Chapter 17

1575 Words
“WALA SANANG problema kung maliban sa amin ng asawa ko ang nakakaalam tungkol kay nene pero ang problema dahil sa liit ng kumonidad na `to ay madali lang natuklasan ang existence niya rito.” “Anong ibig mong sabihin?” “Kuwestiyonable ang katauhan niya at hindi siya tagarito, ferret. Masyadong sensitibo ang mga military rito sa mga dayuhan kahit na bata siya.” “Neon ang pangalan ko.” Naalibadbaran si Neon na tinatawag na ferret kahit na ferret naman talaga ito. May pangalan ito at pinahalagahan nito iyon. Subalit binalewala lang ni Sandra iyon at nagpatuloy sa pagsasalita. “Higit sa lahat ay ikaw, ferret. Akala ko ay isa ka lang ordinaryong hayop pero ngayon natingnan kita ng mabuti at nakakapagsalita ka, sigurado ako na isa kang beast guardian. Isang malaking pagbabawal rito sa ating kontinente ang kagaya mo.” Naging alarma naman silang dalawa sa narinig, lalo na’t sa sinasabi nitong pinagbabawal. Siyempre naintindihan nilang dalawa iyon. Kung ayaw nang pinuno ng kontinente na `to ang may kahati sa awtorisasyon, malamang mainit rin ang mga mata nito sa mga beast guardian. “A-anong gagawin ko?” Kinabahan si Neon. Hindi nito lubos na naisip ang tungkol dito sapagkat halos buong buhay nito ay nasa kagubatan. “Isa kang beast guardian, dapat alam mo kung pano magbalatkayo,” simpleng tugon nito bago hinawi ang ilang hibla ng buhok na naligaw sa mukha nito. “Didiretsuhin ko kayong dalawa, hindi ko kayo gusto at kung hindi lang dahil sobrang bait ng asawa ko ay wala talaga akong pakialam sa inyo. Ayoko rin madawit sa gulo kung sakali man meron. Gayong wala naman si neneng na malubhang sakit ay bukas na bukas ay sasama siya sa akin.” “Ah-an?” ‘Saan?’ Iyon ang salita na nais na itanong ni Kalena. Parang ngungo o ugong lang iyon mula sa voice cord niya. Nakakahiya pero kinapalan na lang ni Kalena ng mukha. It was really frustrating and very inconvenient to be unable to speak out what she really wants to say to them. Nang marinig ni Sandra iyon ay bumalik ulit ito kay Kalena. Tila naintindihan naman ni Sandra ang tanong ni Kalena kahit na weird pakinggan iyon. Sobrang nahiya rin si Kalena nang sinubukan niyang ‘magsalita’. “Pupunta tayo sa bahay ng alkade para ipaalam ang tungkol sa`yo at kung sakaling mapatunayan natin na walang kahina-hinala sa`yo ay maparehistro ka rito bilang residente rito sa kumonidad ng oekenwich para sa gano’n ay maalis natin ang nakaambang na panganib.” Matapos sabihin iyon ni Sandra ay bumakas ang pagkagulat ni Kalena. Hindi pa rin siya makapaniwala na tutulungan siya na solbahin ang isa sa problema niya kahit na hindi maganda ang pakikitungo asta nito sa kanya. Pero alam rin niya na kaya ginagawa nito iyon ay hindi sa kapakanan niya pero hindi pa rin niya maiwasan na magpasalamat rito. Kung hindi nito sinabi ang tungkol do’n ay siguro’y hindi niya maalala ang tungkol sa background niya. “Tsk, ano ba ang pumasok sa isipan ni Norbirto at hindi man lang niya naisip ang tungkol dito?” May halong iritasyon na tanong nito. Pagkatapos niyon ay umalis na rin ito. ALAS-SIYETE NA NANG UMAGA nang umalis sa bahay si Kalena kasama si Sandra at Neon patungo sa bahay ng alkalde. Dahil sa paalala ni Sandra kay Neon ay mas lalong naging maingat ito. Kung noon ay makikita ang kakaiba ngunit napakagandang hiyas sa dibdib nito ay ngayon nakatago na. Mas nagmukha na itong ordinaryong hayop. Hindi sumama sa kanila si Dr. Mallari dahil nagkulong ito sa sariling lab para gumawa ng gamot. Lumikha ng mahinang tunog ng umagitit nang patuloy lang ginagalaw iyong steering stick ng wheelchair niya. Ito kasi ang nagpagalaw sa wheelchair. Hindi man ito nahirapan o napagod pero hindi pa rin maiwasan na makaramdam ng distress siya sa munting kaibigan niya. Inilipat niya ang tingin kay Sandra na naunang naglakad sa kanila. Hindi lang ito tigress kundi isa rin itong malamig na tao. Gayunman, hindi niya maipahayag iyon. Hindi siya takot rito pero alam rin niya na wala itong obligasyon na tulungan sila. Hindi sementado ang daan na tinatahak nila, mabatong daan iyon. At dahil din do’n ay hindi niya maiwasan na mangamba na baka tumilapon siya sa kinaupuan dahil hindi niya mapigilan ang kanyang katawan na mapapalukso sa tuwing nadaanan nila ang maliit na bato. Pinalangin na lang niya na makarating sila agad sa bahay ng alkalde at nang minsan sinabi ni Sandra na malapit sila ay nabuhayan siya ng loob. Subalit kalaunan ay natuklasan niya na ang salitang malapit na para kay Sandra ay kabaliktaran pala. Anong malapit na? Lagpas na yata kahalating oras pero hindi pa rin niya makita kahit maliit na anino man lang ng bahay ay wala. Hindi pa nagtagal na nagreklamo siya ay biglang nahigit niya ang kanyang hininga ng wala sa oras nang biglang makita niyang dalisdis na pala sa unahan. At dahil nakatuon lang ang atensyon ni Neon sa steering stick ay hindi nito iyon napansin, patuloy lang ito sa pagtulak at hila sa steering stick. Gusto sana ni Kalena na paalalahanan si Neon ngunit bago pa niya magawa iyon ay huli na ang lahat dahil bigla silang lumusong pababa. Napatili si Kalena nang matindi habang si Neon dahil sa pagkagulat sa nangyari ay nanayo ang balahibo nito sa likod at napatalon mula sa kinatayuan at kumapit sa ulo niya. Nang marinig ni Sandra ang ingay na iyon ay nakakunot ang noo niya na lumingon sa kanilang direksyon. Nang makita niyang humahagibis pababa patungo sa direksyon niya ang wheelchair kung saan sakay si Kalena at si Neon. Kahit na parating nanatiling malamig ang ekspresyon ni Sandra ay ngayon nakitaan ng gulat. Mahinang napamura ito. Tumabi ito sa daan at tinantiya nito kung kailan ito mapadaan. Eksakto rin naman na pagdaan ng humahagibis na wheelchair ay mabilis na inaksyunan ni Sandra iyon. She grasps the push handle of the wheelchair with one hand. The other one was to clutch Kalena’s collar to prevent her from instantly flying away from the sudden inertia. Nahigit ang hininga ni Kalena, lalo na’t napansin niya nasa pinaka dulo ng dalisdis na ito ay may malaking bato na napapaligiran ng mayabong na damo. Halos huminto ang t***k ng puso niya sa sobrang takot. Napalunok siya at napasigok. Sinikap niyang hindi gumalaw kahit kunti sa takot na baka aksidenteng mabitawan siya ni Sandra. Hindi na niya inalintana ang matinding kapit ni Neon sa ulo niya. Samantalang si Sandra naman ay bahagyang pasuray-sura ng tatlong beses habang hawak ang kwelyo ni Kalena at ang isang push handle ng wheelchair. Narinig niyang humugot ito nang hininga at saka buong lakas hinila ang wheelchair. Maya’t maya nang ma-stabilize nito ang wheelchair ay do’n lang sila nakahinga ng maluwag. Subalit bago pa silang dalawa na makahinga ng maluwag ay narinig na naman nila ang matalas na boses ni Sandra. “Gusto niyo bang magpakamatay? Hindi niyo ba nakita ang daan sa harapan ninyo?” Napangiwi silang dalawa ni Neon. She mouthed the ‘Pasensya na, hindi na po mauulit,’ without letting any single sound escape from her lips. “Pasensya na rin, hindi ko napansin ang daan. Hindi na ho mauulit ito.” Kagaya niya ay humingi rin ito nang paumanhin. Maliban sa paghingi ng paumahin. Ano pa ba ang masasabi nila? Wala. Alangan naman na hindi nila gawin iyon. Kahit na suplada at masungit si Sandra pero hindi naman sila inaapi nito. Kahit na sinasabi nitong hindi siya gusto nito pero hindi nito pinigilan si Dr. Mallari na gamutin siya at hindi man lang humingi ng kapalit sa tulong ng mga ito. Nagpakawala ng mahinang buntong hininga sa isipan si Kalena. Ito ba iyong kasabihan ng mga tao na; matalas ang dila pero pusong mamon naman? Yep. Bagay kay Sandra ang description na iyon maliban sa pagiging tigress—pusa na lang siguro? Para dalawang description niya rito ay magtugma. Pero anumang nasa isipan niya ngayon ay mas makakabuting pang ibaon na lang niya sa kanyang isipan. “Oh, talagang hindi na mauulit dahil kapang nangyari ulit ito ay hindi ko na kayo ililigtas. Bilisan na nga natin, baka hindi na natin maabutan sa bahay ang alkalde.” Pagkuwa’y tinulak nito nang marahan ang wheelchair. Medyo nabigla silang dalawa pero agad rin naman kumalma. Inakay lang siya nito hangang sa makababa sila sa dalisdis at nang makarating sila sa ibaba ay hinayaan na ni Sandra na si Neon ang magpaandar ng wheelchair. KALAHATING ORAS ang nakalipas nang sa wakas nakarating sila sa harap ng bahay ng alkalde. Ikompara ang bahay ni Dr. Mallari at ang asawa nitong si Sanda at ilang pang mga bahay na nakita niya sa malayo habang patungo rito, ito lang siguro ang pinakamalaking bahay na nakita niya. Maliit lang ang bakod kaya naman madali lang makita ang buong bakuran ng malaking bahay. Napapagitnaan ang malaking bahay na `to nang malaking puno ng prutas, tas mayroon mga baging na nakapulupot do’n sa mga puno. Kapansin-pansin ang ilang mga prutas na nakabitin doon sa baging. Pamilyar iyon sa kanya. Kahit na nasa malayo siya pero dahil sa kakaibang kulay niyon ay alam niyang ang prutas na iyon ay Sanguine Berries. Lahat ng mga tanim sa bakuran—mula sa palumpong hangang sa maliit na puno ay puro prutas. Hindi niya alam kung ang alkalde ay hindi mahilig sa mga bulaklak o practical lang kaya puro mga prutas ang nakikita niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD