinimulan ng mga Villareal isakorte ang maliit na gulo na iyon wala ng atrasan. "Magbabayad kayo sa casualties," ani ni Paris at tiningnan ang matanda na kasalukuyang namumutla. "Jackson, anong nangyari dito. Malinaw na sinabi ko na kapag may nam-bully sa iyo. Hindi ko naman ini-expect na sa unang araw ng klase niyo mapapatawag ako dahil may binugbog ka agad," ani ni Paris at tiningnan ang asawa. Napangiwi si Jackson matapos mapadiin ang hawak na bulak ni Paige sa labi niya. Masyado iyon mahapdi "Binastos ng gago na iyan si Paige sa cafeteria. Kinausap ko siya ng maayos pero mukha may sakit na iyan sa utak dahil kahit teacher minomolestiya 'nan," ani ni Jackson. Agad na sumigaw nag ginang at sinabing hindi ganiyan ang anak niya. Nag-play ang phone ni Jackson at narinig muli ng lahat ang mga sinabi ni Bryan. Sinugod ni Bryan si Jackson. Napatayo si Jackson at hinarangan sina Dahlia. Pinigilan ng ama ni Bryan si Bryan at hinila pabalik sa upuan. Napa-pokerface si Paris at lumapit kay Jackson. "Sa loob ng 3 days Mr.Villareal. Kapag hindi nagpakita ang anak mo kay Jackson at lumuhod para magmakaawa kay Jackson— magkita-kita tayo sa korte. Ihanda mo na din ang kompanya mo," ani ni Paris at nilingon ang pamilya ng mga Villareal na kay pagbabanta sa mukha. "Ang kompanya mo ang unang pababagsakin ko," malamig na sambit ni Paris. Sinabihan niya sina Jackson na uuwi na sila. Lumabas ang apat sa opisina nang hindi tinatapunan ng tingin ang mga nasa loob. Pinagalitan ni Dahlia si Jackson dahil hinayaan ni Jackson na masugatan ang mukha niya. Nag-sorry naman agad si Jackson. — Sa unit— pumasok si Jackson sa room niya at sinundan siya ni Paige. Naiwan si Dahlia at Paris sa living room. Nagsindi si Paris ng sigarilyo. "Seriously? Hihingi lang ng tawad ang gago na iyon kay Jackson okay na?" react ni Dahlia. Humithit si Paris sa sigarilyo na hawak niya ay binaba ang bag niya sa sofa. "Nagpapatawa ka ba Dahlia? Hindi ba halatang palabas lang lahat ng iyon?" ani ni Paris at nilingon ang kapatid. Sa mga oras na nasa loob ng office si Paris iniisip niya lahat ng paraan kung paano dudurugin lahat ng buto ng taong nanakit kay Jackson. Kung wala sa loob si Jackson. Imposibleng may mga tao sa office na iyon ang makalabas ng buhay. Hindi sumabay si Paris sa dinner. Inisip ni Jackson na galit sa kaniya si Paris kaya after ng dinner matapos niya maglinis ng kusina. Tinungo ni Jackson ang room ni Paris. Nakita niya si Paris na nakaupo sa gilid ng kama. May iniinom na wine habang may kausap sa phone. "Sabihin ko sa iyo bukas Victor ang detalye. Huwag ka ng makulit okay? Kita na lang tayo bukas," ani ni Paris. Napahawak ng mahigpit si Jackson sa tray. May kausap na lalaki si Paris. Napatingin si Paris sa pinto at nakita niya si Jackson na may hindi magandang expression. "Dinalhan kita ng dinner. Hindi ka sumabay kanina," ani ni Jackson naglakad palapit ang lalaki at binaba sa kama ang tray. "Ayokong kumain Jackson. Kumain ako kanina sa labas," sagot ni Paris. Laging sumasabay sa kanila si Paris sa dinner at kahit gaano pa kasama ang luto niya kumakain ito. "Then hindi kita pipilitin," ani ni Jackson. Kinuha ni Jackson ang tray at tumalikod. Kumunot ang noo ni Paris matapos hindi siya tapunan ni Jackson ng tingin. Sa isip ni Paris baka wala lang sa mood ang lalaki dahil sa nangyari kanina. Hinayaan na lang niya ito. Pagkalabas ng room ni Paris. Tumungo si Jackson sa kusina para ibaba ang tray. Bumuga ng hangin si Jackson. "Ano kung may iba siyang lalaki?" tanong ni Jackson. Biglang pumasok sa isip ni Jackson ang posisyon niya sa unit na iyon. "Isa lang naman akong s*x object na binili nila ng 124 million," bulong ni Jackson at tinungkod ang dalawang kamay sa lamesa. Kinaumagahan, May lalaking pumunta sa unit nila. Paglabas ni Jackson ng kusina nakita ni Jackson na kausap ni Paris at Dahlia iyong lalaki. Nagtatawanan ang mga ito. Hawak ang strap ng bag ni Jackson sinuot ni Jackson ang earphone niya. Nabanggit ni Paris ang pangalan ni Victor. Naiinis si Jackson in some reason. Kung sawa na ang mga ito sa kaniya sana sabihin na lang sa kaniya. "Aalis na ako," walang gana na sambit ni Jackson. May mga bisita sina Paris kaya siya at si Paige na lang ang pupunta ng school. Tinawag ni Dahlia si Jackson ngunit hindi sila pinansin ni Jackson at sinara ang pintuan ng unit. Nagbago ang expression ng dalawang babae dahil sa inasal ni Jackson. "Easy lang— hindi lang siguro maganda ang mood ni young master dahil sa nangyari kahapon."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD