Chapter 8

1299 Words
HIGIT SA LAHAT, paano nito nalaman ang iniisip niya? Kahit na naloloka siya sa mga oras na `yon, imposible na makalimutan niyang pipi siya ngayon, hindi makapagsalita. Itinirik niya ang kanyang mga mata. “Nakikinig ka ba sa`kin?” Napakislot si Kalena nang may naramdaman siyang isang malambot at mainit-init na bagay na dumikit sa pisngi niya. “Oii!” Sa inis nito, hindi ito nakapagpigil at sinampal siya nito. Mabuti na lang at kinontrol nito ang pagkasampal sa kanya at kahit na medyo nilakasan niya iyon ay hindi siya gaanong nasaktan ngunit hindi rin naman maganda sa pakiramdam. Inalis niya ang tingin sa kisame at saka bumaling rito. Tinitigan lang niya ito. “Hindi ka baliw at totoo ang naririnig mo na nagsasalita ako. Anong problema mo, ngayon ka lang ba nakarinig na nagsasalitang ferret? Ano naman din ang masama kung nababasa ko ang isipan mo?” So, hindi siya nababaliw? Agad na nakahinga ng maluwag si Kalena ng makumpirma niya `yon. Oo nga naman, ano ba ang kakaiba na may nagsasalitang hayop? Siya nga noon, higit isang buwan rin siya nakakulong sa madilim na silid na `yon at hindi man lang nakaramdam ng gutom at uhaw. Nang maisip niya iyon, mas lalo siyang naging kalmado at nagdesisyon na kausapin ito. “Sino ka? Anong ginagawa mo rito?” Tanong niya rito sa isipan. “Ang pangalan ko ay si Neon! Ako ang tumulong sa`yo nang mawalan ka ng malay kahapon sa harap ng lumang bahay.” “Ikaw?” Hindi makapaniwalang tiningnan ulit niya ito. Hindi sa ayaw niyang maniwala rito, pero sa liit nito, paano nito nakarga ang isang taong na may timbang na limangpu’t siyam na kilo! Maniniwala sana siya rito dahil narinig niya ang sinabi ni Dr. Millari na nakita siya nito na nakahandusay sa harap ng pintuan nito. Ibig sabihin niyon ay may ibang tao ang nagdala sa kanya rito. Siyempre, hindi naitago sa ferret na `to ang laman ng isipan ni Kalena. Pinaikutan siya nito ng mga mata at sa isang kisapmata, he suddenly become a ten-year-old boy! Subalit sandali lang naging tao ito at agad rin na bumalik sa dati. “Huwag mong tingnan ang panlabas na anyo ko, pero sa lahi ko, ako ang pinakamalakas sa`min!” Buong pagmamalaki nito sa sarili. Okay, hindi na niya dapat pagdudahan ito. Nakakamangha na nga makakita ng ferret na nagsasalita, ano pa kaya nitong maging isang tao? Namamanghang tiningnan ni Kalena `to. “Pasensya na, hindi ko alam,’ hinging sorry niya rito. ‘Salamat rin pala sa pagtulong sa akin, hindi ko alam kung paano kita masusuklian sa tulong mo. Oo nga pala, puwede bang humingi ng pabor?” “Ano naman `yon?” “May cellphone ka ba?” “Silfown?” Nagdududang tiningnan siya nito. Kung meron lang siyang kamay ngayon, siguro tinampal na niya `yon sa noo niya. Ano ba ang alam nito? “Cellphone. Telepono. Isang aparatong nagdadala ng tunog para makapagbigay ng mensahe sa isang tao na nasa malayong lugar,” paliwanag niya sa puting ferret. Nahigit niya ang kanyang hininga. Nanlaki ang bilog nitong mga mata na para bang may naalala ito na naging dahilan para magliwanag ang kanyang pag-asa, but it only lasted a few seconds when he sat on the floor and spit out a big no from his tiny mouth. “Hindi ko alam `yan.” Dismayadong umungol siya. Akala pa naman niya ay alam nito, iyon pala ay hindi. Hindi na siya umaasa na alam nito `yon. Kunsabagay, ano nga ba ang alam nito tungkol sa modernong kagamitan? Siguro ay hindi pa ito nakikihalubilo sa mga tao kaya wala itong kaalam-alam. Nagpakawala na lang si Kalena nang malalim na buntong hininga. “Aanhin mo ba ang bagay na iyon? May gusto ka bang makausap na tao?” “Oo, gusto ko sanang tawagan ang mga magulang ko. Gusto ko ipaalam sa kanila na nandito ako at buhay.” “Oh, kung gano’n ay hindi ka inabandona ng iyong mga magulang?” “Anong klaseng tanong iyan? Ah, nevermind. Hahanap na lang ako nang paraan para matawagan sila.” Mabuti nalang at may nakakausap pa rin siya kahit na hindi ito tao. Puwede kaya niya itong pakiusapan na tulungan siya? Nang sinulyapan niya ang puting ferret ay puno iyon ng pag-asa at pagtitiwala niya rito. Agad rin naman na napansin iyon ni Neon. Kahit na hindi nito basahin ang iniisip ni Kalena ay nahuhulaan na nito kung anong iniisip niya pero pinili na lamang nito na manahimik. “Oo nga pala, puwede mo ba ako dalhan ng salamin rito?” aniya saka pinilit ang sarili na makaupo ng maayo. Nagpakawala siya ng hininga nang magtagumpay siyang makaupo at saka sumandig sa pader para hindi siya mitumba. “Salamin?” “Huwag mong sabihin na hindi mo rin alam ang salamin?” Iningusan muna siya nito bago nagsalita, “Alam ko iyon! Aanhin mo ba ang salamin?” “Gusto ko lang tingnan ang sarili kong hitsura.” “Alam mo, kung ako sa`yo, mas makakabuti pa na huwag mong tingnan ang sarili mong anyo. Masasaktan ka lang.” Nang tiningnan ni Kalena ito ay nabanaag niya ang simpatya sa mga mata nito na nakatingin sa kanya. Tila may bikig na nakabara sa lalamunan ni Kalena nang makita niya iyon pero anong magagawa niya? Gustuhin man niya na isipin na isa lamang itong panaginip pero alam niyang hindi. Makalipas ang ilang sandali nang mapansin ni Neon ang pagbaba niya ng ulo at hindi umimik ay nagpakawala ito ng buntong hininga. “Oh siya, huwag ka nang malungkot. Teka lang, bata, hintayin mo ako rito. Hahanapan kita ng salamin.” Nang marinig ni Kalena ang sinabi ng puting ferret ay agad na nag-angat siya ng ulo at nginitian ito. “Salamat ulit at huwag mo akong tawaging bata. Hindi na ako bata. Ang pangalan ko ay Kalena I. Galleros pero maaari mo akong tawagin sa pangalan ko.” Napakamot ang puting ferret sa ulo nang marinig nito iyon pero hindi na lamang ito nagkomento tungkol sa sinabi niyang hindi na siya bata. “Kalena.” Tawag nito sa pangalan niya bago umalis ito para hanapan siya ng salamin. Nakita niyang lumabas ito mula sa maliit na siwang ng bintana. Matagal-tagal rin na nawala ito at hindi rin nagtagal ay nakaramdam siya ng pagkabagot. Kalaunan ay sa wakas ay naputol rin ang pagmumuni ni Kalena nang may narinig siyang mahinang kaluskos sa labas at nang dumako ang paningin niya sa bintana kung saan lumabas si Neon ay agad na nakita niya umusli ang maliit na ulo nito sa loob ng bintana. Maya’t maya ay agad na pumasok ito sa loob, bitbit ang salamin. Walang kahirap-hirap para rito na bitbitin ang salamin. “Heto na ang salamin na sinasabi mo.” Batid nitong walang kamay si Kalena at gayung tinulungan na siya nito ay sinagad na nito. Tinaas nito ang bilog na salamin sa harap niya. “Salamat. Ang bait mo talaga! Hindi ko alam kung paano kita mababayaran…,” ang ngiting nakapaskil sa labi ni Kalena ay agad na naglaho nang lumantad sa harap niya ang hindi pamilyar na mukha. Biglang namutla ang buong mukha niya nang makita niya ang kahindikhindik na hitsura ng bata. Malaking parte sa mukha nito ay malaking sugat. Tila pinunitan ng balat ang mukha ng batang ito pero gayon pa man ay nababanaag pa rin niya na isa itong magandang batang babae, lalo na ang mga mata nito na kulay lila. Ngayon lang siya nakakita ng tao na may natural na kulay lilang mga mata! Bawat galaw at pagbabago ng ekspresyon ni Kalena ay ginagawa ng bata. Ako ito…? Bumuka ulit rin ang bibig ng batang babae sa salamin kagaya ng ginawa niya pero ungol lang ang lumabas sa bibig ni Kalena. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD