Chapter 5

1636 Words
“S-SINO KA?! L-lu-lumabas ka sa pinagtaguan mo! Ma-may dala akong baril dito, kapag hindi ka pa rin lumabas ay ipuputok ko ito,” banta ni Dr. Mallari at umakto pa na may bubunutin sa white coat niya. Kumakabog ang dibdib niya. Halos tinakasan na siya ng dugo sa buong mukha sa sobrang takot. Nataranta na siya at sinubukang buksan ang pinto, ngunit nabigo siya. Dahil sa pagkataranta niya ay muntik na niyang makalimutan na sira pala ang busol ng pinto at para mabuksan iyon ay kailangan may susi siya. Nanginginig na kinuha niya ang susi pero dahil sa nerbyos at panginginig sa kamay ay hindi niya sinasadyang mahulog ang susi. Nahulog pa ang susi niya malapit sa itim na bagay. Ayaw sana pulutin ni Dr. Mallari ang susi pero dahil ito lang ang nag-iisang susi na meron siya at imposible naman na umuwi siya sa bahay. Walang mapagpilian na yumuko siya para kunin ang susi, pero bago pa niya mahawakan ang susi ay napansin niya na gumalaw ang itim na bagay na iyon. Halos mawalan siya ng ulirat sa sobrang takot. Isang malakas na kulapog ang umalingawngaw nang natumba siya at paatras na gumapang siya palayo sa bagay na iyon. Nanginginig pa rin siya, pero sinikap pa rin niya na ilabas ang camera. Binuksan niya ang flash. Sa pagkuha niya nang litrato sa itim na nilalang ay sinabayan iyon ng malakas na kislap ng ilaw. Nang ginawa niya iyon ay medyo natigilan siya. “Huh?” Napamaang na tiningnan niya iyon. Tama ba ang nakita niya? Para makasiguro ay kinunan ulit niya ito ng litrato. Kumislap ng ilaw nang makunan niya ng litrato ang nilalang. Tao? Hindi pala iyon isang bagay o anumang maglino. Saglit man na nakita ni Dr. Mallari ay nakakasiguro siya na isang pigura ng bata iyon na nakahandusay sa harap ng pintuan niya.   Isa ba itong bangkay? Hindi niya alam. Tanging alam lang niya ay hindi ito isang multo o anumang maligno na pinaglalaruan siya. Pinuno ni Dr. Mallari ng hangin ang dibdib bago naglakas loob na tumayo siya at lumapit. Kinuha muna niya ang susi at mabilis na binuksan ang pinto. Pagbuksan niya ng pinto ay agad na tumagos palabas ng pintuan ang ilaw mula sa loob ng klinika. Iyon lang sa mga oras na iyon na kumpirma ni Dr. Mallari na bata talaga ang nakahandusay sa harap ng pintuan niya. Tiningnan niya ito ng maigi. Maliban sa sobrang dumi ay kapansin-pansin na wala itong mga kamay at paa. Kung hindi lang napansin ni Dr. Mallari ang mahinang taas-baba ng dibdib nito ay iisipin niyang isang bangkay ito. Nakahinga siya ng maluwag. Akala talaga niya ay multo ito, tao lang pala. Nagmukha tuloy siyang engot kanina. Mabuti na lang talaga na gabi ngayon at lahat ng mga tao sa mga oras na ito ay mahimbing na natutulog.   Napapailing na lamang siya at hindi nag-alinlangan na kargahin ang bata at dinala sa loob ng klinika.   NAPUTOL ang mahimbing tulog ni Kalena nang may narinig siyang kakaibang tunog sa paligid. Umungol siya sa inis nang magising siya sa ingay. Gusto pa niyang magpatuloy na matulog, ngunit hindi niya magawa dahil sa ingay. May binili bang alarm clock si mommy? Masyado yatang malakas para sa isang alarm clock. Nakapikit ang mga mata at sinubukan niyang kapain ang mesa upang patayin ang alarm clock, pero hindi niya naramdaman ang kamay niya. Biglang idinilat niya ang kanyang mga mata at dumako sa parte ng kaliwang balikat niya. Walang laman ang manggas niya. Kakagising palang niya kanina at medyo lutang ang isipan niya. Parang do’n lang naging malinaw ang isipan ni Kalena at bumalik sa kanyang alaala ang nangyari nitong nakaraang ilang linggo sa loob ng madilim na kwarto. Sobrang dismiyado talaga ni Kalena na malaman na hindi pala siya nanaginip. Totoo talaga na isa na siya ngayon disable. Nakaalis siya sa wakas sa loob ng bahay na iyon nang gabing nagkaroon ng blood moon, pero dahil sa pagod at may kung anong puwersa na hilahin siya ng antok. At sumunod na mangyari pagkatapos ng matulog siya? Bakas sa mga mata niya ang pagkalito sa mga oras na iyon. Maya’t maya ay biglang napagtanto niya na may kakaiba sa paligid niya. Nagsumikap siya na bumangon sa mula kinahigaan niya at inilibot ang paningin sa paligid. She eluded an accurate count of how many dying days she had been stuck inside that dark room. All the desperate effort Kalena had achieved merely to get out of that dreary room was completely paid off, but what’s this? This is not the room she’s familiar with. Hindi gano’n kalaki ang kwarto na ito at lahat ng mga kagamitan na nandito sa loob ay organisado at malinis kaysa sa lugar kung saan siya nakakulong ng napakatagal. The latter thing Kalena accurately recalled was merely when she had fallen asleep amidst the road towards the principal gate. Aside from this, Kalena undoubtedly possessed no other memory after she fell asleep. Therefore, right now, Kalena is confused about why she’s here. Ngayon lang din napansin ni Kalena na iba ang suot niya. Malinis at komportable ang damit na suot niya ngayon kahit na pinaglumaan na `yon. Hindi rin siya marumi o mabaho dahil sa tagal na niyang hindi siya naliligo kagaya noon. May tao ba na nagkataon na napadaan sa lugar na pinanggalingan niya at nakita siya? Maliban sa rason na ito ay wala siyang ibang maisip na magandang sagot sa katanungan niya. Napahinto si Kalina mula sa malalim na pag-iisip nang may narinig siyang nagtatalo sa labas ng pinto. Malabo na maintindihan niya kung anong pinagtatalunan ng dalawang tao dahil sa sobrang lakas ng ingay sa labas. Napasulyap si Kalena sa labas ng bentana at nakitang madaling araw pa. Kay aga-aga nambubulahaw sila ng ibang tao, reklamo ni Kalena sa isipan. Inalis niya ang kanyang tingin mula sa bentana at dumako sa kakabukas lang na pinto. Pumasok sa loob ang isang matangkad na lalaking foreigner. The person who only just enters the room is remarkably a good-looking man in his early thirty with his dirty blonde hair was neatly comb. He was typically wearing reading glass and ordinary clothes. Behind him, there was an attractive woman standing and looks as if mad on something. Ohmygerd. Ang gwapo at ang ganda nilang dalawa. Mga artista ang mga ito? Daig pa nila si Kate Winslet at Leonard DiCarpio sa titanic na napanood niya noon sa sobrang ganda at gwapo! Ang maliit na ngiti na sumilay sa ngiti niya pero biglang tumabingi ngiti niyang iyon nang mapansin siya ng magandang babae na nakatingin siya rito at inirapan siya. Suplada naman. Pero gayunman ay hindi siya nainis sa ginawa nito. Siguro kahit siya kung may nakatitig rito ng matagal ay maiinis rin.  Napansin ni Kalena na balak sana nitong umalis agad, pero mukhang may naalala itong isang bagay. Kinausap muna nito ang lalaki bago umalis. “Norbirto Ligayu Mallari, pag-isipan mo nang mabuti ang desisyon mo.” Matapos nitong sabihin iyon ay saglit na sinulyapan siya nito bago tuluyang umalis. Naguguluhan naman si Kalena sa nangyari. Ba’t gano’n na lang ito makatingin sa kanya? May ginawa ba siyang hindi nito nagustuhan? Pero teka, ano bang klaseng lengwahe ang ginagamit nila? Ngayon lang niya narinig ang ganitong klaseng lengwahe, pero ang laking pinagtaka ni Kalena ay kung bakit naintindihan niya ang mga sinasabi nito na para bang pinag-aralan na niya iyon simula pa pagkabata.   Hindi naman siguro isa ito sa kakaibang kakayahan na meron siya ngayon, `no? Hindi na nga siya nakaramdam ng… Before she could finish, she suddenly heard a grumble emitting in her stomach indicating that she was hungry. If it weren’t for the fact, Kalena has no hands right, she would probably unconsciously stroke her stomach. Her face instantly flashes bafflement. How could this be? Until now, she hasn’t experienced hunger for these past few weeks or for who knows how long she had been stuck inside in that dreary room. Why now of all the sudden she feel starving and dehydrated? Pakiramdam tuloy niya ay naghalusinasyon siya noon kung hindi lang nakita niya ang kalagayan niya ngayon. “Gising ka na pala.” Nakangiting sabi ng matangkad na lalaki sa kanya matapos inalis ang tingin mula sa labas ng pintuan at bumaling sa kanya. Gustuhin man niya tanungin ang lalaking ito kung ito ba ang nagligtas sa kanya ay hindi niya magawa. Isa siya ngayon. “Naku, hindi mo kailangan matakot. Wala akong masamang binabalak sa`yo. Nakita kasi kita noong nakaraang gabi na walang malay na nakahandusay sa harap ng pintuan ng klinika ko kaya pinasok kita rito at ginamot. Ako nga pala si Norbirto Ligayu Mallari. Isa akong doktor dito sa maliit na komunidad ng oekenwich. Ikaw, anong pangalan mo, bata?” Medyo naguguluhan si Kalena nang marinig niya ang sinabi ng matangkad na lalaking nagngangalang Norbirto Ligayu Mallari. Isa pala itong doktor. Ano ba itong pinagsasabi ng gwapong doktor? Paano nangyaring nasa harap siya ng pintuan ng klinika nito? Pero ang isa pa na mas lalong ikinalito ni Kalena ay ang pagtawag nito sa kanya. Teka, tama ba ang narinig niyang tinawag siyang bata? Kahit na mas matanda ito sa kanya ng ilang taon, pero dalawangpu’t apat na taong gulang na siya at hindi nababagay sa kanya na tawagin siya nito na bata. Napabuga na lang si Kalena ng malalim na hininga. Nagsimula na rin siya nakaramdam ng pagkahilo at kung anu-ano na ang naririnig niya. Siguro gutom lang `to. Kailangan na talaga niyang kumain, sobrang nagugutom na siya. Parang kinukutkot ng mga alaga niya sa tiyan ang bituka niya sa sakit. It was unconfortable yet for some reason feel relief. Siguro kaya ganito ang pakiramdam niya ngayon dahil nagpapaalala iyon sa kanya na isa siyang normal na tao at hindi isang multo na nakakulong sa madilim na kuwarto. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD