Kabanata 8
"Pakibilisan na lang ang paghahakot, please!?"
Agad din naman silang tumalima ni Merna at iniwan na sa ibabaw ng lamesa ang mga dala nila. Pagkatapos niyon ay muli silang bumalik sa third floor para hakutin iyong iba pang natitira.
"Hindi yata tayo aabot sa lunch natin nito," bulong ni Merna sa kanya. Napatingin naman siya sa kanyang suot na relo. Tama nga ito dahil alas onse na pero hindi pa sila nangangalahati.
"Itanong kaya natin kung puwede ba tayong mag-lunch muna?"
"Ayoko! Nakakatakot kaya!" agad na tanggi ni Merna sa kanyang suggestion.
Bumuntong-hininga siya. Siya na nga lang ang magtatanong.
Sa pangatlong balik nila ni Merna sa office ni Miss Cruz ay agad siyang lumapit dito.
"Ma'am? Puwede na po ba kaming mag-lunch?"
"Ask Jigs about it," sagot nito. Napabaling naman siya kay Merna. Napakamot lang ito sa leeg sabay kibit-balikat.
"Sige po ma'am," sagot niya na lamang at mabilis na silang nagbuhat ni Merna. Malalaking hakbang ang ginawa nilang dalawa at nang makapasok sila sa elevator ay habol-habol na nila ang bawat hininga.
Nang makabalik siya sa files room ay nagulat pa silang dalawa ni Merna dahil mayroon nang nakahandang pagkain sa mahabang mesa.
"Para sa atin ba iyan Lucia?" bulong pa sa kanya ni Merna.
"Oo yata," sagot naman niya.
"Grabe! Ganlante naman ni sir Jigs!"
"Hello, kumain muna kayo bago kayo bumalik sa paghahakot," biglang sulpot ni sir Jigs sa kanilang likuran.
"Thank you po sa pagkain sir Jigs," wika niya. Tumango lang ito at sumenyas na kumain na sila. Pagkatapos niyon ay bumalik na ito sa office nito.
Mabilis namang lumapit si Merna sa lamesa at agad na inusisa ang mga pagkain na bigay sa kanila galing kay sir Jigs.
"Wow! Bento box!" bulalas ni Merna. Nagsalubong naman ang kanyang mga kilay.
"Bento?"
"Japanese meal."
"Wow! Ngayon pa lang ako makakasubok ng ganyang pagkain," wika naman niya. Never in her life she tried this kind of food and she may look ignorant about it but that's her reality.
Hinila naman na siya ni Merna at umupo na sila. Nagsimula na silang kumain at sa totoo lang ay masarap ang ibinigay sa kanilang pagkain.
"Worth it ang pagod!" wika pa ni Merna habang puno pa ang bibig nito. Medyo marami rin kasing ibinigay sa kanila at kung tutuusin ay hindi naman nila ito mauubos na sila lang dalawa ni Merna ang kakain.
Nailing na lamang siya at tahimik na kumain habang si Merna ay daldal nang daldal tungkol sa masarap nilang tanghalian.
Habang kumakain ay bigla namang may kumatok sa pinto. Nakabukas naman ito kaya pareho silang napaangat ng ulo ni Merna. It was Vina. Hindi na siya nagulat nang makita ito dahil nasabi na nito sa kanyang noong nakaraang araw kung saan ito naka-assign.
Nang balingan naman niya si Merna ay halatang nagulat ito dahil namimilog pa ang mga mata.
Pumasok naman si Vina habang nakapamaywang. Nagtaas pa ito ng kilay at matalim na titig ang ipinukol nito sa kanilang dalawa ni Merna. Lalo na sa kanya. Kung nakamamatay lang ang tingin, baka tigok na siya ngayon.
"Anong ginagawa ninyo rito!?" tanong ni Vina at mukhang naghahamon ang tono ng pananalita nito.
"Tara kain," pag-iiba niya ng usapan. Bigla naman siyang inirapan ni Vina. Nagulat naman siya dahil doon.
"Kita mo namang kumakain," pabalang naman na sagot ni Merna. Sumenyas siya na huwag na itong patulan pero dahil sa may sarili namang pag-iisip si Merna ay hindi niya na ito mapipigilan.
"Alam kong kumakain kayo. Hindi naman ako bulag! Ang tinatanong ko ay kung bakit kayo nandito?"
Tumikhim naman siya at kalmado pa ring kinausap si Vina. Ayaw niya kasing hindi ito dumaan sa mabuting usapan.
"Napag-utusan lang kami Vina. Pagkatapos naming maghakot, babalik din kami sa second floor," paliwanag niya. Tinaasan naman siya nito ng kilay.
"Really? Una si sir Froilan, ngayon naman dito sa office ni Big Boss. Saan ka pa kaya susulpot?"
Napatayo naman si Merna at maging siya ay napatayo rin. Agad siyang humarang kay Merna.
"Hoy! Babae ka! Kung pumutok na iyang butsi mo! Please lang, maghanap ka ng ibang mapagbubuntungan mo ng kaartehan mo! Sumosobra ka na, ha! Iyang bibig mo! Nako! Baka hilahin ko iyan at putulin! Bastos!" galit na wika ni Merna. Umawat naman siya dahil any time ay susugod na si Merna at naghahanda na itong makipagsabunutan.
"Merna, huwag na," awat niya habang pinipigilan si Merna na sumugod.
"Excuse me! Hindi tayo magka-level!" sagot naman ni Vina.
"Hindi talaga tayo magka-level dahil ang pangit mo!"
Namilog naman ang mga mata ni Vina at agad na sumugod kay Merna. At dahil nasa pagitan siya ng dalawa ay ang buhok niya ang nahila ni Vina.
"Aray! Ano ba!?" pilit niyang inaalis ang kamay ni Vina na nakahawak sa buhok niya.
"Dapat lang iyan sa iyo! Bagong salta ka lang dito tapos ang feeling mo masiyado! Malandi!" paratang ni Vina sa kanya. Si Merna naman ay nakahawak din sa buhok ni Vina.
"Ikaw ang malandi! Gaga! Bitawan mo si Lucia! Ako kalabanin mo, pangit!" pagwawala na ni Merna. Nagkarambolan na sila hanggang sa makawala siya sa pagkakahawak ni Vina sa kanyang buhok. Hinila naman ni Merna ng todo ang buhok nito at sinakyan. Sinabunutan niya ito hanggang sa tuluyan nang hindi makalaban si Vina dahil sa ginawa ni Merna. Umabot pa sa punto na napunit ni Merna ang laylayan ng uniform ni Vina. Siya naman ay abala rin sa paghila kay Merna. Inaawat niya ito ng todo dahil baka mahuli sila.
"Pangit ka! Iyan ang dapat sa iyo!" galit na wika ni Merna.
"Mas pangit ka rin! Baliw! Help! Help me!" wika naman ni Vina.
"Merna! Tama na! Itigil mo na iyan! Vina! Ano ba!? Baka masesante tayo rito! Ano ba! Maawa naman kayo!" pakiusap niya at konti na lang ay tutulo na ang mga luha niya. Ang layo na kasi nang narating ng kanyang utak. Baka kasi kapag nahuli sila, masesante silang tatlo o kaya silang dalawa ni Merna. Baka pagbayarin pa sila ng danyos kapag nagkataong umabot sa ganoong sitwasyon.
"What the hell are you guys doing!?" bulalas ni sir Jigs. Natigilan silang tatlo at agad na huminto sa pag-aaway sina Merna at Vina.
"In my office! Now!" galit na utos ni sir Jigs. Wala silang nagawa kundi ang sumunod na lamang.
Umuna si sir Jigs sa paglabas sa files room habang silang tatlo naman ay nakasunod lang at abala sa pag-aayos ng mga sarili.
Kinakabahan siya ng husto. Baka kasi mabigyan sila ng suspension letter, or worst baka sesantehen na talaga sila. Muling nangilid ang mga luha niya. Napapadasal na siya na huwag sana dahil may pinapaaral pa siyang kapatid.
Nang nasa office na sila ni sir Jigs ay mabilis nitong binalibag ang pinto sa pagsara. Nagulat pa silang tatlo at siya naman ay mariing napapikit.
"What do you think you guys are doing!? Nag-aaway kayo sa opisina pa talaga ng boss natin?" galit na wika ni sir Jigs sa kanila.
"Sir, si Vina kasi nauna," matapang naman na sagot ni Merna. Hinila niya ang damit nito dahil masiyado na namang madaldal. Baka mapasama pa lalo.
"I don't care kung sinong nauna sa inyong tatlo! My point here is you guys were fighting here at work! Can you at least have a decency in your minds that this is not a playground!"
Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. Napapadasal na siya sa loob-loob niya na sana hindi ito magbanggit sa pagsesante sa kanilang tatlo.
"You, Vina? I'm very disappointed in you! Matagal ka na rito at ayaw kong ikaw nagpapasimuno ng away. Stop bullying newbies! And this is my last warning Vina! Sa susunod na may mangyari ulit na ganito, ikaw ang una kong tatanggalin! Now get back to your work!"
"Sorry po sir," sa wakas ay wika niya.
"Sorry sir," wika naman ni Merna at agad din naman silang lumabas ng opisina. Nagpaiwan pa si Vina at mukha may balak pa itong makipagtalo dahil sa expression ng mukha nito.
"Merna, tara na," aniya at hinila niya na si Merna pabalik sa files room. Nagligpit na sila ng kanilang pinagkainan at ang natira ay kakainin na lang nila mamaya pagkatapos nilang maghakot.
Bumalik na sila sa third floor para magpatuloy sa naiwang trabaho.
"Sorry Lucia, hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko. Gigil na gigil talaga ako kay Vina eh! Kung ano-anong sinasabi tungkol sa iyo kahit hindi naman totoo."
"Hayaan mo na Merna. Kaya nga hindi ko na pinatulan, 'di ba? Baka kasi tayo pa ang gawing may kasalanan at masesante tayo ng wala sa oras."
"Sorry na talaga Lucia. Promise ko sa iyo, babawi ako pero kapag inaway tayo ulit ni Vina, talagang lalaban ako."
Napangiti naman siya.
"Salamat."
"Masakit ba ulo mo?" tanong niya rito.
"Nako sanay ako sa pakikipagbuno. Ikaw nga inaalala ko eh!"
"Medyo masakit pa ng konti pero kaya lang naman saka sandali lang naman niyang nahila ang buhok ko."
"Okay! Nandoon pa kaya iyong bruha na iyon?"
Kumikit-balikat naman siya sa tanong ni Merna.
"Hindi ko alam pero kapag nandoon pa siya, huwag na lang natin pansinin."
"Fine!"
Nang nasa thirtieth floor na sila ay naroon pa rin sa office ni sir Jigs si Vina. Pinapagalitan pa rin ito ni sir Jigs at dinig na dinig ang malakas na boses nito sa labas ng opisina.
"Kita mo na? Naghahanap talaga ng away ang babaeng iyan!"
"Ssh! Huwag na lang natin pansinin," aniya at marahang itinulak si Merna.
Muli na silang bumalik sa ginagawa at hapon na nang matapos silang dalawa. Wala na rin si Vina sa opisina ni sir Jigs. Pagkatapos din naman nilang maghakot ay bumaba na sila. Tumambay sila sa bodega dahil may pagkain naman silang dala.
"Lipat tayo sa labas. Ang alikabok kasi rito," aniya.
"Tara."
Agad din naman silang lumipat at ang napili nilang puwesto ay ang pinakadulo ng hallway, malapit na sa exit door. Pero dahil hindi naman sila makaupo ng maayos ay lumabas sila sa exit at doon na umupo sa hadgan.
Inilabas niya na mula sa supot ang mga naiwang pagkain at nilantakan na nila itong dalawa ni Merna.
"Merna? Ano ba natapos mo?"
"High school graduate. Ikaw?"
"Vocational course lang, two years."