Chapter 15

1170 Words
“OO NGA PALA, naalala ko noong nakaraang araw ay sinabi mo na minsan na nagkaroon ng priestess rito sa kontinente. Anong ibig mong sabihin do’n?” “Hindi ko ba nasabi sa`yo?” Binitiwan nito ang librong hawak. “Narinig ko noon minsan mula sa isang matanda na kinukwentuhan ang mga bata tungkol doon. Sakit at malupit ang kasalukuyang pinuno ng kontinente na ito at ayaw na may kahati sa awtorisasyon. Alam mo naman kung gaano kalakas ang impluwensya ng priestess, di ba? Simula nang mamatay ang dating priestess ay wala ng sino man ang sumunod sa apak niya dahil namamatay ang mga kandidato sa hindi malamang sakit.” “Sakit? That’s sound ridiculous!” “Di ba? Pero sa lugar na ito na limitado ang impormasyon—maliban sa mga matatalinong tao, pinaniwalaan nila ang balitang iyon.” Bilang isang tao na pinanganak sa demokratikong bansa ay hindi niya talaga magugustuhan ang ganitong klaseng pamamalakad. Napapailing na lang siya. Balaha na nga. As long na hindi sila gumawa ng excessive demands ay kiber niya ba? Ano nga naman ang magagawa niya laban sa pamahalaan, lalo na’t isa lamang siyang ordinaryong tao na wala ngang lakas na kalabanin ang mga ito. AKALA NI KALENA na mananatili siya rito sa kwarto ng matagal pero nang madiskubre—o inakala ni Dr. Mallari na misdiagnose siya nito ay kahit paano nagkaroon ng improvement sa buhay niya. Ngayon wala na siyang sakit na butterfly skin disease ay hindi na siya pinaghigpitan na lumabas nito. Naintindihan rin naman niya kung bakit ayaw siya nitong palabasin sapagkat nangangamba ito na baka mapano siya Iyon nga lang ay inabot ng tatlong araw iyon sapagkat hinanda pala nito ang wheelchair niya. Simpleng wheelchair iyon at yari lang sa kahoy pero gayon pa man ay maayos pa rin ang takbo niyon. Walang pinagkaiba sa mga mamahaling wheelchair. Modified iyon at mayroong stick na pwede niyang kontrolin para galawin ang wheelchair. Ayon kay Dr. Mallari ay pag-aari daw ito ng namayapang anak ng kaibigan nito at nag malaman ng kaibigan nito ang tungkol sa kanya ay hindi ito nagdalawang isip na ibigay na lang sa kanya iyon dahil hindi na iyon ginagamit ng anak nito matapos nitong gumaling at nakakalad ng maayos. Sa mga araw rin na nagdaan ay hindi na rin nag-abalang magtago ni Neon mula sa doktor. Noong una ay nagulat at nagtaka ang doktor kung saan lupalop ito nanggaling pero nang makitang maamo itong hayop at hindi nanakit ay hindi na rin ito nag-abalang tabuyin ito palabas. Makita palang nito sa kanya ang wheelchair ay hindi niya mapigilan na masopresa, pero ang malaking katanungan sa isipan niya ay kung bakit napakabait nito. Hindi niya alam kung tanga ba ito o masyado lang mabait—sobrang sobra na kasi ang itinulong nito sa kanya. Seeing this gift, she felt warm. Hindi niya alam kung paano niya ipahayag ang malaking pasasalamat niya rito, kaya ang ginawa na lamang niya ay yumuko siya sa harap nito. Siyempre, kahit gaano pa siguro kasaya niya sa mga oras na natanggap niya ang wheelchair na iyon ay hindi pa rin nakaligtas sa matalas niyang paningin ang magandang babae na minsan napadaan sa harap ng kwarto niya. Ang babaeng ito ay ang asawa ni Dr. Mallari. Bihira lang niya ito makikita pero gayunman ay hindi siya manhid para hindi malaman na hindi siya gusto nito. Kahit na gano’n ay hindi siya nakaramdam ng galit—siguro medyo inis pero naintindihan rin naman niya kung bakit ang asta nito sa kanya. Hindi sila kaano-ano, tas palamunin pa siya. Nahihiya rin siya `no. Kung hindi lang talaga nakakasagabal sa kanya ang pagiging baldado ay matagal na rin siya umalis rito. Sa ngayon ay kailangan niyang magtiis. “Hayaan mo na ang babaeng iyon,” wika ni Neon nang malaman nito ang saloobin ni Kalena. Nasa bakuran sila ngayon ng bahay ni Dr. Mallari. Gayunman, hindi pa rin nakatulong ang sinabi ni Neon. “Madali lang sabihin iyan pero alam ko na pabigat ako sa kanila. Kung hindi lang talaga…” Hindi na lang niya tinapos ang sasabihin at nagpakawala ng buntong hininga. “Hindi pwede na manatili ako sa ganitong kalagayan.” Ngayong nalaman niya na may posibilidad na manumbalik ang paa’t kamay niya ay hindi siya nawalan ng pag-asa, inaasam pa rin ni Kalena na maging normal ulit ang katawan niya. “Pero ang problema kahit na gustuhin natin na maghanap ng manggagamot na salamangkero na may mataas na antas ay imposible.” Wala rin maitutulong si Dr. Mallari, kahit na isa itong manggagamot na salamangkero pero ang lakas nito ay hindi sapat para maibalik ang paa’t kamay niya, kahit ang putol na dila niya ay hindi rin. “At ikaw naman, Neon, salamat sa pagtulong mo. Hayaan mo, kapag may pagkakataon ay babawi rin ako sa`yo. Pero iyong tinutukoy mong may potensyal ako na maging mandirigma, suhestiyon ko sa`yo ay ibang tao na lang ang piliin mo.” Kahit na siguro normal ang katawan niya ngayon, hindi pa rin niya pipiliin na maging mandirigma. Sa tingin ni Kalena ay wala siyang lakas na loob na makipaglaban. “Imposible. Kung gano’n kadaling maghanap ng mandirigma ay bakit ngayon lang?” May punto ito. Hindi kasi ordinaryong mandirigma ang hinahanap nito. Kahit na hindi buo ang alaala nito, may isang bagay na alam si Kalena. Sigurado siya na ang nagsasalitang ferret na ito ay katulad rin ng butterfly beast guardian ng bidang babae. Ang hindi lang niya maintindihan ay kung bakit naghahanap ito ng mandirigma at kaya rin naisip niya iyon dahil kahit na may ibang priestess sa mundong ito pero hindi sila namumukod tangi kagaya ng priestess ng kontinenteng Lurra. Walang protector ang mga ito kagaya ng priestess ng kontinenteng Lurra kahit na mayroon ay hindi reinkarnasyon ang mga ito ng dating sinaunang priestess. Wala man impormasyon na binigay ang orihinal na kwento tungkol dito at nakabase lang ang ideyang ito sa haka-haka niya. May posibilidad rin na may pang-walong protector pero dahil namatay ng maaga ang nagmamay-ari ng katawan niya kaya hindi ito lumitaw sa orihinal na kwento. Siguro iyon ang dahilan. “Subukan mo na…” “Ayoko ko. Baka patay na `yan.” Naputol ang pag-uusap ni Kalena at ni Neon nang may narinig silang mahinang boses. Pero bago pa makapag-react si Kalena ay bigla siyang nakaramdam ng sakit sa ulo nang may kung anong matigas na tumama sa kanya. Ouch, daing ni Kalena. Ramdam rin niya ang mainit-init na likido na dumadausdos sa mukha niya. “Kalena!” “Takboooo! Sabi ko sa`yo mumu `yan eh! Lagot tayo kapag nakita niya tayo!” “May halimaw pa itong kasama!” Bulalas ng batang lalaki. Kahit gustuhin man niyang sigawan ang nambato sa kanya ay wala rin siyang nagawa. Mas lalo lang nakaramdam si Kalena nang pagkahilo dahil sa lakas ng pagkatama ng matigas na bagay sa ulo niya. Nagsimulang dumilim iyong paningin niya at bago pa mawalan siya ng ulirat ay nakaramdam siya ng inis dahil sobrang hina niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD