AGAD NA NATAUHAN si Kalena nang biglang nakarinig siya nang malakas na tahol ng isang aso. Napalis ang interes sa mga mata niya na nakatingin sa mga puno ng prutas at bumaling sa tumatahol na matangkad na irish wolfhound na kalalabas lang sa dog house nito.
Malakas na tumahol ito habang tumatakbo patungo sa direksyon nila. Sa totoo lang, hindi sana matatakot si Kalena sa asong ito kung mataas lang ang bakuran pero hindi, eh. Kaya lang nito talunin ang bakod.
Kahit na mahilig sa mga aso si Kalena pero kung ganito ba naman ang reaksyon ng aso sa kanila ay sinong hindi matatakot?
Akala niya tatalon ito para sunggaban sila pero hindi nangyari ang inaasahan niya.
Huminto lang ito sa harap nila sa kabilang bakod. Tahol ito nang tahol sa kanya—ah, hindi. Kung tama ang nakikita niya, nakatitig ito kay Neon habang ang buntot nito ay kumakawag.
Muling nanayo ang balahibo ni Neon at mabilis na nagtatago sa likod ng ulo niya.
Sa lakas ng tahol ng aso ay hindi na kailangan ni Sandra na tawagin ang tao sa loob dahil may taong lumabas na roon. Isang matandang babae ang lumabas mula sa malaking bahay.
“Moshe, tumigil ka na sa pagtahol sa ating bisita!” Sita ng matandang babae.
Tila naintindihan nito ang sinasabi ng matandang babae at agad na itinikom nito ang bibig. Ngunit hindi pa rin nakaligtas sa paningin ni Kalena ang kislap sa mga mata nito.
Matapos sitahin ng matanda ang aso nito ay do’n lang ibinaling ang atensyon nito sa kanila.
Nang makita nito si Sandra ay ang maaliwalas na mukha nito ay biglang sumeryoso. Mukhang hindi welcome rito si Sandra.
“Oh, ikaw pala iyan, Sandra. Anong ginagawa mo rito, hija?” Gayunman, hindi sila nito pinagtabuyan.
“Alkadesa, nandito ako para kausapin ang asawa mo tungkol sa batang babae na natagpuan ng asawa ko. Siguro naman narinig mo rin ang tungkol sa kanya.”
Malayo man ang kapitbahay nila pero sa `laki ng bunganga ni Maricel at hindi kayang pumirmi sa bahay ay hindi makapagtaka na mas lalong maraming tao ang nakakaalam kay Kalena.
Nang marinig ng Alkadesa ang sinabi ni Sandra ay parang do’n lang nito napansin si Kalena. Sinuri siya nito mula ulo hangang paa pero huminto ang mga mata nito sa walang laman na manggas ng damit niya at hindi rin maganda sa pakiramdam na titigan ng kakaiba ng matandang babae.
“Nandiyan ba si Alkalde De Guzman, Alkadesa?”
Hindi rin nagtagal ay inalis rin nito ang tingin sa kanya.
“Oo, nandito siya. Pumasok kayo.” Binuksan nito ang gate para papasukin sila.
Naunang pumasok si Sandra. Bago sila sumunod sa dalawa ay sabay nagkatinginan sila sa isa’t isa ni Neon bago ginalaw ulit nito ang steering stick.
Nang mapansin ng matandang babae si Neon ay saglit na natigilan.
“Nene, ang alaga mo ay mukhang spiritual,” komento nito.
Ngumisi lang siya rito habang si Neon naman ay agad na binitiwan ang steering stick at sumirit sa matandang babae. Umakto itong ordinaryong hayop.
“Anong spiritual diyan, Alkadesa? Hindi mo alam kung gaano katagal namin `yan tinuruan para lang mapasunod namin,” umismid si Sandra.
“Ano ba ang pinunta niyo rito sa bahay namin,” Sandra. “Surely, hindi lang dahil ipaalam mo sa amin ang tungkol sa batang `yan?”
“Kung maari lang ay pag-usapan natin ang tungkol sa pakay namin `pag nakaharap na namin si Alkalde De Guzman,” pakli nito sa matandang babae at hindi naman nagpumilit ang matandang babae na sagutin ang tanong nito.
Nagsimulang naglakad ito patungo sa pintuan nang malaking babae. Sumunod si Sandra.
Binilisan naman ni Neon ang pag-andar ng wheelchair ni Kalena.
“Muntik na tayo do’n, ha,” bulong na wika ni Neon sa kanya.
‘Oo nga, ang talas ng obserbasyon niya. Dapat mag-doble ingat tayo,’ segunda naman niya rito. ‘Tara na nga. Maiiwan tayo niyan, eh.’
“Aye, kapitana.” Binilisan nito ang pag-andar ng wheelchair at mas lalo pa nitong binilisan nang mahagip nito ang tingin ang pigura ng malaking aso na tatlong metro lang ang layo sa kanila. “Anak ng tipaklong!”
“SINASABI MO na natagpuan ng asawa mo ang batang babaeng `yan noong nakaraang dalawang araw sa lumang abandonadong malaking bahay?” Inayos ni Alkade De Guzman ang bilog nitong salamin at sinulyapan si Kalena.
Kasalukuyan nasa opisina sila ng alkalde na nag-uusap.
Matapos nalaman ni Sandra ang buong kwento tungkol sa nangyari kay Kalena kahapon ay balak nitong baguhin ang buong kwento kung pano nasa poder siya ng mag-asawang Mallari.
Hindi pwede malaman ng Alkalde at ang asawa nito ang tungkol kay Neon na isang guardian beast.
Bago sila umalis ng bahay ay pinaalalahanan na siya ni Sandra na ang mag-asawang ito ay loyalist at `pag nalaman nil ana isang guardian beast ay paniguradong ipapaalam ng mga ito sa pamahalaan ang tungkol sa natuklasan.
Idagdag rin pala na masyadong kakaiba kapag sinabi nila na natagpuan siya nd doktor sa harap ng pintuan ng klinika nito.
“Oo, nang gabing ng pangyayaring iyon ay pumunta siya umakyat sa bundok para maghanap ng psatyrella. Tumutubo lang ang mga psatyrella sa kabilugan ng pulang buwan.”
Anong psatyrella?, nagtatakang tanong ni Kalena sa isipan pero dahil hindi magawang magsalita ni Neon ay wala siyang nakuhang sagot.
Nagbaba siya nang ulo at tahimik na nakinig na lang siya sa usapan ni Sandra at nang Alkalde.
“Gusto mo siyang irehistro rito sa kumonidad natin pero, Sandra, pero hindi pa rin natin alam ang katauhan ng batang `yan,” disapprove ng matandang alkalde. “Isa pa, walang bahay ampunan rito sa lugar natin at sa sitwasyon niya…” Muling sinulyapan siya nito bago nagpatuloy ulit sa pagsasalita. “Walang mag-aalaga sa kanya. Maliban na lang kung may aampon sa kanya.”
“Pag-uusapan na lang natin ang tungkol diyan, ang importante ay maging rehistrado siya. Isa pa, tingnan mo nga ang sitwasyon niya. Sa tingin mo ba ay kahina-hinala ang katauhan nito? Biktima siya yata sa mga taong—”
“Sandra,” putol ni Alkalde De Guzman kay Sandra sa sasabihin na ipinagtaka naman ni Kalena rito. “Kung gusto mo talagang maiparehistro ang batang `to—walang problema. Pero huwag mo ng banggitin `yan, alam mong nandito ang dalawang opisyal mula sa lungsod ng Zechburg.” Kahit sila lang ang nandito ay hinanaan pa rin ng alkalde ang boses nito sa takot na marinig ng iba ang usapan iyon.
Pagkatapos niyon ay saka lang bumaling si Alkalde De Guzman sa asawa na kakapasok lang at may dalang tsaa, pinatuyong prutas at Sanguine Berries. Inilapag nito iyon sa coffee table na nasa harap nila.
Pero kahit na inalok siya nitong kumain ay magalang na tumanggi si Kalena. Siste. Hindi convenient para sa kanya na kumain niyon dito, lalo na sa harap ng ibang tao.
Ayos lang kung sina Neon, Dr. Mallari at Sandra ang kaharap niya ngayon sapagkat nasanay na siya pero ang iba? Pasensya na, alangan pa rin siya.
“Palma, pakikuha nga ang registration form sa cabinet?”
Agad rin naman na tumalima ang asawa nito at pumunta sa isang cabinet na nasa kaliwang bahagi na malapit sa bintana. Binuksan nito ang dibuhista sa baba ng cabinet at kumuha ng dalawang registration form. Tig-isa sila ng copy. Pagkatapos nitong makuha iyon ay agad na lumapit ang alkaldesa sa alkalde at binigay kay Sandra.
Inabot naman iyon ni Sandra at dahil inconvenient si Kalena at idagdag na illiterate din siya ay ito na ang nag-fill up ng registration form.
Pinapanood na lang ni Kalena kung pano nito punan ang nasa form. Nagpakawala siya ng buntong hininga. Mukhang kailangan talaga niya mag-aral sa sistema ng pagsusulat dito sa mundong ito. Hindi naman pwedeng parati siyang umasa kay Neon.
With this determination, kakausapin niya si Neon tungkol dito.
Matapos punan ang form na `yon ay saka lang nito ibinigay sa alkalde ang isang copy ng form. Pagkatapos niyon ay tumayo na, iyon lang naman ang kanilang pakay rito at maparehistro bilang residente rito sa kumonidad.
Kaya nagpaalam na rin sila. Sinundan ni Kalena si Sandra patungo sa pintuan pero bago pa sila makalabas ay nagsalita ulit ang alkalde.
“Bago ko makalimutan, pinaalam pala sa akin ng dalawang opisyal na narito na papuntahin ang lahat ng mga bata sa liwasan sa makalawa.”
“Huwag ho kayong mag-alala, papupuntahin namin si nene ng araw na iyon. Salamat sa imporma, Alkalde.”
Pagkatapos niyon ay tuluyan na rin sila. Inihatid sila ng asawa nito palabas ng bahay. Nang makalayo na sila sa bahay ng alkalde ay do’n lang naglakas loob na tanungin ni Kalena si Sandra sa tulong ni Neon. ‘Neon, pwede ba paki-tanong kay Sandra kung bakit pinapunta ng opisyal ang lahat ng mga bata?’
At dahil sila lang naman tatlo ang narito ay hindi ito nangangamba si Neon na madiskubre ng ibang mga tao.
“Malalaman niyo rin iyon `pag dumating ang araw na iyon.” Pero sa huli ay hindi pa rin nito sinagot ang tanong nila. Hay naku. Napabuntong hininga na lang si Kalena.
Dahil rin sa sinabi ni Sandra ay mas lalong naging kuryuso si Kalena pero dahil alam niyang wala siyang makukuhang sagot maliban sa paghintay na dumating ang araw na iyon.
Ilang sandali ay tiningnan ulit ni Kalena ang direksyon patungo sa bahay ng mag-asawang Mallari at hindi niya mapigilan na mapangiwi.
“Neon…” Tawag niya rito sa isipan.
“Ano?”
“Ipapaubaya ko na ang lahat sa`yo.”
Medyo naguguluhan si Neon nang marinig nito ang sinasabi ni Kalena pero nang sinundan nito ang direksyon na tiningnan nito ay do’n lang naintindihan ni Neon ang ibig sabihin ni Kalena.
“Maraming salamat,” dagdag pa ni Kalena.