HIGIT SA LAHAT bata pa! Sino kayang walang awang tao na itapon ito do’n sa lumang bahay hangang sa mamatay?
Ngunit dahil wala siyang makuhang sagot tungkol do’n ay pinili niyang pansamantalang isantabi iyon.
“Pasensya ka na, wala akong maitulong tungkol diyan. Gayung binigyan ka ng Poong Maykapal ay huwag mong sayangin ang pagkakataon an binigay sa`yo ng Diyos.”
Pinili na lamang ni Kalena manahimik nang marinig iyon.
Tila may pait na naramdaman nang marinig iyon. Kung totoo na patay na siya sa ibang mundo, then imposible siyang makakabalik? Kahit na makabalik siya sa mundo niya ay siguro kaluluwa na lang siya.
Maya’t maya ay muling nagsalita siya.
“Binigyan nga ako ng pagkakataon pero tingnan mo naman ang hitsura ko.” Nagpakawala siya ng malalim na buntong hininga matapos niyang sabihin iyon kay Neon. “Huwag mo rin sabihin na mayroon manggagamot na salamangkero ang makakatulong sa akin.”
Walang libre sa panahon ngayon, lalo na’t ang mundong ito ay kagaya rin sa mundo niya na moderno rin. Iyon nga lang ay hindi alam ni Kalena kung gaano kalawak ang industriyalisado ang mundong ito.
Hindi agad na nakapagsalita si Neon at tila nahulog ito sa malalim na pag-iisip.
Upon seeing this scene, she feels a pang of guilt.
Bumuntong hininga siya bago nagsalita ulit.
“Huwag na nga natin pag-usapan `to. Nakaka-depress lang.”
“Ah!”
Napapitlag naman siya nang biglang narinig niyang napasigaw ito. Pero bago pa siya makapagsalita para tanungin ito ay biglang narinig niya ang yabag sa labas.
“Naku, bumalik na naman iyong doktor. Mamaya na ulit tayo mag-usap. Alis muna ako!”
Napatango na lang siya. Hindi nga maganda na makita ito ng doktor.
Mabilis ang kilos nito kaya bago pa bumukas ang pintuan ay tumakbo na ito sa bukas na bintana para makalabas. Iniwan si Kalena rito na nakaupo sa sahig.
“NAKU, anong ginagawa mo diyan?” Gulat na tanong ng gwapong doktor kay Kalena nang madatnan nitong nasa sahig siya.
Siyempre, kahit na nais niyang sagutin ito ay hindi ito kagaya ni Neon na may kakayahan na makarinig ng isipan. Tanging nagawa lang niya ay magmaangan rito.
Mabilis na lumapit ang doktor sa kanya at walang anuman na binuhat siya at marahang binalik sa kama niya.
Gayunman, nakaramdam pa rin ng hiya si Kalena.
Kailan ba siya no’ng huling kinarga siya?
Napakabata pa niya noon no’ng huling kinarga siya ng kanyang ama. Kahit na naging bata ulit siya, hindi ibig sabihin niyon na okay lang sa kanya!
Hindi gano’n kakapal ang mukha niya para hayaan—lalo na ang hindi pamilyar na tao sa kanya na kargahin siya.
Subalit hindi rin nagtagal ang hiya na iyon. Biglang napangiwi ang ekspresyon niya nang biglang inatake na naman siya ng hapdi ng balat. Hindi iyon kasing tindi ng hapdi na naramdaman niya noon no’ng nasa loob pa siya ng madilim na kuwarto pero mahapdi pa rin iyon at tila nginangatngat na naman siya ng langgam.
Napaungol ulit siya sa sakit.
Anong nangyayari? Ayos na ang lahat, di ba? Bakit nakaramdam ulit siya ng sobrang hapdi sa balat?
Nagsimulang nag-panic si Kalena.
Mas matindi kasi ang sakit sa parte ng katawan niya kung saan hinawakan ng doktor. Parang pinunit ang balat niya.
Nagsimulang nangingilid ang mga luha niya sa sobrang sakit.
Nang napagtanto ng doktor iyon ay biglang lumarawan sa mukha nito ang pag-alala.
“Naku po, pasensya ka na!” Biglang nataranta naman si Dr. Mallari nang makitang nasaktan siya. Bakit b anito nakalimutan ang sitwasyon ng batang babae na `to?
Kahit gaano pa pagsisi sa ginawa ang doktor ay wala rin silbi.
Mabilis na umaksyon naman ito.
Sa tindi ng pamimilipit niya sa sakit ay hindi alam ni Kalena kung anong ginawa ng doktor sa kanya at kung ano `yong bagay na sapilitan siyang pakainin iyon pero nang malunok niya iyon ay kahit paano ay naibsan ang sakit na naramdaman niya.
“Pasensya ka na kanina, ha. Alam ko na hindi magandang dahilan ito pero ngayon lang kasi ako nakaikuwentro ng taong mayroong karamdaman na epidermolysis bullosa. Ang tabletas na pinakain ko sa`yo kanina ay pansamantalang supilin ang sakit na naramdaman mo.”
Nanghihina man si Kalena pero malinaw na narinig niya ang sinabi ng doktor sa kanya.
Alam ni Kalena na isa lamang aksidente ang nangyari kanina, kaya hindi niya iyon dinibdib. Isa paano niya magawang magalit sa taong tumulong sa kanya?
Pero ang nakakuha ng atensyon niya ay ang sinabi nito. Nagtataka na tiningnan niya ang doktor. Agad naman na napansin nito ang mausisa niyang mga mata na nakatingin rito.
“Hindi mo siguro alam pero ang karamdaman mo ay ngayon ay isang bihirang sakit na nagdudulot ng marupok at paltos sa balat. Ang batang pinanganak na ganitong klaseng karamdaman ay tinatawag naming mga paruparong bata dahil kasing rupok sila ng pakpak ng paruparo.”
Mas lalong nanghihina si Kalena nang marinig niya iyon. Walang kaalaman si Kalena sa panggagamot pero kahit paano ay aware rin siya sa gano’n klaseng sakit pero hindi niya inaasahan na mararanasan niya ang ganitong sakit!
Alam rin niya kung gaano kagastos para lang sa treatment ng ganitong klaseng sakit. Hindi nga lang niya alam kung sa mundong ito ay may gamot.
Ito ba ang dahilan kaya iniwan ng mga tao ang orihinal na nagmay-ari sa abandonadong mansion? Isipin palang niya iyon ay nakaramdam ng kirot sa puso si Kalena. She felt broken-hearted for this kid who was abandoned by her cruel and ruthless parents and died alone in that dreary room.
“Pero hindi mo kailangan mag-alala, kahit na hindi gaanong industrilyado ang ating bansa ay hindi naman tayo pahuhuli kung medisina ang pag-uusapan natin.”
Hindi alam ni Kalena kung gusto lang ba siya aluin nito upang hindi malungkot. Pero sa mga oras na iyon ay walang pakialam si Kalena.
Masyadong depressed siya ngayon.
Hindi na nga niya katawan `tong ginagamit niya, tas baldado pa siya. Ang mundong ginagalawan niya ngayon ay hindi ang mundong kinagisnan niya. Imposible nang makita niya muli ang kanyang pamilya.
Pero anong magagawa niya? Muling ang tanong na ito ang pumasok sa isipan niya. Wala. Iyon pa rin ang sagot niya.
Kagaya ng sinabi ni Neon, tanggapin na lamang niya ang nangyari sa kanya pero alam niya sa kaloob-looban niyang mahirap iyon.
Sa ngayon, kailangan niyang ituon ang atensyon kung paano mabuhay sa mundong ito.
Nagpakawala na lang si Kalena ng malalim na buntong hininga, saka binalik ang atensyon sa batang doktor.
Siguro dahil bata siya ay hindi na nagpatuloy na magpaliwanag ang doktor sa kanyang kondisyon sapagkat iniisip nitong mahirap para sa kanya na intindihin iyon kahit na mali ito ng inaakala.
Bago muli itong umalis sa kanyang kuwarto ay tsinek muna niya ang kondisyon niya. Nang inangat nito ang t-shirt niya ay kahit na nag-alangan si Kalena ay hinayaan niya.
Anong pinaglalaban niya? Bata siya ngayon. Walang magandang tingnan!
Siyempre, tiningnan lang nito ay ang gilid niya kung saan hinawakan siya nito para kargahin.
Nang makita nito ang gilid niya ay napansin ni Kalena ang malaking pagbabago ng ekspresyon ng doktor. Nagtaka siya at nang magbaba siya ng tingin ay do’n niya napansin ang malaking pasa sa gilid.
Kapansin-pansin rin sa ibang parte ng pasa ay tila natanggal ang balat niya.
Sa ngayon ay walang gaanong naramdaman na sakit si Kalena dahil sa epekto ng gamot na pinakain sa kanya ng doktor.
Horrible!
No wonder she feels sa painful. Ano pa kaya ang hitsura niya noong nasa loob siya ng madilim na kuwarto noon?
Although she feels weird at that time kung bakit wala siyang gaano katinding pasa o sugat pero hula niya ay may kinalaman ang pulang buwan kagabi.