Kabanata 7

1653 Words
Kabanata 7 NANG sa wakas ay matapos sila ni Merna ay agad din naman nilang itinapon na ang mga nagkapira-pirasong papel. Pagkatapos niyon ay bumalik na sila sa kanilang ginagawa. Nang oras na ng kanilang break time ay sabay na rin silang nagpunta sa canteen. Habang kumakain ay bigla namang lumapit si Vina sa kanilang lamesa. Umupo ito sa tabi ni Merna kaya naman ay pareho silang napatigil sa pagkain. "Bakit parang close na kayo agad ni sir Froilan?" tanong ni Vina at mukhang iba yata ang asta ng tono ng pananalita nito. "May iniutos lang sa amin Vina," sagot naman ni Merna. "Talaga? Bakit parang close kayo?" nakataas kilay na tanong muli ni Vina at this time ay sa kanyang na nito ibinaling ang tingin. "Iyon nga, may inutos sa amin. Bakit?" prangka rin naman niyang sagot dahil hindi niya talaga gusto ang tono ng pananalita nito ngayon. Para kasing nagseselos na may halong inggit. "Well, ito lang sana advice ko, matuto kayong lumugar," anito at bigla silang inirapan. Pagkatapos niyon ay tumayo na ito at umalis. Nagkatinginan silang muli ni Merna. "Sabi ko naman sa iyo, mukha lang iyong mabait!" Napabuga siya ng hangin. Mukha yatang pinagseselosan siya nito. "Sa tingin mo Merna? May gusto yata siya kay sir Froilan?" "Parang oo na hindi? Hindi ko masabi eh." Binasa niya ang kanyang mga labi. "Parang oo yata. Sa susunod kapag napag-utusan tayo ulit, tatanggi na tayo ha? Baka kasi malaman pa niya na libre ako rito ng isang linggo sa canteen. Ayaw ko pa naman ng gulo," mahinang sabi niya kay Merna. Nag-thumbs up naman ito sa kanya. "Sayang naman ang grasya," bulong pa ni Merna sa kanya. Tinapos na lamang nila ang kanilang meryenda at pagkatapos ay bumalik na sila sa trabaho. NANG uwian na ay nagpaalam na silang dalawa ni Merna sa isa't isa. Heto na naman siya sa gilid ng kalsada. Naghihintay na naman siya ng masasakyan nang bigla na lamang may dumaan na malaking motor. Huminto ito sa tapat niya at dahil sa malakas ang boga ng usok ay diretso iyon sa kanyang mukha. Napaubo tuloy siya. Nang balingan niya ang big bike ay nakaparada na ito sa kanto. Kaya naman ay lumapit siya rito. "Hoy! Matuto ka namang rumespeto sa mga nag-aabang ng masasakyan! Iyong usok! Langhap ko lahat!" inis niyang sabi sa driver ng motor. Nagtanggal naman ito ng helmet at matalim siya nitong tinitigan. Napangiwi siya nang makilala ito. "Ikaw na naman!?" bulalas niya. Inismiran lang siya nito at muli nang isinuot ang helmet. Pagkatapos ay humarurot na ito paalis. Inis siyang napapadyak at nakuyom ang mga kamao. Kapag nagkataong magtagpo na naman ang landas nilang dalawa at may gawin na naman ito ay talagang masasapak niya na ito. Bumalik na lamang siya sa kanyang puwesto at pumara na. Sa awa ng Diyos, agad din naman siyang nakasakay. NANG makauwi siya ng bahay ay sumalubong naman sa kanya si Dhea. "Lucia! Buti at dumating ka na, lalamig na itong niluto kong ulam. Akala ko mamaya ka pa uuwi?" "Pasensiya ka na Dhea, sobrang traffic kasi. Salamat dito, ha?" Tukoy niya sa ulam na bigay nito sa kanya. "Wala iyon." "Salamat." "Welcome." Agad din naman itong nagpaalam na at bumalik na sa kuwarto nito. Siya naman ay ganoon din. Pumasok na siya sa sa loob ng kanyang kuwarto at agad na nagpalit ng damit. Pagkatapos ay kumain at natulog ng maaga. RING nang ring ang kanyang cellphone at naalimpungatan siya dahil doon. Napamulat siya ng kanyang mga mata at agad din naman niyang tiningnan kung sino ang tumawag sa kanya. Nang makita niyang unregistered number ay pinatay niya ito. Muli siyang natulog pero bigla na lamang nag-ring muli ang kanyang cellphone. Mabilis niya itong tiningnan at iyong unknown registered number pa rin ang tumatawag sa kanya. Laglag ang kanyang mga balikat na bumangon at sinagot ang tawag. "Hello?" mahina niyang sagot. "Lucia! Ano ba!? Nasaan ka ba ha? Bakit ba ayaw mong magpakita sa akin!?" Kumunot naman ang kanyang noo. Nakilala niya agad ang boses nito. "Jun!? Anak ka naman ng tinapa oh! Aga-aga nambubulahaw ka! Magpatulog ka naman!" galit niyang sagot at pinatay na ang tawag nito. Hinila niya ang kumot at itinalukbong niya ito agad sa kanyang katawan. Nag-ring naman ulit ang kanyang cellphone. Kaya naman ay inis niyang kinuha ito at pinatay na talaga nang tuluyan. Pagkatapos niyon ay muli na siyang natulog ulit. MALAKAS na tilaok ng manok ang nagpabulabog sa mahimbing niyang tulog. Agad siyang bumangon at nang tingnan niya ang oras ay namilog ng husto ang kanyang mga mata dahil sa gulat. Thirty minutes na lang at kapag lumagpas pa roon ay late na siyang talaga. Mabilis na ang ginawa niyang pagkilos. Ni hindi na siya nakapag-agahan. Nagmamadali siyang lumabas ng bahay para makaabot sa darating na sasakyan. Sakto namang may dumaan agad kaya agad din naman siyang sumakay at sa sasakyan na lamang nag-ayos ng kanyang sarili. Nang tingnan niya ang oras ay ten minutes na lang at mahuhuli na siya sa kanyang trabaho. Kapag minamalas ka nga naman at wala siyang dapat na sisihin. Wala nga ba? Kasalanan 'to ni Jun kaya siya ma-la-late ngayon sa trabaho! NANG makarating siya sa office ay late na siya ng ilang minutes. Nakapag-bio siya agad at nang makarating sa locker room ay hapong-hapo ang kanyang pakiramdam. Napasandal siya habang habol ang kanyang hininga. Pilit niyang pinakakalma ang kanyang sarili. Hanggang sa mahimasmasan siya. Mabilis siya agad na nagpalit at nagtungo sa bodega para kumuha ng mga gamit. Pagkatapos ay umakyat na siya sa sa second floor. Naabutan niya si Merna na nakikipag-usap kay sir Froilan. Tumikhim siya para maagaw niya ang atensyon ng mga ito. "Good morning sir!" bati niya nang tuluyan siyang makalapit. "Good morning Lucia. You're late." Hilaw naman siyang ngumiti sa lalaki at hindi na lang nagkumento pa. "See you later guys," anito at umalis na. Agad niyang hinila si Merna. "Bakit kausap mo siya?" "Ha? Hinahanap ka niya sa akin eh. Ganda mo girl! Haba ng hair! Ano ba shampoo mo? Pahingi naman!" nakatawang asar ni Merna sa kanya. Nahawa rin siya at natawa rin. "Bakit daw?" "Aba, malay ko? Wala naman kasing ibang sinabi." Kumunot naman ang kanyang noo. "Seryoso ka ba?" "Yup! Tara na, baka marondahan tayo ni Miss Cruz." Tumango na lamang siya at kinuha niya na ang mga gamit niya sa paglilinis. HABANG abala silang dalawa ni Merna sa ginagawa ay bigla namang dumating si Miss Cruz. "Hello, ladies?" Napatigil silang dalawa sa kanilang ginagawa. "May I have a word, please?" "Good morning po ma'am," sabay na bati nilang dalawa ni Merna. "Puwede ko bang mahiram kayo sandali? Since nasa third floor ang office ko. May ipapahakot lang sana akong mga files." "Saan po dadalhin ma'am?" tanong niya. "Sa office ng big boss. Come on! Hurry up! Time is running!" Agad din naman na umuna si Miss Cruz sa paglakad at sumunod din naman sila agad ni Merna rito. Pumasok ito sa elevator habang silang dalawa naman ni Merna ay sa kabilang daan na dumaan dahil may dala silang mga gamit. Hindi naman kasi nila puwedeng basta iwan na lamang ang mga ito. Nang nasa third floor na sila ay mabilis din naman na lumakad si Miss Cruz hanggang sa huminto ito sa isang kuwarto. Nang buksan nito ang kuwarto ay pareho silang nagulat ni Merna dahil sa dami ng mga ito. Nagkatinginan pa silang dalawa. "Keri mo 'te?" Napakamot naman siya sa kanyang ulo at pasimpleng kumikit-balikat. "Kakayanin! Let's go!" ani Merna at nag-cheer pa sa sarili. Iniwan na nila ang mga gamit sa loob at kanya-kanya na silang dalawa ni Merna sa pagkuha ng mga hahakutin. Kumuha sila sa kung ano lang ang kanyang nilang dalhin. Agad din naman silang lumakad na at pumasok sa elevator. Kasama pa rin nila si Miss Cruz. "Ngayon lang ako sasama, okay? Para alam niyo kung saan ninyo ilalagay ang mga iyan. May iba pa kasi akong gagawin. You heard me?" "Yes ma'am," sagot nilang dalawa ni Merna. Nagkatinginan silang dalawa ulit at sabay na kumikit-balikat. NANG nasa thirtieth floor na sila ay agad din naman na bumukas ang elevator. Lumabas sila agad at halos mapanganga silang dalawa ni Merna dahil sa sobrang ganda ng thirtieth floor. "Nasa five star hotel ba tayo?" lutang na sabi ni Merna sa kanyang likuran. "Ganda 'no?" dagdag niya dahil totoo naman talagang parang nasa isang five star hotel ang kuwarto. Pero hindi pa ito ang kabuuan dahil nasa entrada pa lang sila ng opisina. Huminto naman sila sa isang maliit na office. Nakalagay sa pinto ang name plate na 'Secretary's Office'. Kumatok muna si Miss Cruz at agad din naman nitong binuksan ang pinto sabay tulak. Napatayo naman ang lalaki. "Good morning Jigs!" "Good morning Mitchell. How may I help you?" nakangiting wika ng lalaki. "Can you open the files room for me please? Ilalagay ko lang ang mga ito, saka marami pa ito. Silang dalawa ang inutusan kong maghakot at marami pa sa ibaba. He's expecting this to deliver the files before twilight." "Can you wait for a while? I have to confirm it first from him." "Yeah! Sure! No problem!" May tinawagan naman ito agad. "Ngayon lang yata ako nakakita na lalaki ang secretary," bulong ni Merna sa kanya. "Ako rin, first time. Usually, babae naman, 'di ba?" segunda niya pa. "Baka ayaw sumunod sa trend." Napatango-tango naman siya. "He confirmed it," Jigs says. "Thank you!" sagot naman ni Miss Cruz. Kumuha na ng susi ang lalaki at agad din naman itong lumabas ng opisina nito. Tinungo nito ang isang kuwarto at mabilis na binuksan. Pinapasok sila nito at muli silang namangha ni Merna. Hindi kasi basta-basta simpleng files room ito dahil may malaking living room area. Tapos may coffee vendo machine pa. May mahaba ring mesa sa gitna. Eight seaters. At ang mga files sa likod, naka-organized na parang nasa isang malaking library room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD