“BAKIT naman kami ang sasagot sa gastos ng batang babaeng `yan, Sandra? Nakita mo naman itong galos na natamo ng mga anak ko, di ba? Nasagutan sila ng alaga ng batang babaeng `yan, baka mayroon `yang rabies!”
Naalimpungatan si Kalena nang biglang nakarinig siya ng matalas na boses ng isang babae. Mahinang napaungol si Kalena at bahagyang gumusot ang mukha niya nang naramdaman niya ang kirot sa ulo niya nang magising siya.
Nang idilat niya ang kanyang mga mata ay nakita niya ang sarili sa pamilyar na kwarto. Sinakap niyang makaupo ng maayos at saka tiningnan ang pintuan. Rinig na rinig mula rito sa loob ang kanilang pag-uusap.
“Sa tingin mo ba masasaktan ang mga anak ninyo kung hindi rin sila naunang nanakit? Maricel, huwag mo akong tratuhin na tanga na hindi ko alam kung anong nangyayari. Kung ikompara naman sa anak mo, mas malala ang nangyari kay nene.”
Namilog ang mga mata ni Kalena nang marinig ang tawag nito sa kanya. Nene? Sa totoo lang hindi siya komportable na tawagin sa gano’n kahit na ang pisikal na katawan niya ngayon ay bata.
Ngayon lang din napagtanto niya na hindi rin pala alam ng doktor at nang asawa nito ang pangalan niya.
Napabuga na lang siya ng malalim na hininga at saka nakinig sa alitan ng dalawa.
“Bakit mo naman nasabi na kagagawan ng mga anak ko iyon? Hindi sila pumasok sa bakuran mo. Sabi nila ay napadaan lang sila sa bahay ninyo pero hindi nila inaasahan na bigla na lang sumulpot ang alaga ng batang babaeng iyon at hinabol sila! Ah, basta, kailangan niyo panagutan ang ginawa ng hayop na iyon sa mga anak ko!”
“Sumusobra ka na, huwag mong isipin na hindi ko alam kung anong naglalaro sa isipan mo. Puwes, sasabihin ko sa`yo, wala kang makukuha mula sa akin. It’s either na managot ka sa ginawa ng mga anak mo o magkaharap tayo sa opisina ng alkalde!
Nagpatuloy ang alitan nilang dalawa at walang senyales na titigil ang mga ito pero hindi rin kalaunan ay ang taong nanalo ay ang asawa ng doktor.
“Hindi pa tayo magtatapos, Sandra! Protektado mo talaga ang batang babaeng `yan, palibhasa kasi ay isa kang inahing manok na hindi nangingitlog!”
Protektado? Kalena didn’t think actually feel surprised and at the same time ay nagtataka siya kung bakit ginawa ito ni Sandra pero hindi rin nagtagal iyon sa isipan niya nang marinig niya ang huling sinabi ng malditang babae.
Pero ilang sandali lang ay imbes na marinig ni Kalena ang yabag na papalayo ay iyak ng malditang babae ang narinig niya.
Hindi na niya kailangan pang alamin kung anong nangyari sa labas.
“Bitiwan mo ang buhok ko, Sandra!”
“Ulitin mo iyong sinabi mo sa akin dahil makakatikim ka sa akin, bruhilda ka! Akala mo ba takot ako sa asawa mo? Halika rito, lumabas ka sa pamamahay ko at huwag na huwag ka babalik rito!” Wika ni Sandra. “Sa tingin mo ba ay ang kagaya mo ako na isang inahing baboy?” Ang malakas na boses nito ay unti unting lumiit nang papalayo na ito mula sa harap ng kanyang kwarto. Kinaladkad na yata ni Sandra ang babaeng iyon.
Napalunok si Kalena. Hindi man niya nakita ang proseso ng away nila pero sigurado siyang hindi iyon kaaya-aya tinginan.
Tigress! Ang unang salitang pumasok sa isipan niya ay iyon. Si Sandra yata ang ayaw niyang magkaroon ng masamang panig sa kanya.
“Umalis na?”
Agad na nahimasmasan si Kalena nang marinig niya ang boses ni Neon. Nasa labas ito nang bintana at walang kahirap-hirap na pumasok ito sa maliit na siwang ng bintana.
“Nasaan ka ba nagpupunta? Anong nangyari matapos kong mawalan ng malay?’ sunod sunod niyang tanong rito pero agad rin na natigilan ito nang mapansin nito na may sugat ito sa kamay. ‘Anong nangyari sa kamay mo?” Puno ng pag-alala na makita niya ang kamay nito.
Napakamot ito sa maliit at bilog nitong tainga. “Wala ito. Hindi mo kailangan mag-alala, maliit na sugat lang ito. Mabilis lang ito maghihilom.” Isiniwalang bahala lang nito iyon. “Ah, matapos mong mawalan ng malay ay hindi ako nakapagpigil at sinugod sila.” It was the same as the one she had heard awhile ago.
“Oh, gising ka na pala.”
Biglang napapitlag si Kalena nang marinig niya ang boses ni Sandra samantalang si Neon naman ay nagkukumahog na magtago. Although, hindi na ito nagtatago sa harap ng mga tao pero may isang tao ang iksemsyon at iyon ay si Sandra.
Napalingon ulit si Kalena sa direksyon ng pintuan. Nakabukas na iyon at nakasandal si Sandra sa gilid ng pintuan, nakakrus ang braso nito habang nakatitig sa kanilang dalawa.
Kailan pa ito nando’n? Bakit hindi man lang napansin ni Kalena nakatayo na pala roon si Sandra?
“Wala rin silbi ang pagtatago mo, ferret. Nakita na kita. Anong ginagawa ng beast guardian rito sa munting kumonidad namin, ha?”
Nang marinig iyon ni Neon ay huminto ito. Kahit na kinabahan ito ay pinili na lamang nitong manatili, pero hindi ito agad na nagsalita nang marinig nito ang tawag ni Sandra rito.
“Huwag kang umakto na pipi, narinig ko ang pagsasalita mo at alam ko rin na hindi ka bingi. Kung ayaw mong ipatapon kita palabas ng pamamahay ko ay magsimula ka na magsalita.”
“Huwag. Magsasalita na ako.” Neon feels a bit upset.
“Oh, ngayon willing ka na magsalita? Hindi mo pa nasasagot ang tanong ko sa`yo”
Samantalang si Kalena naman ay bumuka-sara ang bibig niya. Nais niyang kausapin ito pero walang boses na lumalabas sa kanyang bibig. Ikompara kay Neon, mas depressed siya dahil `di niya makausap ang mga ito ng normal.
“Kaibigan ako ni Kalena.”
“Kalena?” Tumikwas ang kilay ni Sandra. “Pangalan mo iyon, nene?”
Nang bumaling ito sa kanya ay mabilis na tumango siya. Nene na naman. Di talaga siya sanay sa salitang iyon.
Sa hitsura palang ni Sandra ay hindi ito na naniniwala na simpleng kaibigan lang silang dalawa ni Neon.
“Ikaw ba ang nagdala sa kanya sa harap ng pintuan ng klinika ng asawa ko?”
Saglita na natigilan si Neon pero gayunman ay sinagot pa rin nito ang tanong ni Sandra.
“Oo. Nakita ko kasi siya sa labas ng bakuran ng malaking bahay sa liblib ng kagubatan. Dinala ko siya rito sa kumonidad niyong mga tao para ipagamot siya. Kung ayaw nito sa kanya ay huwag kayong mag-alala, aalis kami rito `pag gumaling na si Kalena.”
Pumalatak si Sandra nang marinig nito ang sinabi ni Neon. “Ferret, sa tingin mo ba gano’n kadaling makaalis rito?”
Both Neon and Kalena had a question mark on top of their head upon hearing Sandra’s another question.
Anong ibig sabihin nito?