MAS INIANGAT niya ang kanyang mukha para tingnan si Dr. Mallari. Marahas na umiling siya at binuka niya ang kanyang bibig upang ipakita sa doktor na wala siyang dila para ipaalam rito na imposible na makapagsalita siya.
Nang napansin nito na wala siyang dila ay nagkasalubong ang kilay nito. “Naku, sinong walang puso ang gumawa nito sa`yo?” Hindi makaniwala na tiningnan nito ang bibig niya, pero saglit lang nito iyon tiningnan. Matapos nitong tingnan ay inalis nito ang tingin sa loob ng bibig niya. Hindi dahil sa nandidiri ito o ano pa man.
Dumilim ang anyang mga mata na marinig ang tanong na iyon. Sino pa ba ang may kagagawan nito? Eh di ang kanyang walanghiyang pinsan! Humanda ang babaeng iyon, kapag nakauwi siya ay lintik lang na walang ganti.
“Sigurado ako na gutom ka na ngayon, lalo na’t ilang araw kang walang malay. Bago ko suriin ang mga sugat mo ay kumain ka muna ng almusal.”
Naputol ang pag-iisip niya tungkol sa paghihiganti ng marinig niya ang almusal. Kumislap ang kanyang mga mata at mabilis na tumango upang ipahiwatig sa doktor na gutom na gutom siya. Pero agad din na naglaho at nagtataka na tiningnan ang mga kamay nito.
Wala itong bitbit na pagkain.
Napansin yata nito, pero gayunman ay hindi ito nagsalita at humakbang ito palapit sa kanya.
Grabe naman naman itong si kuya. Kita na nga gutom tas lapit ng lapit at hindi man lang naisipan na dalhan siyang pagkain. Nagtataka si Kalena sa kinikilos ng doktor. Ano naman ang binabalak nito? Nang makalapit si Dr. Mallari kay Kalena ay iniangat nito ang kamay at inilapit sa gilid ng tainga niya.
Mas lalong nadagdagan ang pagtataka niya. Umakto ito na parang may kinuha sa likod ng tainga niya bago binawi ang kamay. Sa gilid ng paningin niya ay biglang napansin niya na meron itong hawak. Nang tuluyan ng tumambad sa kanyang paningin ang buong anyo ng bagay na hawak nito. Ang galing! Magic! Paano nito nagagawa iyon? Hindi lang pala ito doktor, puwede na rin pala ito maging magician. Pero, teka lang, ha? Guni-guni lang ba niya, ba’t pakiramdam niya na tinatrato ba siya nito na parang bata? Mabilis rin na pinalis ni Kalena ang isipan na iyon dahil nakatuon ang kanyang atensyon sa hawak nito.
Ang hugis niyon ay katulad ng carambola na pero ang kaibahan ng dalawa ay ang hawak nito ay kulay light blue.
Medyo nagkasalubong ang dalawang kilay niya habang tinitigan ang hawak nitong carambola bago ibinalik ang tingin sa doktor. Tama ba ang hinala niya na gusto siya nitong pakainin nitong kakaibang kulay na carambola?
Ito ba ang ipapakain sa kanya ng doktor? Hindi sa nagrereklamo siya sa binigay nitong pagkain, ang totoo nga niyan ay nagpapasalamat nga siya rito dahil napakalaki ng tinulong nito sa kanya. Ang hindi niya maintindihan ay kung bakit kinulayan nito ang carambola at higit sa lahat, sa tingin ba nito ay mabubusog siya sa isa lang pirasong carambola?
“Hindi mo ba nagustuhan itong prutas na ito? Narinig ko na paboritong kainin ito ng mga bata.”
Mas lalong naningkit ang mga mata ni Kalena nang marinig `yon. Anong problema ng lalaking ito? Bata? Literal na bata talaga ang turing nito sa kanya? Bakit?!
Pigil na paikutan niya ito ng mga mata. Saan parte ng katawan niya ang bata sa paningin nito? Maalala palang ni Kalena ang sitwasyon niya ay mas lalong sumama ang loob niya, pero mabilis din naman na pinilig ang kanyang ulo upang alisin sa isipan niya iyon. Nag-angat siya ng tingin at tinitigan ang prutas na nasa harap niya. Kahit na siguro hindi siya nasiyahan sa almusal ay kailangan pa rin niya kumain.
Wala siyang kamay, kaya tanging magawa lang niya ngayon ay kagatin iyon ng direkta habang hawak ni Dr. Mallari ang prutas na iyon. Sa totoo lang, nakaramdam talaga siya ng sobrang hiya dahil kailangan pa niya’ng tulong para lang makakain, pero kailangan niyang kapalan ang kanyang mukha kung gusto niyang hindi mamatay sa gutom.
Tahimik na nginunguya na lang ni Kalena ang kanyang pagkain.
Nang matikman niya sa kauna-unahan ang prutas na ito ay biglang nagningning ang kanyang mga mata. Ang sarap! Pero hindi ba’t carambola ito? Bakit ganito ang lasa ng prutas na ito? Lasang kagaya ng manga pero mas makatas at matamis pero hindi rin nagtagal ay biglang natigilan si Kalena nang may napagtanto itong kakaiba.
Paano niya nalalasahan ang pagkain na ito kung wala siyang dila? Bumakas mula sa kanyang mukha ang pagtataka. Gayunman, agad rin naman napalis sa isipan niya ang tungkol doon. Ano pa ba ang makapagtaka do’n? kaya nga niyamg mabuhay noon ng napakatagal na hindi kumakain at uminom ng tubig, ito pa kaya? Isa ba ito sa abilidad niya? Kung gano’n, walang kuwenta. Mas nanaisin pa rin niya na ibalik niya ang kanyang dila para makapagsalita ulit siya. Isipin palang ang sitwasyon niyang iyon ay hindi niya mapigilan na makaramdam ng sama ng loob. Nagpakawala siyang ng buntong hininga. Agad na ipinilig niya ang kanyang ulo para itapon sa kasuluk-sulukan ng isipan niya ang tungkol do’n.
Anyway, think in a brighter side, kahit na hindi siya makapagsalita, nalalasahan pa rin niya ang pagkain. With this thought, kahit paano gumaan ang loob ni Kalena.
Gusto niyang kumain ulit ng prutas na mukhang carambola. Hindi naman kalakihan ang prutas na ito kaya mabilis na naubos niya. Nais niya na humingi pa ng isa pang prutas, pero hindi hindi niya ginawa nang mapagtanto niya na tila puno ang kanyang tiyan na para bang napakadami na niyang nakain kanina kahit isang piraso lang na prutas ang kainain niya.
Makitang maganang kumain si Kalena ay nakahinga ng maluwag si Dr. Mallari.
“Mabuti naman at nagustuhan mo ang sanguine berry.”
Sanguine berry? Never heard of this kind of fruit before. Siguro ay isa `yong wild berry na dito lang sa lugar na ito tumutubo ang ganitong klaseng prutas. Wala siyang gaanong alam sa mga prutas kaya hindi naging mausisa si Kalena tungkol sa prutas na ngayon lang niya nakita o narinig ang pangalan. Gayunman, medyo nahihiwagaan pa rin siya sa prutas na ito. Isang piraso lang ay busog na. Sana lahat ng mundo ay may ganitong prutas para walang taong namomoblema kapag nagutom.
Siyempre, hindi rin naman naalis ang posibilidad na ang kanyang katawan ang may problema kaya gano’n pero nang makita ni Kalena na hindi ulit ito nag-alok ng makakaain, sa tingin niya na alam nito ang epekto ng sanguine berry.
Maya’t maya ay nagsimulang ineksamin si Kalena nang doktor matapos niyang kumain. Mas nakatuon ito sa balat niya. Kahit na siguro hirap na tingnan ni Kalena ang sarili ay batid pa rin niya na hindi siya maganda tingnan ngayon. Maraming paltos at pantal ang buong katawan niya. Ramdam na ramdam rin niya ang pamamaga niyon.
Marami itong tanong sa kanya, pero dahil nga hindi siya makapagsalita ay tanging magagawa lang niya sa mga oras na iyon ay tango at iling lang. Madami man itong katanungan sa kanya, pero may mga ilang partikular na tanong ito na pumukaw sa interes niya.
“Nakaramdam ka ba ng pangangati o di kaya’y sakit sa buong balat mo?”