Chapter 19

1334 Words
PAPALUBOG na ang araw at ilang metro na lang ang layo nila sa bahay pero bago sila makarating ay tuluyang sumuko na si Neon. Pasalampak na humiga ito sa ibabaw ng ulo niya at naramdaman niyang taas-baba ang dibdib nito. Makita palang niya ang sorry-state ni Neon ay mas lalong nakaramdam siya ng guilt. “Neon, pasensya ka na, ha?” Hindi agad ito na nagsalita. Hinahabol pa nito ang hininga. “Teka! Pahinga muna ako,” humihingal na sabi nito. “Okay,” aniya saka hinyaan itong magpahinga muna. Itinuon niya ang kanyang paningin sa unahan at biglang nagkasalubong ang kilay niya nang namataan niya ang grupo ng mga tao na nakatayo sa harap ng bahay nina Dr. Mallari at Sandra. Nakita niyang malaki ang hakbang na lumapit sa mga taong iyon si Sandra nang makita sila. Malayo-layo ang kinaroonan niya kaya hindi niya gaanong marinig ng malinaw ang mga sinasabi ng mga taong nasa harap ng bahay ni Sandra. “Anong ginagawa niyo rito? Hindi ba’t napag sabihan ko na kayo na huwag magpapakita rito sa pamamahay namin maliban na lang kung hihingi `yang mga anak ninyo ng paumanhin sa kasalanang ginawa nila?” dahil na rin siguro malakas ang boses ni Sandra kaya narinig niya ng malinaw ang sinabi nito. “Neon, pumwesto ka sa tabi ko.” “Bakit ba?” “Gusto ko pumunta roon. Ako na ang magpaandar ng wheelchair.” “Okay.” Mabilis na bumaba ito mula sa ulo niya at hindi rin naman naging masikip sa kanilang dalawa na magkatabi sa iisang wheelchair. Malaki lang iyong wheelchair para kay Kalena, tas maliit na ferret lang naman itong si Neon. Nang makitang pumwesto ng maayos si Neon ay sumandal siya sa gilid kung saan nakalagay ang steering stick, saka walang anuman na kinagat iyon at sinimulan paandarin ang wheelchair patungo sa direksyon ng mga ito. Nang makalapit na siya sa mga ito ay nagsimula na naman nag-initan ang mga ito. Sinulyapan ni Kalena ang mga taong kaharap ni Sandra, lalo na sa lalaking kaharap ni Sandra na napakatangkad at malaki ang pangangatawan—parang puputok na ang muscles nito sa sobrang laki. Sa likod ng lalaking ito ay isang babae na maikli ang itim na buhok at dalawang batang lalaki. Kumunot ang noo niya nang makita itong umiiyak. “Asawa ko, turuan mo ng leksyon ang babaeng iyan. Maayos ko lang siya kinausap pero naging agresibo na siya. Ayos naman ang batang babaeng iyon pero ang mga anak natin? Baka mamatay sila sa rabies!” “Hindi ko siya tatratuhin kung hindi rin siya nanguna, Pacholo. Siya pa ang may ganang magalit sa akin, eh, `yang mga anak ninyo ang may malaking kasalanan.” Pacholo? Iyon ang pangalan ng barakong ito? Malayong-malayo sa hitsura ang pangalan nito. Sa madaling salita ay hindi ata bagay rito ang pangalan. Naipilig na lang ni Kalena ang kanyang ulo. Ano ba itong iniisip niya ngayon? Hindi dapat ito ang pinagtuunan niya ng pansin kundi iyong babaeng nasa likod nito. “Asawa ko, sinabihan ko lang siya na sinaktan ng alaga nila iyong mga anak natin. Paano na lang kung may rabies ang alaga nila?” Umiiyak na sabi ng babae sa asawang si Pacholo. Marinig palang ni Kalena ang boses ng babae na may maikli na buhok ay agad na nakilala niya ito. Ang babaeng ito ay iyong babae na tinawag ni Sandra na Maricel. Siya iyong ina ng mga batang nambato sa kanya ng bato. Inilipat niya ang kanyang paningin mula sa babae patungo sa dalawang anak nito. Ngayon lang napansin niya na ang dalawang `to ay kambal pala, magkamukha at mukhang anghel. Kung hindi lang niya naranasan na binato ng mga ito ay iisipin talaga niya na isang malaking pagkakamali lang ang nangyari lahat pero hindi, eh. Ang dalawang batang lalaki na `to ay malayo sa salitang anghel. They were not an angels fall in the sky, but just a bunch of spoiled kids. “Maricel, ilang beses na kitang sinabihan noon na walang rabies ang alaga ni neneng. Kung ayaw mong maniwala, ba’t hindi mo subukan tanungin ang asawa ko? Kahit nga ako na hindi isang manggagamot ay matutukoy ko pa rin kung may rabies ba o hindi ang isang hayop.” Sandaling huminto sa pagsasalita si Sandra nang makita siya nito. Sandali na iniwan ni Sandra ang mga ito at tumungo kay Kalena—ah, hindi, kay Neon pala. Nabigla naman si Kalena at Neon sa kilos nito nang biglang kinuha ni Sandra ito bago bumalik sa mag-asawa. “Nakita niyo naman, healthy at normal ang kilos ng ferret na `to,” aniya. Hindi agad na nagsalita si Pacholo at bahagyang nagkasalubong ang kilay nito. Mukha itong agresibo at mas lalo pa itong nakakatakot tingnan dahil sa laki ng pangangatawan. Paano na lang kung saktan nito si Sandra? Kahit na suplada ang babaeng `to ay ayaw pa rin ni Kalena na may masamang mangyari rito. After all, malaki ang tinulong nito at ang asawa nito sa kanya. Isa pa, hindi naman magkakaroon ng problema ito kung hindi dahil sa kanya at ng dalawang kambal na `yon. Naputol ang pag-iisip ni Kalena nang biglang bumaling sa kanyang direksyon ang barako na `to. Biglang nakaramdam ng sikdo nang magtagpo ang kanilang mga mata. Saglit lang sila nagtitigan at saka sinipat ang benda sa noo niya bago binalik ang tingin kay Sandra. “Kung gano’n ay isa lamang hindi pagkakaunawaan ito,” anito sa baritonong boses. Mahinahon ang pagkasabi nito. “Mabuti’t naintindihan mo, Pacholo.” “Ano?!” Napatili sa gulat ang asawa ni Pacholo. Saglit na napahinto ito sa pag-iyak at masamang tiningnan ni Maricel ang asawa. Kahit si Kalena ay nagulat rin sa reaksyon ni Pacholo. Talaga? Gano’n na lang iyon? Wala sa hitsura ng lalaking ito na mag-komkopromiso ito agad. “Nandito ako para alimin ang lahat ng nangyari at ipapatingin na rin ang mga anak ko. Gayung ang mga anak ko ang naunang nanakit ay ako na ang hihingi ng paumanhin sa kanila. Sagot ko na rin ang bayarin sa batang nasaktan nila.” Tinaas ni Pacholo ang kanan braso nito at may kung anong pinindot sa smartwatch nito. Nang marinig ni Sandra iyon ay agad naman na kumalma ito, saka lang din na nilabas mula nito sa bulsa ang smartwatch nito at kagaya ng ginawa ni Pacholo ay may pinindot rin ito. Tinapat nila sa isa’t isa ang smartwatch. May narinig si Kalen ana mahinang ‘clickety-clack’ pagkatapos ang transaction ng mga ito. Binalik na ni Sandra ang ‘smartwatch’. Ito na yatang unang high tech na kagamitan na nakita niya rito bukod sa kagamitan ni Dr. Mallari. Kahit na walang nagpaliwanag sa kanya kung anong ginawa ng mga ito ay sa tingin niya ay katulad ito ng QR Code p*****t sa dati niyang mundo. Masyadong makaluma ang lugar na `to. Kahit ang wheelchair nga ay gawa lang sa kahoy, hindi nga lang niya alam kung anong kung anong klaseng kahoy ito at masyadong matibay kahit na pinaglumaan na. “Pacholo!” Kontra ni Maricel sa asawa at huminto rin sa pag-akto na isa itong biktima. Masamang tiningnan ni Maricel ang asawa. “Tumahimik ka, Maricel. Tapos na ang usapan na `to.” “Oo nga pala, hindi niyo na kailangan ipatingin ang mga anak ninyo. Hindi naman malala ang natamo nilang sugat. Pahiran niyo na lang iyang maliit na sugat nila ng ungguwento. Gagaling rin sila ng ilang araw,” aniya saka bumaling si Sandra kay Kalena na tahimik lang na pinapanood ang ‘drama’ na `to. “At ikaw naman nene, ano pa ba ang tinutunganga mo diyan? Pumasok ka na sa loob.” Ang magandang mukha nito ay kapansin-pansin na nagliwanag. Saglit na natigilan si Kalena at namamanghang tiningnan niya ang maaliwalas nitong mukha. Mukhang masaya ito sa perang nakuha nito mula sa mag-asawa. Palihim na sinulyapan ni Kalena ang barako at nahuli niya itong nakatingin kay Sandra. Hindi naman siguro gusto nitong bawiin ang pera na binigay nito `no?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD