Kabanata 13

1331 Words
Kabanata 13 NANG makarating siya sa condominium ay agad din naman siyang nagpatulong na ibaba ang mga pinamili niya. Pagkatapos ay nagpatulong na siya sa guwardiya na ihatid siya sa itaas. Iniwan pa nila ang ibang mga groceries sa lobby dahil hindi naman kayang i-akyat lahat. Mga ilang eco bags lang ang dala niya at ilang mga carton ng mga inomin. "Ma'am? Anong floor po ba?" tanong pa nang guwardiya sa kanya. "504 daw po." "VIP." Nagulat naman siya sa kanyang narinig. "VIP po? Tama ba rinig ko?" "Hindi po kayo taga-rito ma'am?" "Katulong po ako e. Napag-utusan lang din maghatid dito," sagot niya pa. "Nako ma'am, pasensiya na po. Hindi ko kayo na-check. Kailangan pa naman iyon. Pasensiya na po ma'am. First day ko po sa duty ko ngayon." "Nako okay lang. Mamaya na lang pag-alis ko. Dadaan ako mamaya sa information desk para ibigay ang details ko. Baka mapagalitan pa kayo dahil pinapasok ninyo ako nang hindi man lang dumaan sa protocol." Napakamot naman ito sa ulo. "Kasalanan ko rin ma'am. Nawala kasi sa isip ko. Hindi po kasi halata na katulong lang po kayo. Mukha kasing kayo ang may-ari." Napangiti naman siya dahil doon. "Mabuti na lang napagkamalan mo akong may-ari at hindi scammer," biro niya pa. Natawa rin naman ito. "Kuya? Matanong ko lang ulit. VIP? Iyong number ng condo unit?" "Yes ma'am. Nasa twentieth floor po iyon. Ibig sabihin po niyon ma'am. Occupied niya po buong floor." Muli na naman siyang nagulat sa kanyang narinig. "Seryoso po kayo?" "Yes ma'am." "Oh? Okay," sagot niya na lamang sabay tango. Kumikit-balikat siya. Bakit ba ngayon pa siya magtataka? Eh bahay pa nga lang sa subdivision, mala palasyo na. How much more kung sa condo unit pa nito? Sisiw lang sa kanila iyon basta may pera. NANG nasa 504 floor na sila ay agad din naman silang lumabas ng elevator. Ibinaba niya agad ang mga dala niya at hinanap ang susi sa kanyang bag. Nang makita niya ito ay sandali pa siyang natigilan. Alam niya kasing may passcode ito o 'di kaya'y card key na ginagamit para automatic na bumukas. Ganitong mga device ang napapanood niya sa mga movies eh. Mabuti na lang talaga at mahilig siyang manood ng international movies kundi, ignorante ang aabutin niya sa mga ganitong bagay. At dahil nga sa hindi naman niya alam ang passcode at wala rin naman siyang card key ay ang hawak na susi ang kanyang sinubukan. Nakahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya ito. Nakamasid pa naman ang guwardiya sa mga kilos niya. Binuksan niya pa ng todo ang pinto para makapasok ang guwardiya, dala nito ang mga karton-karton niyang groceries. "Kunin ko lang po iyong iba sa ibaba ma'am," anang guard. "Sige po Kuya, salamat," sagot niya. Nang wala na ito ay saka niya pa lamang inusisa ang buong bahay. Buong floor nga ang occupied nito at hindi rin maipagkakailang mayaman din ang nakatira talaga. Sa mga gamit pa lang parang pang-five star hotel na sa ganda. Bumalik naman ang guwardiya at dala na nito halos lahat ang mga binili niya. "Salamat Kuya ha. Tumatanggap ka ba ng tip?" Napakamot naman ito sa ulo. "Bawal po ma'am eh." "Ay ganoon ba. Sige Kuya, salamat ha." "Wala po iyon ma'am. Alis na po ako." "Okay. Thank you ulit." Pagkatapos niyon ay umalis na nga ito. Agad din naman niyang isinarado ang pinto at agad din naman na siyang kumilos na para matapos siya ng maaga sa pag-o-organized ng mga item. Inilatag niya lahat sa mesa ang mga pinamili niya at kung saan naka-label ang mga ito ay doon din niya inilagay. Naglinis pa siya ng fridge bago maglagay ng mga pagkain sa loob. SIX in the evening na nang tuluyan siyang natapos sa kanyang ginagawa. Hindi naman siya nakaramdam ng pagod. Sa totoo nga niyan ay nag-e-enjoy pa siya dahil nga sa ngayon lang naman niya naranasan ang mga ganitong bagay. Pagkatapos niyang maglinis at maayos ang lahat ay agad din naman siyang lumabas sa unit. Ni-lock niya ang pinto at agad din naman siyang sumakay na sa elevator. Habang pababa ay tinawagan niya si Berta. Naka-ilang ring na pero wala pa rin kaya si Dhea na lamang ang tinawagan niya. Nakatatlong ring pa bago tuluyang may sumagot. "Oh, Lucia? Tapos ka na ba sa trabaho mo?" "Oo, paalis na ako. Paki-send naman sa akin 'yong address ng bagong bahay." "Ay oo nga pala. Sige send ko sa iyo ngayon." "Sige, dadaan lang ako sa sentro dahil bibili pa ako ng pagkain." "Sige, take your time." "Okay, bye!" Agad din naman na naputol ang tawag. Kasunod niyon ay nakatanggap naman siya ng text mula kay Dhea at iyon ay ang bagong address sa nilipatan nilang bahay. Nang nasa lobby na siya ay agad siyang lumapit sa information desk at nagbigay ng kanyang private information. Pagkatapos niyon ay umalis na siya sa building at naghanap na ng masasakyan. Nang wala siyang mahanap ay na-isipan niya na ang mag-taxi. Total naman ay dadaan pa siya sa sentro para bumili ng masarap na pagkaing pagsasaluhan nilang tatlo nina Dhea at Berta. Nang makarating siya sa Roxas ay agad din naman siyang bumaba ng taxi at muli ay naglakad-lakad siya para maghanap ng pagkain. Nang makahanap siya ng chop lechon baboy ay bumili na siya ng isang kilo. Nag-ikot pa siya at kung ano-ano pa ang binili niya. Pagkatapos niyang mamili ay pumuwesto muna siya sa gilid ng food stall dahil bigla niyang naalala na may sobra pa lang natirang pera sa kanya mula sa pag-gro-groceries niya kanina. Kinuha niya ang kanyang cellphone sa bag at maging ang calling card ni Ma'am Delaila. Tinawagan niya ito. "Hello? Who's this?" "Good evening po ma'am. Si Lucia po pala ito ma'am." "Yes dear? Problem?" "Ay wala naman po ma'am. Natapos ko naman po ang trabaho ko ng maayos. Itatanong ko lang po sana kung puwede bang bukas ko na lang ihatid iyong sobrang perang ibinigay ninyo ma'am." "Oh, that? Keep it!" Namilog naman ang kanyang mga mata. Muntik pa tuloy niyang mabitawan ang mga dala niya. "Ano po ma'am?" ulit niya pa dahil baka nabingi lamang siya. "Keep it ija. You can do whatever you want to do with it. Kahit pa itanong mo kay Berta iyan." "Sigurado po kayo ma'am!?" "Of course! That's just money. What important is you've done your job so well." Laglag ang kanyang panga dahil sa kanyang narinig. Hindi siya makapaniwalang ibibigay lang nito sa kanya ang natitirang pera. "Anyway, I'm concerned about the key. Can you keep it for a while? Dahil baka kapag kailanganin kita, ikaw na ang tatawagan ko." Napalabi siya. "Sorry po ma'am pero hindi po ba magtatampo si Berta niyon ma'am?" prangka niyang sabi. "Oh no, my dear. Hindi ko naman sinabing papalitan mo na si Berta. She can still do her job. What I'm trying to say is I need an aide sometimes and I want you to be my aide. Well, I'm not saying you have to quit your job. No dear, I'll only contact you when you're at your day off. That's it!" Hindi niya alam kung tatanggi ba siya pero galante itong magbigay at malaking tulong ito para sa kanya at sa pamilya niya. "Sige po. Salamat Po ma'am," pikit-mata niyang sagot. "Okay, thanks! Enjoy dear! Spend it wisely but I know you do." Sasagot pa sana siya pero pinatay na nito ang tawag niya. Nailing siya at napamaywang. She's having a mix emotions. Natutuwa siya dahil may maipapadala na siyang pera sa probinsya pero pakiramdam niya rin ay may malaking utang na loob na siya kay ma'am Delaila. Ayaw pa naman niyang may ibang humahawak sa kanyang leeg. Huminga siya ng malalim. Hindi niya na lamang muna iisipin ang bagay na iyon dahil may isa pa siyang problema. Ang jacket ng lalaking iyon. Bumuntong-hininga siya at naghanap na lamang ng masasakyan pauwi. Nang makasakay siya ay sa dulo na siya umupo dahil gustong-gusto niyang nakikita ang ginagawa ng mga ibang tao.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD