Kabanata 15 NAALIMPUNGATAN siya nang may marinig siyang parang nabasag. Kasunod niyon ay ang malutong nitong pagmumura. "Shut the hell up Renzo! You're making her wake up!" "No! You idiot! Let me be the one to settle this Laurenzo!" "Stop it! I said no!" "Moron! Fine! I'll let you handle this woman!" Iyan ang naririnig niya habang nakapikit pa rin ang kanyang mga mata. Napadilat siya ng kanyang mga mata at nasapo ang kanyang noo. Pagkatapos ay bigla siyang natigilan dahil nasa isang magarang kuwarto siya. Agad siyang napatayo pero dahil sa katangahan niya'y diretso siyang nahulog sa kama. "Gaga! Lucia!" kastigo niya sa kanyang sarili at agad na tumayo. Inusisa niya pa ang kanyang sarili. Wala namang nangyaring hindi maganda sa damit niya. Suot pa rin naman niya ang kanyang d