Kabanata 11

1185 Words
Kabanata 11 Nagulat naman siya nang biglang lumitaw ang lalaki sa harapan niya. Napaangat siya ng kanyang ulo. Nakasuot pa ito ng helmet. "Oh? May nakalimutan ka ba?" Bigla nitong hinubad ang jacket nito at ibinato sa kanya. May kasama ring maliit na papel na ibinigay sa kanya. Pagkatapos niyon ay umalis na ito. Takang-taka naman niyang sinundan ng tingin ang lalaki hanggang sa sumakay na ito sa motor nito at tuluyan nang nawala sa kanyang paningin. "Abnormal talaga," bulong niya at inusisa ang laman ng papel. Binuklat niya ito at agad na binasa ang nakasulat. 'Fix my jacket or I'll kill you!' Napangiwi siya at napalunok din naman sa huli. Napaismid siya at napasimangot. Hindi naman niya kasi alam kung anong tinutukoy nito. Inusisa niya ang jacket nito. Laking gulat niya nang makitang nakabuka ang tahi sa bandang gilid ng damit. Hindi lang basta nakabuka dahil tanggal talaga at five inches ang haba ng napunit. "Punyeta ka talaga Jun!" gigil na gigil niyang sambit sa kawalan. Mukhang siya nga ang may kasalanan kung bakit nasira ang jacket nito. Ito yata iyong biglang pinaharurot ang motor nito kanina at bigla niyang nahila ang gilid ng jacket nito. Inusisa niya ang brand ng jacket. "Ha! Louis Vuitton lang naman pala! Baka sa ukay-ukay lang 'to! Yabang!" wika niya sa sarili. Pero may naalala siya, hindi naman siya ganoon ka ignorante pagdating sa mga ganitong brand. Hinanap niya ang leather stamp ng jacket dahil naroon din ang sinasabi nilang authentication code. Binaliktad niya ang jacket at tiningnan kung mayroon bang ganoon. At nakita niya iyon sa may laylayan ng jacket. Napatayo siya. "Asar!" bulalas niya at dali-daling tumayo. Diretso siya sa entrance ng mall. Agad siyang naghanap ng Louis Vuitton shop sa mall. Wala siyang makita pero may nadaanan siyang isang tindahan na puro branded ang binibenta. Pumasok siya roon at agad na nagtanong sa sales lady. "Miss may ganito kayong jacket?" "May I see ma'am?" "Ah, okay," sagot niya at ibinigay dito ang jacket na hawak niya. Umalis naman ang sales lady at lumapit sa kasama nitong nasa harap ng computer. Habang naghihintay ay inabala niya ang sarili niya sa pagtingin sa mga damit na naka-display. Agad na kumuha sa atensyon niya ang off shoulder top. Simple lang kasi ang kulay nito dahil nude at wala masiyadong design. Tiningnan niya ang presyo at halos malula siya sa mahal ng damit. "Three thousand and fifty-six pesos!?" bulalas niya dahil sa gulat. Sa damit lang na iyon eh parang halos isang kinsena niya nang trabaho iyon. Agad niyang ibinalik ang dress na hawak niya at hindi na tumingin pa sa iba dahil baka malula lang siya sa presyo ng mga ito. Bumalik naman ang sales lady na dala ang kanyang jacket. "Ma'am, out of stock po kasi ang ganitong item. Gusto niyo po bang magpa-reserve na lang muna ng slot?" "Ha? Ah, itatanong ko muna kung magkano siya." "Nasa one hundred thousand plus po ang jacket na ito ma'am." "Oh my God!" bulalas niya at nang makabawi ay tinakpan niya ang kanyang bibig at humingi ng pasensiya sa kausap. "Hindi kasi akin 'to, napag-utusan lang din ako. Puwede bang bumalik na lang ako kapag sigurado na iyong may-ari?" "Yes ma'am. No problem." "Puwede ba ako makahingi ng paper bag?" "Yes ma'am." Agad din naman itong kumilos at ikinuha siya ng paper bag na Louis Vuitton. Pagkatapos niyon ay isinilid niya na ang jacket at nagpaalam na. Nang wala na siya sa store ay gigil na gigil na naman siyang napasabunot sa kanyang sarili. Paano niya mababayaran ang lalaking iyon eh pagkamahal-mahal pala ng jacket nito. Baka ugod-ugod na siya bago niya pa ma fully paid ito. "Diyos ko naman! Bakit ba ang malas-malas ko ngayong araw!" Napahilamos siya ng kanyang mukha. At dahil sa bigla siyang nagutom ay naghanap siya ng food court. Nang makahanap siya ay shawarma na lamang ang binili niya at buko juice na nasa plastic bottle. Pagkatapos niyon ay naghanap na siya ng puwesto. Nilantakan niya na ang binili niya. Habang kumakain ay nag-iisip pa rin siya ng paraan kung paano niya aayusin ang jacket nito. Hanggang sa tuluyan siyang natapos sa pagkain pero wala pa ring pumapasok sa utak niya. Laglag ang kanyang mga balikat muli at lumakad na pauwi. Habang papalabas siya ng mall ay kinontak niya agad si Dhea. Nakailang ring bago may sumagot. "Lucia? Oh, napatawag ka?" "Pahingi ako ng address ng bahay sa bago nating lilipatan." "Sige, text ko sa iyo." "Okay, salamat. Naglipat na ba kayo?" "Tinatapos pa lang namin saka baka gabi na kami umalis dito. Umaaligid pa kasi ang ex-boyfriend mo. Baka ma-isipan niya kaming sundan at baka kung ano pang gawin niyon kapag nalaman nito kung saan ka na nakatira." "Baka nga. Pasensiya na kayo Dhea ha, pati tuloy kayo, naabala ko ng husto." "Sus! Wala iyon Lucia." "Salamat talaga.". "Okay." Pinatay na nito ang tawag niya. Wala siyang nagawa kundi ang gumala na lamang na wala namang kagana-gana dahil siya lang naman mag-isa. Nang mainip siya kaiikot sa mall ay sa simbahan naman siya nagpunta. Matagal-tagal na rin siyang hindi nakapagsisimba dahil wala siyang panahon dati at lagi siyang pagod sa kanilang bukid. Sumakay na siya at nang makarating siya ng San Pedro ay agad din naman siyang pumara at nilakad na lamang ang ilang metrong layong natitira. Nang umabot siya ay agad din naman siyang pumasok sa loob ng simbahan at naghanap ng mauupuan. Pagkatapos ay nagdasal na siya ng taimtim. Pagkatapos niyang magdasal sa simbahan ay lumabas din naman siya at na-isipan muli na maglakad-lakad na muna nang bigla siyang makatanggap ng tawag mula naman kay Berta. "Hello? Berta, napatawag ka?" "Lucia, puwede ba akong humingi ng pabor? Wala ka namang ginagawa ngayong araw, 'di ba?" "Wala naman. Ano ba iyon?" "Inutusan kasi ako mag-grocery ng amo ko pero hindi ko muna magagawa sa ngayon dahil alam mo namang nag-iimpake pa kami ni Dhea." "Sige, paano ba?" "Text ko sa iyo iyong address kasi iyong Mayordoma ang magbibigay ng pera. Saka kung anuman ang mga expenses mo, ibawas mo na lang doon. Hindi naman na sila magtatanong kung magkano nabawas." "Okay, sige. Gagawin ko. Send mo lang." "Salamat Lucia!" masayang wika ni Berta. "Wala 'yon." "Okay!" Pinatay na nito ang tawag at agad din naman niyang natanggap ang text mula kay Berta. Mabilis siyang naglakad papunta sa sakayan at naghanap ng taxi. Nang makahanap siya ay agad din naman siyang sumakay at sinabi ang address na kanyang pupuntahan. HALOS trenta minutos din ang kanyang naging biyahe makarating lamang sa Talomo. Medyo malayo pala at umiinit na ang puwet niya sa kanyang kinauupuan. "Kuya, pakihinto muna tayo sa guard house. Itatanong ko pa saan banda 'tong block na 'to," pakiusap niya. "Sige po ma'am." Nang nasa tapat na sila ng guard house ay agad din naman silang huminto. Lumabas siya at agad na nagtanong sa guwardiya. "Kuya? Puwede po ba magtanong? Saan po banda 'to?" "Samahan ko na lang po kayo ma'am." "Talaga po?" "Opo ma'am." "Thank you po!" Agad naman na sumakay sa motor ang guwardiya at siya naman ay sa taxi.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD