Chapter 9

1161 Words
“AKO BA TALAGA `TO?” Hindi makapaniwalang tanong ni Kalena kay Neon. Nang marinig ni Neon ang tanong niya ay mas lalong naging halata ang awa nito sa kanya sa pag-aakalang hindi niya matanggap ang hitsura niya ngayon, pero bago pa ito makapagsalita ay nasundan iyon ng bulalas ni Kalena. “Imposible! Hindi ko mukha ito! Paano ako naging bata?” Nawindang si Kalena nang makita ang kanyang sariling repleksyon ay isang batang babae. Hindi puwede mangyari ito. Kaya pala pakiramdam niya ay may mali sa katawan niya. It turned out that this was not her actual body! Paano na ang totoong katawan niya? Nasaan na ang totoo niyang katawan? Patay na ba talaga siya? Nang sumagi ang huling tanong sa isipan ni Kalena ay tila ba tinamaan siya ng kidlat sa realisasyon. Kung siya si Pamela at ang kasamahan nito sa kulto, hahayaan ba siya nitong mabuhay? Malamang ay hindi. Kilala niya si Pamela. She’s a wise woman and always careful in her every move she makes. This is also the reason why she became a successful woman. A lot of people admired her, including her. She was no exception. But who would have thought that this woman whom she admired and trusted the most was a lunatic? Hindi na rin magtataka si Kalena pagkatapos siyang isakripisyo ng mga ito ay buburahin ang lahat ng ebidensya at walang iiwan kahit isa. Kasama na do’n ang kanyang katawan. Isipin palang niya ang kahinatnan niya ngayon ay nagsimulang nangilid ang luha niya. Hindi niya maisip na ang totoong katawan niya ay ngayon ay wala na. Ano na ang gagawin niya? Paano niya haharapin ang kanyang magulang sa ganitong hitsura? Sinong maniniwala na siya si Kalena? Wala. Napahikbi si Kalena. Sigurado siya na iisipin ng ibang mga tao na nababaliw na siya. “Oi, ayos ka lang? Huwag ka nang umiwak. Alam ko na isang malaking dagok na makita ang hitsura pero hindi ka dapat mawalan ng pag-asa. Sa mundo ng Draessutora ay walang imposible. Makakahanap tayo ng paraan para gumaling ka at bumalik ang paa’t kamay mo.” “Ano?” Biglang napatigil si Kalena sa paghikbi nang marinig niya ang sinabi ng puting ferret. Bahagyang tumaas-baba ang maliit nitong mga tainga bago sinagot si Kalena. “Hindi mo kailangan mag-alala, sa mundong ito, maraming mga tao na mahusay sa paggamot. Walang kahirap-hirap para sa mga mataas na uri ng salamangkerong manggagamot na pabalikin ang paa’t kamay mo, pati na rin ang dila mo!” The little white fluffy ferret tried to coax her to stop crying. However, it was no used at all. “Hindi iyon. Iyong salitang sinabi mo bago iyon.” “Mundo ng Draessutora…?” “Sinasabi mo ba na ang tawag sa mundong ito ay Draessutora at hindi Earth?” Mas lalong nawindang si Kalena sa nalaman. “Oo,” tugon nito, saka marahang kinamot ang likod ng bilog nitong tainga. “Hindi Earth ang tawag sa mundong ito at nandito tayo sa kontinenteng Scarlet Domain.” Parang nakaramdam ng pagkahilo si Kalena sa pagkahayag sa kanya ni Neon. Hindi lang pala siya sumanib sa katawan ng ibang tao, kundi pati na rin hindi ito ang mundong kinalakihan ni Kalena! “Nagbibiro ka ba?” “Ewan ko sa`yo. Ano ba ang problema mo? Hindi talaga kita maintindihan. Bakit mo rin pala sinabing hindi ka bata?” Medyo nakaramdam ng inis si Neon dahil sa kakaibang reaksyon ni Kalena. Agad rin napansin ni Kalena iyon kaya naman ay mabilis na humingi siya ng paumanhin rito. “Pasensya ka na, ha? Masyado lang kasi ako nagulat sa nalaman ko. Heto kasi iyon, hindi ako tagarito—to be exact ay hindi ako tagarito sa mundong niyo.” Masyadong mahaba ang ang salaysay ni Kalena pero sinikap niyang mapaikli iyon at straight to the point. Nang matapos niyang ikwento ang karanasan ni Kalena kay Neon ay taimtim na tiningnan niya ang puting ferret. Naging seryoso ang ekspresyon nito. “Pero imposible na mangyari ang sinasabi mo.” Parang nakaramdam ng disappointed si Kalena nang marinig niya ang sinabi ni Ferret. Hindi ba ito naniniwala? Akala pa naman ni Kalena ay maniniwala ito sa kanya pero hindi niya inaasahan na nagkamali siya. Pero anong silbi ng pagsisi niya? Wala. “Totoo ang sinasabi ko. Hindi sa akin ang katawan na `to. Matapos akong dinakip ng baliw kong pinsan at ginawang sakripisyo ng tinatawag nilang panginoon ay nakita ko na lang ang sarili ko rito. Hindi ko nga rin alam kung patay na ba talaga ako o hindi.” Puno ng frustration ang boses niya sa isipan. “Huminahon ka, Kalena. Hindi naman sa hindi kita pinaniwalaan pero sinasabi mo kasing hindi mo katawan `yan.” Medyo nagkasalubong ang kilay ni Kalena at siya na naman ang nagtaka rito. “Kung totoo `yang sinasabi mo na hindi mo katawan ito, pero malaking pinagtaka ko kasi ay bakit wala akong nakitang bakas na ginamitan ka ng mahika.” “Anong ibig mong sabihin?” “Hindi mo siguro alam pero sa amin ay kilala akong isang salamangkero!” Sandali lang natameme si Kalena nang marinig iyon. Sa tono palang nito ay buong pagmamalaki nito sa sarili, ngunit pinili na lamang ni Kalena na manahimik at makinig kay Neon. “Walang hirap para sa akin na makita kung nag-iwan nang bakas ng mahika ang isang salamangkero sa tao o ano man bagay na ginamitan nila. Pero ikaw, no’ng una palang kita nakita ay wala akong nakitang bakas ng mahika.” “Baka naman naglaho na ang bakas na iyon? Alalahanin mo, ilang linggo rin ako nanatili roon sa lumang mansion na `yon.” She said matter of fact. “Imposible. Sa sitwasyon mo, siguro ay isang pinagbawal na salamangka ang ginamit nasa likod nito at kinakailangan iyon ng malaking enerhiya. Dapat mag-iiwan iyon ng bakas sa katawan mo. Kahit pa gaano katagal na nangyari iyon, hindi iyon madaling mawawala maliban na lang kung may higit pa na mas malakas na salamangkero ang may kakayahan na alisin ng tuluyan ang bakas nito sa`yo o baka isang himala lang `to.” Marinig palang ni Kalena ang paliwanag ni Neon ay hindi niya maiwasan na makaramdam ng pananakit ng ulo. Pero gayon pa man ay sinikap niyang i-digest ang paliwanag nito. What can she say? Wala. Wala rin naman siyang maipaliwanag. Kung mayroon man siyang pagpilian sa dalawang sinabi ni Neon. Siguro ay pipiliin niya ang huling sinabi nito. Hindi siya naniniwala na may kakayahan na gumamit ng mahika ang baliw niyang pinsan at ang kasamahan nito. Mas paniniwalaan pa niya na nagkataon lang iyon at isang himala ang nangyari. Siguro nakita ng Diyos ang kahayupan ng mga ito at naawa Ito sa kanya kaya binigyan siya nito ng pagkakataon na mabuhay sa katawan ng ibang tao. Gayunman, hindi pa rin komportable si Kalena na isipan na ginamit niya ang ibang katawan ng tao kahit na patay na ang totoong nagmay-ari ng katawan na `to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD