Chapter 1
Hindi Bida, Hindi rin Kontrabida, Mas Lalong Hindi rin Extra!
Author: SorceressPrincess WP
SA ILANG milyang layo mula sa siyudad ay matatagpuan ang isang maliit na kumonidad at mayroon itong higit pa sa dalawang libong tao ang naninirahan dito. Sa timog bahagi na nasa dakong labas ng maliit na komunidad ay makikita ang malaking bundok.
Sa liblib ng kagubatan ay makikita doon ang nag-iisang malaking bahay. Ang malaking bahay na ito ay nakatirik sa malayo mula sa komunidad.
Hindi gaanong maaabot ang lugar na tinitirikan nito nang sikat ng araw. Isama pa na napakaluma na niyon at madilim, para itong mukhang hunted house na makikita lang sa mga pelikula. Isang tingin palang ng bahay na ito ay hindi maiwasan na mangilabot ang mga tao, lalo na’t batid ng mga ito ang madilim at nakakatakot na kwento sa likod ng bahay na ito. Ito ang dahilan kaya walang tao na nagtangkang pumunta dito, lalo na kapag gabi. Gayunman, hindi lubos akalain ng mga tao na nakatira sa lugar na ito na may tao pala ang nakatira sa malaking bahay.
“Haahaa.” Mahinang humihingal siya at nanatiling nakahiga sa malamig na sahig. Kahit gustuhin man niya lisanin ang lugar na ito ay hindi niya magawa dahil sa sakit ng naramdaman niya, parang may milyon-milyong mga langgam na kumakagat sa kanyang balat. Sa sobrang hapdi ay parang nasusunog ang kanyang balat. Humugot siya ng hininga at napausal sa Panginoon.
Nais niyang humingi ng saklolo ngunit tanging ungol lang lumabas mula sa kanyang labi. Napakagat si Kalena sa kanyang ibabang labi nang napagtanto niyang wala na siyang dila. Hindi lang iyon, napapaiyak na rin siya nang madiskubre niya na walang laman ang kanyang manggas at palda. Anong nangyayari sa kanya? Bakit kailangan niyang danasin ito?
Sariwa parin sa alaala niya ang nangyari bago siya humantong sa ganitong miserableng sitwasyon. Inimbita siya ng pinsan niya na dumalo sa isang party ng kaibigan nito. Wala daw itong kasama na pupunta sa party at nakakahiya daw dahil tanging ang party organizer na kaibigan nito ang kilala nito, kaya naisipan ng kanyang pinsan na imbitahin siya sa party para may kasama ito. Siyempre, dahil malapit si Kalena sa kanyang pinsan ay hindi niya ito tinanggihan at sinamahan niya ito na dumalo sa party. Ang party na ito ay ginanap sa malaking mansion na nasa isang ekslusibong pamayanan at matatagpuan ito malayo sa kapitbahayanan.
Sa simula ay simpleng party lang iyon, pero habang tumatagal ay naging kakaiba iyon, lalo na’t nakita niya ang kaibigan ng pinsan na nagsimulang nagbigay ng isang mahabang talumpati. Tahimik lang nakikinig si Kalena sa taong iyon habang nilalantakan niya ang masarap na pagkain na dinala para sa kanya ng kanyang pinsan. Pero agad din siya napahinto sa pagkain nang napansin niya na mayroong hindi tama sa sinasabi nito at ang ibang bisita naman dito sa party ay napaka-seryoso nakikinig sa sinasabi nang host ng party. Kahit ang kanyang pinsan ay gano’n din ang kilos.
Hindi lubos na naintindihan ni Kalena ang sinasabi nito. Anong ‘tuluyan ng naalis sa isipan ang pagiging tao’? Anong nasa takdang panahon na sila para maglayag patungo sa langit? Ang daming tanong pumasok sa isipan ni Kalena pero isa lang ang sumagi sa isipan niya. Kulto. Party ba ito ng kulto ang dinaluhan ni Kalena?
Sinulyapan ni Kalena ang kanyang pinsan. Doon lang niya napagtanto ang obsession sa mukha nito. Napalunok siya ng ilang beses. Umusal siya ng dasal sa isip-isipan niya. Nangangatog na rin ang katawan niya sa mga oras na iyon at gusto na niyang umalis dito. Subalit, hindi niya magawa sa takot na baka kung anong gagawin ng mga miyembro ng kulto kapag napansin siya ng mga ito.
Nang matapos ang talumpati ng lider yata nang kulto na ito ay bigla itong lumuhod. Pinagsiklop nito ang dalawang pala at tila ba nanalangin ito sa Diyos. Pero maya’t maya ay tumayo rin ito at biglang lumingon sa direksyon niya.
Bumilis ang t***k ng puso niya nang makitang nakatitig ang lider. Blanko ang ekpresyon nito at ang malamig nitong mga mata ay tila ba gusto siyang lamunin nito. Marahan na tinaas nito ang isang kamay at tinuro siya nito. Lahat ng mga tao dito ay napalingon sa kanyang direksyon.
Natarantang lumingon siya sa kanyang pinsan. Nakita niyang blanko din ang ekpresyon nito at malamig na tiningnan siya. Maya’t maya ay sumilay sa labi nito ang isang nakakalokong ngiti. “Hindi ba’t sinabi mong sasamahan mo ako? Ngayon ay dapat isakatuparan mo ang iyong pangako bago tayo dumalo sa party na ito.”
Nangilabot siya sa sinabi nito. Napatayo siya at gusto niyang tumakas ngunit hindi niya nagawa iyon nang bigla na lang siya nakaramdam ng panghihina sa buong katawan. May dalawang lalaki na Lumapit sa kanya at mahigpit na hinawakan ang braso niya upang pigilan siya sa pagtangkang tumakas.
“B-bakit…?” Kasunod ng panghihina ng kanyang katawan ay nagsimula na din bumigat ang talukap ng kanyang mga mata.
“Pasensya ka na talaga, pinsan. Sabi kasi ni lider, para daw makaalis kami dito sa mundo ng mga tao ay kinakailangan namin ng isang sakripisyo. Ngunit hindi simpleng sakripisyo ang hinihingi ng Diyos namin. He stated that we need a beautiful virgin maiden and was born in November 01, 1995 during lunar eclipse. Alam mo ba kung gaano kahirap hanapin ang ganitong klaseng tao? Mabuti na lamang at nandito ka at maiisakatuparan na namin an gaming kahilingan na umalis sa mundo ng mga tao.”
“Nababaliw ka na…pinsan…mo ako!”
Lumapit ito sa kanya at hinihimas ang kanyang pisngi. “Kaya nga iminungkahi ko kay lider na ikaw ang isakrapisyo namin dahil pinsan kita.” Ngumiti ito ng kay tamis sa kanya. “Dapat nga matuwa ka dahil ikaw ang pinili namin dahil isa itong karangalan sa`y…”
Hindi na niya narinig ang buong sinabi ng kanyang pinsan nang tuluyan ng bumigay ang talukap ng kanyang mga mata. Nang magising siya ay nasa ganito na siyang sitwasyon. Nasa isang maluwang, madilim at malamig na kwarto.
Hindi niya alam kung ano ang ginawa nila, pero wala siyang pakialam. Halo-halo ang emosyon niya ngayon; poot, hinagpis, hinaing at etc., iyon ang naramdaman niya ngayon. Paano nagawa ni Pamela sa kanya ito? Hindi lang pinsan ang turing niya rito, kundi kapatid na!
Gayunman, kahit ano pa ang hinaing niya sa mga oras na iyon ay wala nang silbi. Hindi niya alam kung anong ginawa ng mga ito sa kanyang katawan para hindi siya makaramdam ng sakit sa dila at sa iba pang parte kung saan pinutol nila maliban sa hapdi na naramdaman niya sa buong balat niya. Pakiramdam din niya ay parang pupunit na ang balat niya sa sobrang hapdi!