Kabanata 4

1330 Words
Kabanata 4 Lumapit siya rito. "Ikaw si Lucia, 'di ba? Akong nga pala si Merna, ang sabi sa comfort room daw tayo naka-assign." "Ganoon ba? Tayo lang bang dalawa?" "Iyong iba kasi, sa ibang floor naka-assign. Tara na baka, mahuli pa tayo sa trabaho." "Sige." Agad din naman silang lumabas ng utility quarters at agad sumunod kay Merna. At gaya nga nang sabi nito, sa comfort room nga sila naka-assign at naroon iyon sa second floor. Nagsimula na silang maglinis ni Merna at sa totoo lang ay nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa. Sana kasi siya sa mga ganitong gawain at hindi na bago sa kanya ang paglilinis ng mga kubeta. TANGHALI na nang matapos sila ni Merna. Agad din naman silang bumalik sa utility quarters. Magpapalit kasi sila ng panloob dahil talagang pinagpawisan silang dalawa ni Merna saka pagkatapos niyon ay sa employees canteen na sila nagtungo. Naroon din ang ilang mga kasama nila sa trabaho at doon din sila umupo sa puwesto nila. "Tapos na kayo?" wika ni Vina, sabay upo sa tabi niya. "Hindi pa, babalik pa kami ni Merna." "Hi!" bati naman ni Merna kay Vina. "Hello. Oh siya, una na ako sa inyo ha, good luck sa atin," cheer pa ni Vina. Nagkatinginan naman silang dalawa ni Merna. "Close kayo?" "Hindi. Kanina ko lang din siya nakilala saka mukhang mabait naman siya," sagot niya sabay kibit-balikat. Kumikit-balikat din naman si Merna at hindi na lang din nagkumento. Tinapos na nila ang kanilang tanghalian at balik na sila sa trabaho ni Merna. Habang naglilinis sila ng comfort room ay panay din naman ang kuwentuhan nilang dalawa. Nagkuwentuhan sila tungkol sa kanya-kanyang buhay at sa totoo lang ay hindi sila nabagot sa paglilinis. "Merna, naalala ko nga pala. Ang sabi kasi ni Vina, tig isang utility staff kada floor. So bakit dalawa tayo rito?" "Iyon din ang alam ko Lucia pero baka naman kasi bago pa tayo kaya dalawa muna tayo na-assign dito." "Siguro nga," sang-ayon niya na lamang. Tinapos na nila ang kanilang ginagawa hanggang sa dumating na ang oras ng kanilang uwian sa trabaho. Nagpaalam na rin siya kay Merna at sa iba pang mga katrabaho niya. At heto siya ngayon sa tabi ng kalsada, nag-aabang siya ng Jeep na masasakyan. Nang may huminto na rotang sasakyan niya ay agad din naman siyang sumakay. Sa pinakadulo na siya umupo. Nag-abot na rin siya ng kanyang bayad. Napasandal siya gilid at malayo ang tingin sa kalsada. Ngayon lang naramdaman ng katawan niya ang matinding pagod. Mukhang nabigla rin yata ang katawan niya hindi rin naman kasi naging madali ang trabaho nilang dalawa ni Merna. Kailangan kapag may pumapasok sa cubicles ay kailangan paglabas ng mga ito, dapat siguradong malinis ulit. Kung titingnan ng iba, madali lang trabaho nila pero hindi iyon ganoon ka simple. Kailangan din ng motivation dahil kung mahina sikmura mo, wala kang matatapos na trabaho. Isa pa ang alam niya, hindi lang ganoon lagi ang gagawin nila. Ang alam niya, shifting ang gagawin. Bumuntong-hininga siya. Kumakalam na ang sikmura niya at gusto niya na talagang mahiga sa kama. Habang nagliliwaliw ang utak niya ay bigla namang nag-ring ang kanyang cellphone. Agad niyang tiningnan kung sino ang tumawag. Laglag ang kanyang mga balikat at muling napabuntong-hininga. Si Jun na naman kasi ang tumatawag sa kanya. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi at pinatay ang tawag nito. MAKALIPAS ang ilang minuto na biyahe ay sa wakas, nakauwi rin siya sa kanyang boarding house. Agad niyang binuksan ang pinto at agad din naman niya itong isinirado nang makapasok siya. Ini-on niya ang switch ng ilaw at agad na sumampa sa kama. Inaantok na ang pakiramdam niya pero hindi pa siya naghahapunan. Kaya kahit na pagod at gutom ay bumaba siya sa kama. Agad siyang nagsaing at nagluto ng ulam. Pagkatapos niyang magluto at maghanda ay kumain na rin naman siya. Gutom na gutom talaga ang kanyang pakiramdam at para tuloy siyang patay gutom dahil simot lahat ang kanin sa kaldero. Pagkatapos niyang kumain ay agad din naman siyang natulog na dahil maaga pa siyang papasok bukas. KINABUKASAN ay maagang nagising si Lucia. Naunahan pa nga niya ang kanyang alarm clock. Bumiyahe rin naman agad siya papunta sa kanyang trabaho. Nang naroon na siya ay agad din naman niyang sinunod ang protocol. Nang tuluyan na siyang nasa loob ng quarters ay muli na namang nabuhayan ang loob niya. Excited na naman siyang magtrabaho ulit. Habang nagpapalit siya ng kanyang uniform ay may narinig siyang bulong-bulongan sa kanyang likuran. "Nakita mo na ba iyong may-ari?" tanong pa nito. "Sino? Iyong may-ari rito?" Hindi niya nakita kung tumango pa ang kausap dahil nanatili siyang nakatalikod. "Ang balita ko binata pa eh." "Talaga ba?" tila kinikilig pa ang ang mga ito. Nailing siya. Sa isip niya. Isa lang silang hamak na trabahador at malabong makita o makadaopang palad nila ang may-ari. Saka taga-linis lang din sila rito, malabong may magkagusto sa kanya o sa kanila na may-ari. Ano iyon? Cinderella? Bigla siyang natawa sa kanyang na-isip. Agad na siyang nagbihis pero nagtataka siya dahil siya lamang mag-isa pa ang naroon sa second floor. Hindi niya namataan si Merna. Kumikit-balikat siya. Baka kasi ay na-late lang ito. Nagsimula na lamang siyang magtrabaho. Habang nag-mo-mop ng sahig ay may babae namang pumasok. Nanalamin muna ito bago huminto at humarap sa kanya. Napaangat siya ng kanyang tingin. Nakasuot ito ng pang-opisina. Nakalagay sa sling identification nito ang Marketing Department. "Ate, pakikuha naman ng mga basura sa office. Marami na kasi. Salamat." "Sige po ma'am." Agad naman itong lumabas ng comfort room. At dahil maaga pa at tapos na rin naman na siya sa pag-mo-mop ay agad din naman siyang bumalik sa bodega. Kumuha siya ng malaking trash bin, pagkatapos ay inilabas niya na ito at nagsimula na siyang kumatok at pumasok sa bawat opisina. Inisa-isa niyang kinuha ang mga trash cans at inilipat sa malaking trash bin. Nag-e-enjoy siya sa kanyang ginagawa at mukhang mas hindi yata ito nakakapagod. "Lucia!" mahinang tawag ni Merna na nasa kanyang likuran. "Oh? Na-late ka yata." "Sobrang traffic!" "Kaya pala. Halika na, baka mapagalitan tayo rito. Marami pa tayong kukuning basura." "Akala ko may ibang kukuha ng mga 'to," wika pa ni Merna. "Parang tayo pa rin gagawa eh, saka kita mo naman. Tayong dalawa lang nandito." "Oo nga, 'no? Magdala kaya ako ng mop?" "Samahan mo na ng walis at dustpan. Saka pamunas na rin sa salamin." "Okay! Sige!" Agad din naman na umalis si Merna at naiwan siyang muli sa pagkuha ng mga basura hanggang sa mapadaan siya sa isang office. Nakabukas ang pinto at kakatok na sana siya nang may marinig siyang kalabog. "Damn it! Ako ang mapapatay nito dahil sa kapalpakan mo!" galit na sigaw ng lalaki. Napalunok siya. Patay!? As in tigok? Namilog naman ang kanyang mga mata nang tuluyang umawang ang pinto. Lumabas dito ang isang binatang lalaki. Matalim lang itong tumitig sa kanya saka agad din naman na umalis. Bigla yata siyang kinabahan. "Anong tinatayo-tayo mo riyan!?" Napaigtad siya dahil sa gulat. "Good morning po sir, kukuha lang po ako ng basura," sagot niya at muntik na siyang pumiyok. "Nasa likod ng pinto! Bilis!" Agad din naman siyang kumilos at kinuha agad ang basura nito. Pagkatapos ay ibinalik niya ang trash can at agad din naman na nagpaalam. Hindi ito sumagot kaya agad din siyang umalis. Nang malayo na siya ay sandali siyang napatigil. Parang biglang nanghina ang kanyang mga tuhod. Sobrang kabado siya kanina. "Lucia!" "Anak ka ng nanay mo! Merna naman," bulalas niya at napahawak sa kanyang dibdib. Takang-taka naman itong tumitig sa kanya. "Ang putla mo," kumento pa nito. "Ha? Ayos lang ako," sagot niya at kumapit sa hawakan ng trash bin. "Sigurado ka ba?" "Oo naman," aniya at hilaw na ngumiti rito. Ayaw niya nang ikuwento rito kung anong nangyari dahil baka may makarinig pa sa kanila. "Oh siya, maglilinis lang ako ng sahig." "Sige," sagot niya at agad din naman na siyang bumalik sa kanyang ginagawa.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD