Chapter 11
NAGLALABAS ng kakaibang enerhiya ang liwanag ang pulang buwan sa kanya. Naalala pa niya na sobrang komportable niyon na dahilan para maibsan ang sakit na naramdaman niya nang gabing iyon.
Matapos madiskubre ang pasa at sugat niya sa gilid ay agad na ginamot iyon ng doktor. Maingat itong naglagay ng ointment sa kanya at pagkatapos niyon ay muling nagpaalam ito sa kanya.
Siniguro nito na komportable at maayos ang kondisyon niya bago umalis ito sa kuwarto.
Inalis niya ang kanyang mga mata sa nakasarang pintuan at tinitigan ang kisame. Dahil wala siyang magawa ay tanging ginawa na lamang niya ay magmunimuni.
Ilang sandali ay sumagi sa isipan niya ang imahe ng puting ferret kanina. Luminga siya sa direksyon ng bintana at tumingin sa labas.
Draessutora…
Naalala niya ang sinabi ni Neon na ang mundong ito ay tinatawag na Draessutora at ang lugar na kinaroonan nila ay tinatawag na scarlet domain, isa iyon sa kilalang kontinente ng Draessutora. Napakapamilyar sa kanya ang salitang iyon pero hindi niya matandaan kung saan niya narinig iyon.
“Wala na siya?”
Naputol ang pagmunimuni ni Kalena nang marinig niya ang pamilyar ng munting ferret. Dumako ang paningin ni Kalena sa ibabang bahagi ng bintana at nakita niya ang ulo na nakadungaw sa kanya.
“Oo. Umalis na siya kaninan pa. Huwag kang mag-alala, sigurado akong matagal iyon babalik.”
Sa hitsura palang ng doktor na iyon ay sigurado siyang may importanteng trabaho itong inaasikaso ngayon kaya siguro siya na hindi ito babalik agad rito.
“Mabuti naman.” Mahinang anas nito. Pagkatapos niyon ay hindi ito agad na pumasok sa loob ng kuwarto niya.
Ikiniling ni Kalena ang kanyang ulo at lumarawan sa kanyang maliit na mukha ang pagtataka nang makita itong bumaba. Hindi niya alam kung anong ginagawa nito sa labas pero hindi rin nagtagal ay nakita niya ulit na dumungaw ang ulo nito at may dala itong isang pulang kristal na kasing laki lang siguro ng hinlalaki niya.
Mabilis na tumakbo ito palapit sa kanya at wlang kahirap-hirap na umakyat ito sa kama. Huminto si Neon sa tabi niya at tinaas nito ang maliit nitong kamay para ipakita ang dala nitong pulang kristal.
“Oh, kainin mo ito.”
“Iyan?” Hindi makapaniwalang tiningnan niya ito. “Gusto mo na kainin ko ang pulang kristal na `yan? Gusto mo ba akong mamatay?” Hindi nga siya mamatay dahil sa kapansanan o karamdaman niya pero mamatay yata siya kapag kinain niya ito.
After Neon heard her questioning, he couldn’t help but look at her in contempt. “Hindi ka mabibilaukan nito kapag kinain mo ito.”
“Ano ba kasi iyan?” wala pa rin siyang tiwala. Pasensya na, hind isa wala siyang tiwala kay Neon pero mahirap kasing paniwalaan na makakain ang hawak nito. “Candy ba `yan?”
“Hindi ito candy. Hindi ko alam kung ano iyon. Bilisan mo na, baka magbago ang isipan ko.”
“Hindi mo pa nasasabi sa `kin para saan itong kristal.”
“Ang kristal na `yan ay may kakayahan na gamutin ka.” Inilapit nito ang pulang kristal sa bibig niya.
Nang marinig niya iyon ay noong una ay nagdalawang isip siya pero nang maalala niya ang karamdaman niya ay hindi niya maiwasan na magkaroon ng pag-asa. Kahit na medyo nakaramdam siya ng takot, pero for the sake na gumaling kahit sa karamdaman man lang niya ay susubukan niya.
Hindi sa wala siyang tiwala sa puting ferret na ito, pero sa mga unknown na bagay ay hindi talaga maiwasan na kabahan. After all, sariwa pa kay Kalena ang insidenteng iyon.
Gayunman, she wanted to take a risk. Ano ba ang mawawala sa kanya? Big deal, wala rin naman silbi ang buhay niya ngayon.
Binukan niya ang bibig nang isinubo sa kanya ang pulang kristal. Nang pumasok na iyon sa kanyang bibig ay naramdaman niyang unti-unti iyon natutunaw sa loob. Kasabay niyon ay naramamdan ni Kalena ang pamilyar na enerhiya na pumasok sa kanyang katawan. It was comfortable. Kung hindi siya nagkakamali, ang enerhiya na `to ay kagaya ng enerhiya na nakuha niya pulang buwan noon.
Nagningning ang mga mata niya mula sa pagkamangha. Nang sinulyapan niya ulit si Neon ay nakita niya ang pagkalito nito.
“Ang weird. Dapat magkaroon ka ng paa, dila o di kaya’y kamay. Wala bang bisa sa`yo ang pulang kristal? Dahil ba hindi iyon kataasang kalidad kaya imposible na gumaling ka?”
Umiling si Kalena sa sinabi nito. She quickly refuted him. ‘Mali ka. Epektibo ito. Siguro mas inuna pagalingin ang karamdaman ko kaysa sa bumalik ang mga parte ng katawan ko.’
“Ay, gano’n?”
“Oo.”
Pagkarinig ni Neon niyon ay nakahinga ito ng maluwag. “Mabuti naman. Akala ko ay may depekto sa pulang kristal.”
“Marami maraming salamat talaga! Ang bait mo. Malaking tulong sa akin ang pulang kristal. Hindi ko alam kung paano kita babayaran.”
“Ah, wala iyon…” biglang kumislap ang mga mata nito at nag-alinlangan na tingnan ito.
Sa sobrang lapit nito sa kanya, paano niya hindi mapansin angkakaibang reaksyon matapos niyang pasalamatan ito. Dahil din do’n ay biglang napalis ang ngiti niya sa labi at nagtataka na tiningnan niya ito.
“Ah, may gusto ka bang makuha mula sa akin kapalit ang pagtulong mo?”
Bumakas sa mga mata nito ang guilt na dahilan para makumpirma niya ang hinala.
“Pasensya na.” Hinawakan nito ang buntot nito at dahil hindi ito mapakali ay hinihimas nito iyon para kalmahin ang sarili.
“Sinasabi ko na nga ba. Walang libre sa mundong ito.” Kalmadong wika ni Kalena pero hindi siya nakaramdam ng inis o galit nang matuklasan niyang may motibo pala ito sa pagtulong sa kanya.
Nataranta naman si Neon. “H-huwag kang magalit! May dahilan naman ako kaya ginawa ko ito, eh.”
Amused na tiningnan ni Kalena ang puting ferret. Ang cute nito. Paano niya magawang magalit rito?
She has no right to do so. Without this little guy, she probably would have stuck in that place and had a hard time seeking someone to save her. Worst of that, her disease once again struck her once that strange energy dispersed on her grotesque body.
“Hindi ako galit.”
“Talaga?”
“Oo nga sabi, eh.” Pinaikutan niya ito ng mga mata. “Wala rin akong karapatan na magalit sa`yo. May motibo ka man o wala, kung hindi dahil sa`yo ay baka nando’n pa rin ako sa abandonadong bahay. Ano ba ang kailangan mo sa akin?”
His round ears perk up, binuka nito ang maliit nitong bibig pero agad ring sinara. “Huwag na lang. Sa kondisyon mo ay sa tingin ko ay imposible na magawa mo iyon.”
“Paano mo naman malalaman na hindi ko kaya?”
Napakamot ito. Nagdalawang isip man ito pero nang sinulyapan nito ang determinadong mga mata ni Kalena na nakatitig sa kanya ay humugot muna ito ng malalim na hininga. “Gusto sana kitang kunin na maging mandirigma.”
Siya naman ay natameme nang marinig ang sinabi ng puting ferret.
Nang makita nito ang reaksyon niya ay medyo frustrated ito.
“Kagabi kasi, may nag-udyok sa akin na puntahan ang luma at abandonadong malaking bahay na iyon dahil makikita ko raw ang nakatakda doon. Ikaw iyon.”