Kabanata 5
NANG masiguro niyang nakuha niya na lahat ang mga basura ay ang mga glass wall naman ang sunod niyang sinimulan na nilinis.
"Lucia, ibababa ko lang 'to, ha? Baka mangamoy kasi," tukoy pa ni Merna sa malaking basurahan.
"Sige lang. Kaya mo ba?"
"Oo naman. Itutulak lang naman 'to eh, 'di naman bubuhatin."
"Okay, ingat ka sa pagbaba." Sa likod kasi iyon dadaan, katabi ng hagdan. Hindi kasi puwede sa elevator dahil hindi magkakasya.
"Oo naman."
Pagkatapos niyon ay umalis na si Merna at naiwan siyang abala rin sa paglilinis. Nang biglang may lumapit sa kanyang lalaki.
"Ate, pasuyo naman oh, pakibigay naman doon sa kabilang office room. Pakisabi, e shred 'tong mga papel bago itapon."
"Ay sige po sir."
Agad naman niyang kinuha ang gabundok na mga papel. Nahigit niya pa ang hininga dahil muntik pa niyang mabitawan ang mga ito.
Pagkatapos nitong ibigay sa kanya ang mga bundle ng papel ay agad din naman itong bumalik sa loob ng office nito.
Siya naman ay halos magkandakuba na sa pagbubuhat, umabot lang sa kabilang office na tinutukoy nito. Bago siya pumasok ay ibinaba niya muna ang mga dala siya saka kumatok.
Agad namang may nagbukas.
"Yes?"
"Ma'am, sabi sa akin, ipinapa-shred daw po ito bago itapon," aniya pa at itinuro ang mga dala niya.
Bigla naman siya nitong tinaasan ng kilay.
"Bulag ka ba? Kita mo naman sigurong ang dami nang nakapatong sa lamesa ko. Bakit hindi ikaw ang gumawa niyan!?"
"Po?"
Inirapan lang siya nito sabay walk out. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at napakuyom ng mga kamay. Bigla tuloy siyang nainis sa pagtataray nito. Asar! Binuhat niya na lamang ang mga papel at bumalik sa kabilang office.
Muli siyang kumatok. Sumenyas din naman ang nasa loob. Pinapapasok siya nito?
"Bakit—" sandali pa itong tumingin sa kanyang ID.
"Bakit Lucia? May problema ba?"
"Sir, ayaw po kasing tanggapin."
"Call me sir Froilan and speaking of that papers. Tinanggihan niya?"
Tumango naman siya. Bumuntong-hininga naman ito at tumayo.
"Follow me."
Agad din naman siyang sumunod. Pumasok sila sa kabilang office kung saan maraming tao.
"Can you please shred it there? Kailangan na kailangan kasi iyang itapon na."
"Ako po gagawa?"
"Oo sana. Pasensiya ka na pero wala kasi akong mapag-utusang iba. Can you do it? Please? Don't worry, I'll give you an extra p*****t for doing this."
"Sige sir."
"Okay, marunong ka ba gumamit nito?" Agad naman siyang umiling. Bigla naman nitong kinuha ang mga dala niya at ipinatong sa ibabaw ng machine. Marahan siya nitong hinila.
"Come, ito gagawin mo, ipapasok mo lang ang mga papel dito tapos press this green button. I'll make a sample."
Agad din naman nitong ipinakita sa kanya kung paano at madali niya lang iyon na gets.
"Kuha ko na po sir."
"Nice! Katukin mo lang ako mamaya kapag tapos ka na, okay?" anito at bigla siyang nginitian. Natigilan siya. Ngayon niya lang napagmasdan ng husto ang mukha nito. Lagi kasi siyang nakayuko at ayaw tumitig sa ibang tao. Ang guwapo pala nito at Ang ganda pa ng mga ngiti nito.
"Lucia? Are you okay?"
"Ha? Sir?" Nakatulala yata siya ng ilang segundo rito.
Napangiti naman ito sabay tapik ng kanyang balikat.
"See you at lunch," wika nito. Hindi na siya nakasagot at agad din naman itong umalis. Napalunok siya ay napatingin sa paligid. Natampal niya ang magkabila niyang pisngi. Pakiramdam niya kasi'y biglang uminit ang mga ito.
Huminga siya ng malalim at napailing. Agad na lamang siyang kumilos para matapos siya agad.
Habang ginagawa niya iyon ay bigla namang dumating si Merna. Bahagya pa itong nagulat.
Sumenyas siya rito na pumasok sa loob. Agad din naman itong tumalima.
"Oh? Anong ginagawa mo rito sa loob?" agad na tanong nito sa kanya.
"Napag-utusan ako ni sir Froilan."
"Oh? Bakit ikaw? Hindi naman natin gawain 'to, 'di ba?"
Napakamot naman siya ng kanyang ulo.
"Wala akong choice e."
"Oh siya, tapusin mo na lang iyan. Ako na bahala sa labas. Basta dalian mo, ha? Malapit na ang lunch break."
"Oo, bibilisan ko 'to," paninigurado niya pa.
Pagkatapos niyon ay muling lumabas si Merna at ito na ang naglinis sa mga salamin. Siya naman ay minadali niya na rin ang trabaho niya hanggang sa tuluyan siyang natapos. Lumabas siya ng office at tinungo ang office ni sir Froilan. Kumatok siya at agad din naman niyang nakita ang pag-angat nito ng ulo. Sumenyas ito na pumasok siya sa loob. Agad din naman siyang pumasok.
"Sir, natapos na po ako."
Napangiti naman ito.
"Ganoon ba? Pakitapon na lang okay. Saka, heto..."
Kinuha nito ang pitaka na nasa ibabaw ng mesa at humugot ng isang libo. Namilog ang kanyang mga mata.
"Heto," inabot nito ang pera sa kanya. Alanganin naman siya sa pagkuha nito.
"Sir? Hindi ba bawal? Huwag na lang po. Baka po kapag nalaman ng head, baka masesante po ako."
"Oh? Ganoon ba iyon? Hmm, ganito na lang. Libre ko na lunch mo sa canteen. Ipakita mo lang 'to, okay?"
Tumango naman siya kahit hindi pa niya alam kung ano ang ibig sabihin nito. Kumuha ito ng maliit na papel at may sinulat na kung ano, pagkatapos niyon ay ibinigay sa kanya.
"Thanks Lucia."
"Welcome po sir."
"Okay, you may now go."
Pagkasabi niyon ay agad din naman siyang lumabas ng opisina nito. Nag-aabang na sa kanya si Merna. Agad niya itong tinulungan sa mga gamit at lumakad na silang dalawa.
"Lucia, ano raw sabi?"
"Ha? Ano, heto oh, may ibinigay lang na letter."
Kinuha naman ito ni Merna at binasa.
"Oh my gulay! Bongga ng libre mo day!"
Nakalagay kasi sa letter na kung anuman ang kainin niya, sagot nito nang isang linggo ang bayad sa canteen.
"Ang bongga naman ni sir! Guwapo na, galante pa!"
Hilaw naman siyang napangiti.
"Mabait lang siguro siya."
"Super! Libre mo ako ha! Ngayon lang naman! Hehe!"
Natawa na lamang siya at tumango rito.
Mabilis na nilang tinungo ang lagayan ng mga gamit at pagkatapos niyon at diretso na sila sa canteen.
At gaya nga nang sabi ng lalaki. Ipinakita niya sa cashier ang hawak niyang papel. Kinuha nito ito at agad na may tinawagan. Nang ma-confirm nitong totoo nga ay bigla na lamang ito sumigaw.
"Another VIP from sir Froilan!" anito pa. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Merna. May ibinigay naman na card ang cashier.
"Huwag mong wawalain ito, okay? Validity nito ay one week, may nakalagay diyan na petsa. Pakisunod na lang."
"Iyon lang po?"
"Yes. Happy eat all you can."
Nagkatinginan silang dalawa ni Merna at sabay silang mahina na napatili sa isa't isa dahil sa sobrang saya.
"Legit, ang bait!" bulalas pa ni Merna.
"Oo nga," sang-ayon naman niya. Actually, wala naman talaga siyang hinihinging kapalit pero masaya siya dahil may isang katulad pa nito ang nakaka-appreciate ng isang tulong mula sa isang gaya niya na nasa utility department.
"Tara na Lucia!" wika ni Merna at kinabig na siya nito.
Agad naman na silang kumuha ng lunch at hinayaan niya na si Merna ang maglagay sa kanyang plato dahil hindi naman niya alam kung ano ang gusto nitong kainin.
Pagkatapos nitong kumuha ay ipinakita niya na ang kanyang card muli sa cashier, kasama na ang listahan ng mga pagkaing kinuha niya. Pagkatapos niyon ay muli nitong ibinalik ang card sa kanya.
Excited na excited naman si Merna na maghanap ng lamesang mauupuan nilang dalawa. At nang makahanap ay agad na nilang nilantakan ang pagkain. Daig pa nila ang nasa isang fiesta dahil sa dami nilang pagkain sa mesa.
"Sigurado ka bang mauubos natin 'to?"
"Oo naman, ako pa. Hindi kasi ako nag-agahan kanina kaya talagang gutom na gutom ako."
"Sige lang. Kumain ka lang ng marami," nakangiti niyang wika at nagsimula na rin siyang kumain dahil isang oras lang naman ang kanilang break sa trabaho.
Nang matapos silang kumain ay agad din naman silang bumalik sa kanilang trabaho. At sobrang ganado nilang magtrabaho ni Merna dahil nga sa masarap din ang naging tanghalian nilang dalawa.