Kabanata 2

1054 Words
Kabanata 2 "Opo 'nay. Kayo rin ho," sagot niya.  "Sige na 'nak at baka mahal na itong tawag mo." "Hindi naman ho 'nay."  "Kahit na. Ingat ka ha, mahal na mahal ka namin."  "Mahal ko rin kayo 'nay."  "Oh siya, sige," huling wika nito at tuluyan na nitong pinutol ang linya.  Huminga siya ng malalim at tumayo na saka naghanap na ng jeep na masasakyan. Malayo pa naman ang paupahan na uuwian niya. Nasa Maa pa at kailangan niya pang bumiyahe nang siguro mga twenty minutes o sobra, depende kapag hindi traffic. Pero sa ilang araw niyang pananatili rito sa siyudad ay talagang hindi mahulagan ng karayum ang traffic kapag rush hour.  Tumawid na siya sa kabilang kalsada at pumara ng jeep. Sakto at may dumaan agad na jeep pa biyaheng maa.  Nang makasakay siya ay sa dulo na siya umupo para naman hindi hassle sa kanya kapag papara na.  HABANG nasa biyahe ay napapatingin rin siya sa labas. Ibang-iba talaga kapag nasa malaking siyudad kumpara sa nakasanayan niyang lugar sa kanila sa probinsya. Puro kasi bundok, mga punong kahoy at maliliit lang na establishment ang naroon sa kanila. Samantalang dito sa Davao, ay talagang nagtataasang mga building. Kung may matataas man na lugar, doon lang malapit sa inuupahan niya. May malaking subdivision roon na nasa itaas ang area at may maraming puno. Naglalakihan din ang ang mga bahay na naroon.  Napangiti siya, balang araw , maititira niya rin sa ganoong bahay ang kanyang pamilya.  MAKALIPAS ang mahigpit twenty minutes ay nakarating din siya agad sa Gym Village kung saan naroon ang bahay na inuupahan niya. Hindi naman literal na okupado niya ang buong bahay. Boarding house ito dahil may mga kasama rin naman siyang nakatira rin sa ibang mga kuwarto.  Nang nasa tapat na siya ay itinulak niya ang gate dahil hindi naman ito nakasarado. Ang landlady agad ang sumalubong sa kanya.  "Oh, Lucia, maaga ka yatang umuwi. Hindi ka ba natanggap?" anito pa. Alam kasi nito kung saan siya pupunta dahil nagpatulong din siya rito na mahanap ang eksaktong address ng building.  "Natanggap ho, Aling Salya," masaya niyang imporma rito.  "Aba'y congrats sa iyo!" masayang wika rin naman ito. Sino ba ang hindi sasaya? May pambayad na siya ng upa buwan-buwan.  "Salamat po," nakangiti niyang sagot.  "Oh, siya! Maiwan na muna kita," ani Aling Salya at iniwan na siya nito. Napailing na lamang siya at pumasok na sa kanyang kuwartong inuupahan. Naghubad siya ng kanyang sapatos at nag-unat ng kanyang mga braso. Bigla kasing nangalay ang mga kasu-kasuhan niya. Sa tagal ba naman ng biyahe at siksikan pa sa jeep. Siguradong makakaramdam siya ng pangangalay.  Napadako naman ang kanyang tingin sa kalendaryong nakasabit sa pader. Napangiti siya sa kanyang sarili. Bukas na bukas din ay magsisimula na siya sa kanyang trabaho at aminado siyang excited na kinakabahan din.  Pero dapat talaga maaga siyang matulog mamaya para naman maaga rin siyang magising. Ayaw niya nang ma-late. Nakakahiya talaga siya kanina pero tapos na iyon at hindi niya na uulitin pa.  Itinabi niya na ang kanyang bag at ang dala naman niyang uniform ay ipinatong niya sa kanyang kama. Kumuha siya ng hanger at doon isinabit upang hindi magusot ang isa. Ang dalawa naman ay lalabhan niya para may masusuot siya sa susunod. Kapag kasi isinama niya pa iyong isa ay baka wala siyang maisuot bukas. Wala pa naman siyang plantsa at kung makakahiram man ay may bayad iyon panigurado kay Aling Salya.  May kumatok naman sa pinto kaya agad din naman siyang lumapit dito. Binuksan niya ito. Si Dhea, ang kapitbahay niya sa kabilang kuwarto. "May kailangan ka, Dhea?" tanong niya at napatingin sa hawak nitong baonan.  "Nagluto kami ni Berta ng ginataang monggo. Naparami kaya heto, tinirhan ka na namin. Wala ka kasi kanina." Napangiti siya. Sakto at nagugutom na rin siya.  "Salamat dito, Dhea, ha?" "Wala 'yon, sige." Iniwan na siya nito. Isinarado niya na ang pinto at inilapag ang hawak niya sa mesa. Pagkatapos ay kumuha siya ng kanin sa kaldero. Mabuti na lang talaga at naparami rin ang luto niya kaninang umaga. Nanghihinayang pa nga siya kanina dahil baka mapanis lang ito kung buong maghapon siyang naroon sa kumpanyang inaaplyan niya. Mabuti na lang talaga at maaga siyang nakauwi.  Nagsimula na siyang kumain. Habang nasa kalagitnaan siya ng pagkain ay bigla namang tumunog ang kanyang cellphone. Napatigil siya sa pagsubo at tumayo. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa loob ng kanyang bag.  Kumunot ang noo niya at agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay. Ayaw talaga siya tantanan ng ex-boyfriend niyang may sayad sa utak.  Napairap siya ng kanya mga mata at sinagot ang tawag nito.  "Oh?" matabang niyang wika kay Jun.  "Ano ba, Lucia! Magpakita ka naman sa akin oh! Lumabas ka naman ng bahay, please!"  Agad na umangat ang kaliwang sulok ng kanyang labi at napamaywang.  Kawawang Jun, hindi kasi nito alam na isang Linggo na siyang wala sa kanila. Hindi rin alam ng mga kapitbahay niya na nag-alsa balutan na pala siya. Bilin niya kasi sa kanyang ina na huwag ipaalam kay Jun kung nasaan siya at mukhang iyon nga ang ginawa ng kanyang ina. Wala itong ideya na wala pala siya sa kanila.  "Jun, tigilan mo na ako, puwede ba? Ako na nga ang lumayo, 'di ba? Hindi ba't si Melba ang pinili mo, at hindi ako? Limot mo na agad, iyon? Ibang klase ka talaga!"  "Lucia naman, alam mo namang ikaw lang talaga, 'di ba?" "Hindi ko iyon alam," pamimilosopo niyang sagot.  "Sige na naman Lucia oh, labasin mo na ako. Kanina pa ako rito e!" "Bakit hindi ka ro'n kay Melba ngumawa. Huwag mo na akong pag-aksayahan pa ng oras. Hindi worth it! Promise!" "Ikaw nga kasi mahal ko!"  Napa-ismid siya na para bang kaharap niya si Jun.  "Tanga lang ang maniniwala sa iyo! At hindi ako iyon! Manigas ka! Manloloko!" bulyaw niya at pinatayan ito.  Inis niyang naitapon ang kanyang cellphone sa ibabaw ng kanyang kama. Bumalik na siya sa mesa at bumalik sa kanyang pagkain. Kung akala nito'y mawawalan siya ng ganang kumain, puwes doon ito nagkakamali. Mas lalo tuloy siyang nagutom at gigil na gigil tuloy ang kanyang pakiramdam. Makapal talaga ang pagmumukha nito. Kung hindi niya pa ito nahuli sa akto ng pangangaliwa, malamang tanga pa rin siya hanggang ngayon. Mabuti na lang talaga at malakas ang instinct niya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD