Kabanata 6

1902 Words
Kabanata 6 HAPON na at papauwi na siya. Nasa kabilang kalsada na siya at naghihintay na lamang ng masasakyan. Para siya nang para pero lagi naman siyang nauunahan sa pag-akyat sa jeep. Minsan naman ay puno na ang mga dumadaan. Hanggang sa abutin na siya ng isang oras sa kahihintay. Inip na inip na siya at mukhang uulan pa yata. Uwing-uwi pa naman siya dahil gutom na rin at maghahanda pa ng kanyang hapunan. Laglag ang kanyang mga balikat habang naghihintay ng masasakyan. Kinuha niya ang kanyang wallet sa bag. Tinitingnan niya kung kasya pa ba sa allowance niya ang pang taxi. At dahil nga sa libre siya kaninang tanghali sa canteen ay hindi niya nagalaw ang pera para sa tanghalian at snack niya sa hapon. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at bumuntong-hininga. Pikit mata siyang humugot ng pera at agad na pumara ng taxi. Sa awa ng Diyos, may huminto naman agad sa harapan niya pero laking gulat niya nang biglang may tumabig sa kanya. Inagaw nito ang taxi na nakuha niya. "Hoy! Ano ba!? Ako nauna riyan!" Matalim lamang siyang tiningnan nito at agad na sumakay sa taxi. "Guwapo ka nga pero wala kang manners!" sigaw niya dahil sa sobrang inis. Napapadyak siya dahil umaambon na at agawan na rin ang pagkuha ng taxi na masasakyan. Hanggang sa tuluyan na ngang bumagsak ang malakas na ulan. Agad siyang sumilong sa mga maliliit na tindahan. Gusto niya na yatang magmura ng malutong dahil sa malas niya ngayong gabi. Kasalanan 'to ng lalaking umagaw ng taxi sa kanya! Eh 'di sana nakauwi na siya ngayon. Naabutan pa tuloy siya ng malakas ulan. Hinalukay niyang muli ang kanyang bag. At kapag minamalas ka nga naman. Naiwan niya pa talaga sa bahay ang payong niya. Inis siyang napapadyak muli. Napatingin siya sa kanyang relo. Alas otso y medya na ng gabi at pangilan-ngilan na lamang ang mga jeep na dumadaan. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Nang may dumaan na taxi ay nakipag-unahan na siya sa pagpara. Bahala na kung mabasa siya. Mabuti na lang at siya ang nakakuha ng taxi. Mabilis siyang sumakay. "Sorry po Kuya ha kung nabasa ko po itong upuan. Naabutan na po kasi ako ng malakas na ulan." "Ayos lang ma'am. Patayin ko na lang din aircon para hindi kayo lamigin." "Salamat po." Sinabi niya na rin ang address kung saan siya magpapahatid. Kinuha niya ang panyo sa loob ng kanyang bag at pinunasan ang kanyang mukha. Pati na rin ang kanyang mga braso, leeg at dulo ng kanyang buhok. NANG umabot sila sa tapat ng bahay na inuupahan niya ay agad din naman siyang nagbayad sa taxi at bumaba. At kahit na malakas pa ang ulan ay tinakbo niya na ang pagitan ng daan makauwi lang. Nanginginig na siya dahil sa sobrang lamig na kanyang nararamdaman. Nang mabuksan niya ang pinto ay agad din naman niyang ini-on ang ilaw at mabilis na kumuha ng tuwalya. Agad din siyang nag-init ng tubig at nagpalit na rin ng damit. Ayaw na ayaw pa naman niya ang nagkakasakit. Lalo na ngayon na kasisimula pa lang niya sa trabaho at malayo pa ang unang sahod niya. Matapos niyang magpalit ng damit ay agad din naman siyang nagsaing at nagluto ng noodles para may mahigop siyang mainit na sabaw. Pagkatapos niyang makaluto ay nilabhan niya pa muna ang nabasa niyang uniform. Pagkatapos niyon ay kumain na siya at uminom na rin ng gamot para iwas trangkaso. Pagkatapos niyon ay maaga na rin siyang natulog. KINABUKASAN ay maaga na naman siyang pumasok sa trabaho at medyo iba ang nararamdaman niya. Para siyang sisipunin. Habang nasa locker ay bigla namang lumapit sa kanya si Vina. "Ayos ka lang?" "Oo naman," sagot niya. "May sipon ka? Iba tono ng boses mo." "Parang, pero mamaya iinom ako ng gamot." Nagbukas naman ito ng locker. "Heto, agapan mo agad bago pa lumala," anito sabay abot sa kanya ng isang pakete ng gamot sa sipon. "Nako Vina, ang dami naman nito." "Sus! Wala iyon! Una na ako ha." "Pero—" pigil niya pero sumenyas lamang ito sa kanya at agad din naman na umalis. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Kinuha niya na lamang ang kanyang maliit na baonan ng tubig at agad na uminom ng gamot. Pagkatapos niyon ay nag-ayos na siya ng kanyang damit at agad din naman na lumakad na. Habang patungo sa bodega para kumuha ng mga gamit ay bigla namang may umingkis sa kanyang kanang balikat. Nang balingan niya ito ay si Merna lang pala. "Oh? Matamlay ka yata." "Nabasa ako ng ulan kagabi. Nababad kaya heto, parang magkakasipon pa yata ako." "May gamot ako sa locker. Bigay ko sa iyo mamaya." "Binigyan na ako ni Vina." "Ows? Talaga? Para saan iyon?" "Para sa sipon." "Eh 'di para sa sakit ng katawan na lang ang ibibigay ko sa iyo mamaya." Napangiti siya sa pagiging caring ni Merna. "Salamat ha," aniya. Umiling naman ito. "Nilibre mo kaya ako kahapon kaya dapat lang na mag-return din ako ng favor, 'di ba?" "Sus! Kahit naman hindi na, ayos lang. Saka libre lang din naman sa akin iyon. Sayang naman kung hindi ko ma-share sa iba, 'di ba?" Nangislap naman ang mga mata ni Merna. "Lilibre mo ako ulit Lucia?" "Oo na!" "Yes!" tuwang-tuwa nitong wika. Napangiti lamang siya rito. Bumitiw na ito sa kanya at ito na mismo ang kumuha ng mga gamit nilang panlinis. Sumakay na sila sa elevator. Mabuti na lang at wala silang kasabay sa loob. Nang nasa second floor na sila'y, agad din naman silang kumilos ni Merna. Binalikan nila ang mga gawing hindi natapos kahapon. Gaya na lamang ng mga glass wall na hindi pa napupunasan at sahig na hindi pa na mo-mop. Habang naglilinis sila ni Merna ay napansin naman niyang nagpermi na lang ito sa office ni sir Froilan. Magkasalubong ang kanyang mga kilay na lumapit dito. "Hoy!" pukaw niya rito. "Anak ka naman ng pares Lucia oh!" Napamaywang siya. "Ano bang ginagawa mo? Baka mahuli tayo rito ni Miss Cruz. Alam mo namang nakaronda iyon sa bawat floor." "Alam ko naman pero sorry naman kasi! Ang guwapo talaga ni sir Froilan!" mahina pa nitong sabi habang kilig na kilig pa. Napasilip naman siya sa loob ng opisina. Sobrang busy ng lalaki at may kausap pa ito sa telepono. "Ewan ko sa iyo Merna. Doon muna ako sa kabilang office." Tumango lamang ito. Kinuha niya ang mop at pumasok na sa kabilang office. Nagsimula na siyang mag-mop ng sahig. Nang matapos siya ay napansin niyang wala pa rin si Merna. Bumalik siya sa kabilang office at doon ay naroon pa nga si Merna sa tapat ng office ni sir Froilan. Kung puno lang ito, malamang tinubuan na ng kabute. Mabilis siyang lumapit kay Merna at hinila na ito. "No! My baby! Sugarplum!" Napangiwi siya sa sinabi nito. "Kapag tayo nahuli talaga Merna, sinasabi ko talaga sa iyo," lintanya niya. "Lunch na ba?" "Nagutom bigla?" "Hehe! Tara na!" Kinuha nito ang mga dala niya at mabilis itong iniligpit ni Merna. Itinulak na nila ang kanilang cart at ibinalik sa bodega, pagkatapos niyon ay nagtungo na sila sa canteen. Pumili na sila ng pagkain ni Merna at gaya nga kahapon ay puno na naman ang plato niya. Nagdagdag pa ito ng extra. Bigla tuloy siyang nahiya dahil pinagtitinginan na siya ng ibang mga empleyado. "Merna talaga oh! Mauubos mo ba ang mga 'to?" "Always! Hindi kasi ako nag-agahan." "Buti at hindi ka tumataba sa lagay na iyan," nakatawa niyang wika. "Ewan ko nga rin eh. Super payat ko pa rin kahit na malakas naman akong kumain." "Mabilis ka lang mag-digest. Oh, siya kain na!" "Oh, yes!" Nagsimula na silang kumain nang bigla na lamang may tumabi sa kanilang dalawa ni Merna. Nagkatinginan silang dalawa muna at sabay na bumaling sa katabi niyang lalaki. Agad siyang napaatras sa kanyang kinauupuan. "Sir!?" It was sir Froilan. Sitting next to her. Nalaglag naman ang kinain ni Merna kaya agad niya itong binigyan ng tissue. "Hi, sorry for interrupting your meals but can you do me a favor again Lucia? Shred again my wasted papers please?" "Ahm..." Napalunok siya. "Sir, ako na lang e-shred mo—esti ako na gagawa," wika pa ni Merna. "Well, you can help each other and that would be a most efficient thing for my job." Muli naman silang nagkatinginan ni Merna. "I hope you like the food here." "Nako sir! Super! Salamat po!" bulalas pa ni Merna. Hilaw siyang ngumiti sa lalaki. Nagiging awkward na kasi ang pakiramdam niya dahil pinagtitinginan na sila ng lahat ng mga tao sa canteen. "Lucia?" baling pa nito sa kanya. Natikhim siya at walang nagawa kundi ang tumango. "I'll go ahead," paalam na nito. "Ingat ka sir," maarteng bigkas ni Merna. Nang wala na ang lalaki ay mabilis niyang pinalo si Merna sa balikat nito. Hindi naman kalakasan at sakto lang para matauhan naman ito. "Sorry naman kasi! Ang guwapo niya talaga!" "Alam ko pero baka mailang iyong tao sa pagiging obvious mo." Merna make face. "Sarap niya kagatin! Yummy!" Natawa naman siya roon at kumain na lamang. Pagkatapos nilang kumain ni Merna ay bumalik na sila sa kanilang trabaho. At gaya nga nang sabi ni sir Froilan, ay nag-iwan nga ito ng maraming mga papel sa labas ng opisina nito. May note rin na nakalagay para magkaroon siya ng access sa kabilang office. "Merna, tapos ka na ba? Pakitulungan mo naman akong magbuhat." "Sure! No problem!" Tinulungan na siya ni Merna na magbuhat ng mga papel hanggang sa makapasok sila sa kabilang office. Pagkatapos niyon ay nagsimula na siyang mag-shred ng mga papel. Tinulungan na rin siya ni Merna dahil tapos na raw ito sa pagpupunas ng mga salamin. "Lucia, wala bang secretary si sir Froilan?" "Parang wala yata." "Ows, hindi siguro mataas ang ranggo niya." Kumikit-balikat naman siya. "Hindi ko alam saka ayaw ko ring magtanong." Napabungisngis naman si Merna dahil alam niyang nahulaan niya ang ibig nitong sabihin. "Ito naman, sobrang seryoso!" "Wala lang talaga akong panahon sa mga ganyang bagay." "Wala ka bang naiwang dyowa sa probinsya niyo?" "Wala naman. Saka matagal na kaming wala niyon." "Oh, first boyfriend mo?" "Oo pero hindi naman ganoon ka seryoso. Wala talaga kasi pa sa plano ko saka sinubukan ko lang talagang mag-try noon pero wala e, talagang nagtapos lang din." "Sayang naman." "Hindi sayang iyon Merna. Malas ang tawag doon kapag ipinagpatuloy ko pa ang naging ugnayan ko sa lalaking iyon." "Oh? Mukhang may malalim na hugot ah? Kuwento ka dali!" "Baka masita tayo rito." "Nako, super busy naman ng mga tao rito. For sure wala silang magiging paki sa ating dalawa. Dali na!" Bumuntong-hininga siya. "Niloko ako ni Jun, naghanap ng ibang babae na mas better sa akin, siguro? Mabuti na lang talaga at hindi ko pa naisuko ang bataan ko." Gigil na gigil naman si Merna habang nakikinig sa kanya. "Tapos niyon?" "Nakipaghiwalay ako agad at naghanap ng trabaho rito sa siyudad. Pero hindi alam ni Jun na umalis na ako sa amin." "What!? Ano lang ba alam niya?" "Ang alam niya, naroon lang ako sa amin at ayaw ko lang na magpakita sa kanya." "Deserve niyang mabuang!" wika ni Merna sabay tawa ng malakas. Nagkatinginan silang dalawa at maging sa paligid nila. Napansin ng mga ito ang malakas na pagtawa ni Merna. "Patay!" nakangiwing wika ni Merna. Siya naman ang natawa pero mahina lang. Ang kulit kasi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD