Chapter 7

1109 Words
TSINEK pa nito ang buhok niya at kung anu-ano pa. Habang tumatagal ay mas lalong lumalim ang kunot ng noo nito. Ilang sandali matapos ang eksiminasyon ay may inilabas itong isang bagay na kahawig ng isang pen. Tinutok nito iyon sa kanya at naglabas iyon ng berdeng liwanag. Nang masinagan ang buong katawan niya sa berdeng liwanag na nagmumula sa pen ay mas lalong nagdududa siya sa sarili. Doktor ba talaga ito at hindi pasyente na tumakas mula sa mental ospital? Nagduda man si Kalena ay wala rin naman `yon silbi kung tutuusin. Hindi rin naman masamang tao ang doktor na nasa harap niya ngayon, kaya kahit paano ay hindi siya nangamba. Matapos pinatay nito ang ilaw mula sa pen ay agad na ibinalik nito `yon sa bulsa. Kapagkuway ay nagpaalam muna ang doktor sa kanya at bago ito umalis ay sinabi nito na kailangan pa nitong pag-aralan at suriin ng mabuti ang kondisyon niya. What can she say? Nothing. Although there’s doubt on her face, she didn’t ask anything about health examination. Not that she doesn’t desire it, it just she can’t do it given her current situation right now. Saglit napahinto siya nang marinig niya ang mahinang lagitik ng pagsara ng pintuan. Sandali lang na sinulyapan niya ang direksyon kung saan lumabas ang doktor. Ngayong mag-isa na siya ay nagsimulang naging malikot ang kanyang mata. Ilang sandali ay dumako ang kanyang mga mata sa calendar na nakasabit sa dingding. Naningkit ang mga mata niya nang makita niya ang nakasulat doon. Maliban sa numerals, ang mga letrang nakasulat roon ay hindi pamilyar sa kanya. Hindi man siya literate sa lahat ng mga lengwahe ng ibang bansa pero at least kahit paano, she can familiar their handwriting. Hindi siya pamilyar sa lengwahe na ginagamit ng mga tao dito, pati na rin ang sulat ng mga ito. Hindi napigilan niya ang sarili na mahulog sa malalim na pag-iisip at nagbaba ng ulo. Hindi rin nagtagal ang pag-iisip niya ng may napagtanto siyang kakaiba. However, for a while, she can’t put a finger on what it is. Ano ba `yong kakaiba? Napatitig si Kalena sa dibdib niya. Mataimtim na tinitigan niya iyon hangang sa napagtanto na niya kung ano ang kakaiba na napansin niya. Boobs! Where’s her boob? Where’s her 30D cup?! Nawindang si Kalena nang madiskubre na nawawala ang pinagmamalaki niyang 30D cup. Kung mayroon lang sana siyang mga kamay ngayon ay siguro kinapa niya ang kanyang dibdib para siguraduhin na namamalikmata lang siya. Nakakalungkot nga lang at hindi niya magagawa iyon. Pamelaaaa, hayop ka! Kahit ang 30D cup ko ay hindi mo pa rin pinalampas! She hollered in her mind. Now that she perceives her body refreshing and did not feel any burning pain gnawing her skin at this moment, Kalena’s mind now becomes more lucid and noticed some odd things in her body. Pakiramdam niya ay maliit siya, dahil ba wala siyang braso at paa? Noong una ay `yon ang iniisip ni Kalena pero habang tumatagal ay nakaramdam din siya ng pagdududa, isama na ang trato sa kanya ng doktor. Para masiguro siya sa kanyang hinala ay kailangan niya makita ang buong anyo niya, pero paano? Saglit na napaisip siya pero maya’t maya ay inilibot niya ang tingin sa buong paligid ulit. Laking dismayado ni Kalena na makitang wala man lang gamit na maaari niyang magamit para makumpirma ang kanyang hinala. Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga, saka napahiga.  Damn it, di niya napigilan na mapamura sa isipan. Sa mga oras na iyon, tanging magagawa lang niya ay humiga at titigan ang puting kisame. Nanatili lang siya sa gano’n posisyon, hindi gumalaw na para bang isa siyang bangkay. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nanatili sa gano’n pero hindi rin nagtagal ay biglang medyo dumilim ang paningin niya. Naramdaman rin niya na tila may tumabi sa kanya. Nagkasalubong ang mga kilay niya at nang bumaling siya sa kanang bahagi niya bumungad sa paningin niya ang mukha ng isang puting hayop. Makita palang ang hitsura nito ay biglang namutla ang mukha niya. Daga! Isang malaking puting dagaaaa!!! Bulalas niya sa kanyang isipan nang makita niya ito. Sa totoo lang, hindi sa takot siya sa daga pero dahil napakalapit niyon sa kanya at hindi niya alam kung maamo bai to o hindi. May posibilidad rin na lalapain ba siya niyon o hindi ay hindi maiwasan na matakot siya. Sa sobrang takot ay gumulong siya hangang sa nahulog siya mula sa kama. Kasabay ng malakas na kulampog, napahiyaw siya sa sakit ngunit hindi pa rin nakalimutan na lumayo sa lugar na `yon sa takot na baka habulin siya ng daga. Siya lang mag-isa ngayon at wala siyang pakialam sa hitsura niya ngayon. Kahit na masakit ang buong katawan niya dahil sa pagbagsak ay gumulong siya palayo, `yon lang ang tanging magagawa niya. She keeps rolling until her body hits a cold wall. Napaungol siya sa sakit, pero ikompara ang sakit no’ng bumagsak siya mula sa kama ay hindi `yon gaanong masakit. “Oh—hic!” ang malas ko talaga! Mangiyak-ngiyak na sabi niya sa isipan. Ano ba ang ginawa niya para danasin `to? Tahimik siyang umiyak pero hindi rin nagtagal ay napahinto siya ng marinig siyang munting boses ng isang batang lalaki sa likuran niya. “Oh dear, tumahan ka na, huwag ka ng umiyak. Hindi ko sinasadyang takutin ka.” Huminto sa pag-iyak si Kalena at lumingon sa likuran niya. Sa pagpihit niya paharap sa nag-may-ari ng munting boses ay nanlaki ang mga mata niya nang bumungad sa kanyang paningin ang puting daga, ah hindi. Mataimtim na tinitigan ni Kalena ito. Now that she looks at this little white furry creature with long-pear shaped body, long tail, short legs with long claws. If she’s not mistaken, isn’t this a ferret? Maliban sa medyo may kulay-lila ang dulo ng buntot at tainga, kapansin-pansin rin ang hiyas na kasing kulay at tingkad ng amethyst na nakadikit sa dibdib nito. Kakaiba itong tingnan pero imposible na hindi magkamali siya, isa itong ferret. Parang gusto niyang sapakin ang mukha niya. Bakit ba niya napagkamalan itong daga? Pero teka, tama ba ang narinig niya? Nagsasalita `to? Natawa na lang siya ng isipin `yon, imposible na magsasalita ang isang hayop. Kahit na gaano kakaiba ang anyo nito ngayon ay imposible na magsalita ito kahit na ang lengwahe na ginamit nito ay banyaga sa kanya. “Anong daga?! Saan parte ng katawan ko ang daga?!” Sabog na sabog ang balahibo nito sa galit. Biglang napatikom ng bibig si Kalena. Samu’t sari ang emosyon na lumarawan sa mukha ni Kalena. Wala na. Paktay. Nababaliw na yata siya. Paano nakakapagsalita ang ferret na `to?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD