Kabanata 3

1017 Words
Kabanata 3 Limang buwan lang ang itinagal ng kanilang relasyon. Mabuti na rin talaga at hindi niya pa gaanong minahal ng todo si Jun dahil kapag nagkataon na minahal niya ito ng todo, siguradong matatagalan siyang makapag-move on. Good thing, she easily move on at hindi na masakit para sa kanya ang nangyari. Mabuti na lang talaga at hindi niya pa naisuko ang kanyang bataan.   Blessing in disguise rin nga siguro ang paghihiwalay nilang dalawa dahil natanggap din naman siya agad sa trabaho. At least magiging busy na siya at makakalimutan niya nang tuluyan ang kababoyan nito.  Napabuga siya ng hangin at napailing na lamang saka nagpatuloy na sa pagkain.  KINAUMAGAHAN ay maaga siyang gumising. Madaling araw pa lang ay dilat na ang kanyang mga mata. Ayaw niya na kasing ma-late. May deduction kasi iyon sa suweldo niya kapag ganoon.   Tapos na siyang maligo at tapos na rin siyang nagbihis ng kanyang uniform. Nag-almusal na rin siya ng maaga dahil for sure, mahaba-habang araw ang kahaharapin niya ngayon. Hindi pa naman madaling maging utility staff, lalo na kung maraming floor ang building.  Isinuot niya na ang kanyang company I.D at kinuha niya na ang kanyang bag. Bago siya tuluyang umalis ay tsinek muna niya kung wala na bang nakasaksak na appliances. May ceiling fan, rice cooker at electric stove kasi siya. Hindi naman kanya 'to at naroon na iyon sa kuwarto na inuupahan niya. Bale, pinahiram lang din sa kanya ng landlady. Kapag nasira, babayaran din naman niya.  Nang masiguro niyang wala namang nakasaksak ay agad din naman niyang ini-lock ang pinto. Isinilid niya na ang susi sa loob ng kanyang bag at tsinek na rin kung naroon ba ang kanyang baon para sa tanghalian.  Pagkatapos niyon ay mabilis na siyang naglakad. May oras pa naman siya. Binilisan niya pa lalo ang kanyang mga hakbang hanggang sa umabot siya sa highway para naman mag-abang ng masasakyan.  Hindi naman siya natagalan sa paghihintay dahil agad din naman na may dumaang jeep kaya agad din naman siyang sumakay. Nasa Bajada pa kasi ang building na pinapasukan niya. Muli ay sa pinakahulihan ulit siya umupo para hindi hassle sa kanya sa pagbaba.  Habang nasa biyahe ay nasa ibang lupalop din naman napadpad ang kanyang utak. Excited siya at kinakabahan din. Paano kung masasama pala ugali ng mga boss niya? Napanguso siya. Kakatingin niya ito ng mga Korean drama e, iyong mga inaalipusta kunwari ang mga utility staff. Utos dito, utos doon. Ugh! Gusto niya tuloy batukan ang sarili niya dahil umabot pa talaga siya sa ganoong senaryo. Ang negative tuloy! Dapat optimistic siya at dapat high energy. Napapadasal na rin siya na sana magtagal siya sa trabaho niya at sana walang aberya.  MAKALIPAS ang halos twenty-five minutes na biyahe ay umabot din naman siya sa building kung saan siya magtatrabaho.  Tiningnan niya ang kanyang suot na relo. Sakto lang ang dating niya at hindi siya late. Buti na lang talaga!  Bago siya pumasok ng tuluyan ay inayos niya pa muna ang nagusot niyang damit. Pagkatapos niyon ay diretso na siya agad sa pagpasok. Ipinakita niya ang kanyang company I.D sa guwardiya. Pagkatapos niyon ay pinapasok na siya. Hindi siya mismo sa entrance dumaan dahil bawal iyon. Doon siya pumasok sa employees entrance and exit door.  Nang nasa loob na siya at may isa pang guwardiya na naman ang nakaabang. Muli niyang ipinakita ang kanyang I.D at pagkatapos niyon ay binigyan naman siya nito ng susi para sa kanyang magiging locker. "Lapag mo muna bag mo, security check lang," anito pa. Inilapag din naman niya ang kanyang bag at binuksan ito. Nang makuntento ito ay sumenyas ito na okay na at tuluyan na siyang pinadaan. Diretso siya agad sa locker room.  "Two-one-seven," sambit pa niya habang nakatingin sa maliit na acrylic keychain holder na kasama ng susing ibinigay sa kanya. Hinanap din naman niya agad ang kanyang locker. Nang makita niya iyon ay agad din naman niya itong binuksan at inilagay ang kanyang bag sa loob.  "Hi? 'Di ba't ikaw si Lucia?" wika ng isang babae sa kanyang tagiliran.  "May kailangan ka ba?" taka naman niyang tanong. Hindi niya kasi ito kilala.  "Vina," anito at inabot ang kanang kamay para makipag-shake hands sa kanya. Alanganin man pero tinanggap niya pa rin ang kamay nito bilang pagrespeto na rin.  "Nice meeting you Lucia," anito pa.  "Nice meeting you too Vina," sagot naman niya.  Ngayon lang din niya napansin na naka-uniform itong kagaya niya bilang isang utility staff.  "Paano mo nga pala ako nakilala?" "Nakita kasi kita kahapon at ikaw iyong huling dumating na aplikante. Narinig ko lang din kay Ms. Cruz ang pangalan mo kasi nga late ka raw dumating."  Napangiwi siya. Nakakahiya talaga! Nailing na lamang siya at hilaw na ngumiti rito. "Na-traffic kasi," dahilan niya na lamang. "Always naman talaga kapag rush hour." Tumango-tango naman siya.  "Sa utility department ka rin na, assign?" tanong niya pa kahit alam naman niya na dahil sa suot nitong uniform.  "Yes, pero sa isang floor lang ako naka-aasign. Sa opisina ng big boss." Namangha naman siya.  "Sa pinakatuktok talaga?" pagtatama niya pa. Tumango naman ito.  "Marami tayong utility staff dito. Bawat floor may isang naka-aasign."  "Matagal ka na ba rito?" "Two years pa," sagot nito at inayos ang name plate nito sa dibdib.  "Name plate sa iyo?" taka niya pang tanong dahil hindi naman sila binigyan ng name plate.  "May ganito ka rin after three months observation. Saka naiwan ko kasi I.D ko sa kakilala kong utility staff din. Mamaya pa kasi duty niyon. Kaya ito muna pansamantala. Pero ginagamit lang 'to kapag aakyat ka sa mga VIP office. Ayaw kasi nila nang may kung anong nakasabit sa leeg. Alam mo na baka magsabit daw tayo ng spy cam," anito pa.  "Ah, okay," sagot niya.  "Una na ako sa iyo Lucia, kapag may tanong ka pa, mamaya na lang kapag break time."  Napangiti naman siya.  "Sige, salamat."  Nginitian lang din naman siya nito at umuna na ito sa pag-alis. Saka rin naman niya nakita ang mga nakasabayan niya kahapon. Sumenyas iyong isa na lumapit siya kaya agad din naman niyang isinirado ang kanyang locker. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD