Kabanata 1
Kabanata 1
HALOS matalisod na siya sa lakad-takbo na ginagawa niya makarating lang sa tamang oras sa building kung saan naroon ang agency na pinasahan niya kahapon ng kanyang mga requirements para sa trabaho. Tinawagan kasi siya ngayon lang at ang malas niya lang dahil rumaket pa siyang magbantay ng tindahan sa palengke. Heto tuloy siya at nagkukumahog sa pagkilos.
Mabilis siyang lumakad hanggang sa makapasok siya sa loob ng building. Inayos niya agad ang nakapusod niyang buhok, maging ang nalukot niyang damit. Ang pagkakaalam niya kasi ay, direct hire na siya kapag naipasa niya ang interview na gagawin ngayon mismo ng mga oras na ito.
Huminga siya ng malalim at lumapit sa front desk.
"Hi? Good morning, Miss. Ako po si Lucia Lacsamana, itatanong ko lang po kung saan ko po ipapasa itong mga requirements?" panimula niya.
"Wait lang ha," anito at may tinawagan.
"Ma'am, proceed po kayo sa kabilang hallway, sa dulo niyon, may office," paliwanag ng babae sa kanya.
"Sige po," sagot niya at agad din naman na pinuntahan ang office na itinuro nito.
Agad niyang nakita ang ilang aplikante sa loob dahil nakasalamin lang naman ang pader ng office.
Hindi pala siya nag-iisa. Akala niya kasi, siya lang ang tinawagan. Umiral tuloy ang matinding kaba sa kanya. Baka kasi hindi siya matanggap. Kailangan na kailangan pa naman niya ng trabaho ngayon.
Lumapit siya sa glass door at kumatok ng bahagya saka binuksan ito. Pagkatapos niyon ay naghanap siya ng bakanteng upuan.
May dumating naman na isang lalaki. Ito yata ang mag-i-interview sa kanila.
"Ms. Lacsamana?" bigla nitong wika kaya agad siyang napatayo. s**t! Muntik pa siyang mabuwal dahil sa gulat.
"Yes po sir?" agad na sagot niya.
"Can I have your requirements please? Then please proceed at the next step," anito. Nagulat siya dahil bakit parang wala siyang interview na gagawin.
Pero hindi na lamang siya nagtanong pa at nagpasa na lang ng requirements. Pagkatapos niyon ay proceed na siya agad sa next step. Nasa kabilang kuwarto ang next step kaya dumiretso na siya roon. Pumasok siya sa loob, may kasama siyang limang iba pang aplikante. Humanap na siya ng mauupuan.
"At last you're complete," wika nang babae nang pumasok ito. Bumaling ito sa kanya.
"You're Ms. Lacsamana, right? Please be on time next time, okay?"
Nahihiya siyang tumango. Siya na lang ba ang hinihintay? Tama ba ang kanyang narinig? Kumikit-balikat na lamang siya.
"Good morning once again. I am Ms. Mitchel Cruz. The head of the utility department," pakilala pa nito at sandaling inayos ang mga papeles na nasa harapan nito.
"As you sent your raw application on our email. I already reviewed and choose among the applicants. We decided that the six of you will be assigned at the utility department so please, practice not being late and be on time. Kayo ang nauunang pumapasok sa trabaho so everyone of you should implement yourself to be on time. You guys should set an example," wika ni Ms. Cruz sa kanila. Tumango-tango siya habang nakikinig. Pero sa totoo lang ay gusto niyang kastiguhin ang sarili dahil late siyang dumating.
"So please rise and you may now proceed at the next room to have your identification card, uniform, your biometrics and your guideline books for the rules and regulations. Thank you," huling instruction ni Ms. Cruz sa kanila.
Nagsitayuan na silang anim at agad na lumipat sa kabilang room. Nagsimula na silang kunan ng picture para sa kanilang I.D, may tatlong uniform din na ibinigay sa kanila at ang panghuli ay ang biometrics.
Napakurap siya ng makailang beses. Hindi siya makapaniwalang may uniform agad na issue sa kanila at libre pa. Sa ibang company kasi ay kailangan mo pang bumili at gastos na naman iyon. Mabuti na lang talaga at dito siya nag-apply ng trabaho. Bigla namang pumasok si Ms. Cruz. kung saan abala pa sila sa huling gagawin.
"Attention ladies! All of you starts on Monday. I will expect you guys to be early, okay?"
"Yes ma'am," they answered in chorus.
"Okay! Have a nice day," huling wika pa nito bago tuluyang umalis.
"Miss, ikaw na susunod," wika ng kasamahan niya.
"Salamat," aniya at agad din namang lumapit sa operator para sa biometrics.
Pagkatapos niya ay sinabihan na siya ng operator na puwede na siyang umuwi. Todo thank you ang ginawa niya at agad din naman na tinungo ang exit, palabas ng building.
Tuluyan na siyang nakahinga ng maluwag. At last, natapos na rin at sobyang saya niya dahil natanggap din naman siya agad sa unang apply pa lamang. Siguradong matutuwa ang inay niya kapag nalaman nitong may trabaho na siya.
Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at tinawagan ang kanyang Nanay Mildred.
Naghanap pa siya ng puwestong puwede niyang matambayan muna habang tinatawagan ang kanyang ina.
Nakailang ring pa ito bago ito tuluyang sumagot.
"Lucia? 'Nak? Napatawag ka?"
"Nay! May trabaho na ho ako," masiglang bati niya sa ina.
"Talaga ba!? Diyos ko! Salamat naman anak!" masayang wika rin ng kanyang ina sa kabilang linya.
"Kaya huwag niyo na ho sanang patigilin sa pag-aaral si Meryl. Dalawang taon na lang 'nay, magtatapos na rin siya sa Senior High," pakiusap niya pa.
"Anak, ayaw ko naman talaga sanang gawin iyon pero alam mo namang mahirap ang buhay dito sa probinsya."
"Magpapadala naman po ako ng pera buwan-buwan. Saka ako na po bahala kay Meryl, 'nay."
Narinig naman niyang bumuntong-hininga ito. Alam niyang gusto nitong makatapos din ang kapatid pero dahil kapos sila sa buhay ay kailangan talagang huminto nito.
"'Nak, sigurado ka ba talaga riyan, ha? Hindi ka ba mahihirapan? Magastos pa naman diyan."
"Sus 'nay! Wala ka yatang bilib sa akin eh! Kayang-kaya ko iyan!" paninigurado niya pa. Ayaw niya kasing mag-alala ito lalo pa nga't nasa malayo siya.
"Oh siya! Ikaw ang bahala. Basta anak mag-ingat ka lagi, ha? Tumawag ka agad kapag may kailangan ka."
Bigla namang may namuong mga luha sa gilid ng kanyang mga mata. Bigla tuloy niyang na-miss ang ina. She clear her throat at mahinang suminghot. Pinigilan niya ang sarili na huwag maging emosiyonal.