Chapter 3

1250 Words
MARAMING katanungan sa isipan ni Kalena. Kung multo siya, bakit nakaramdam parin siya ng sakit? Posible ba na makaramdam ng sakit ang mga multo? Pero kung posible na makaramdam siya ng sakit, bakit hindi siya lumulutang o tumatagos sa isang bagay na kagaya ng ginagawa ng mga multo sa mga movie na napanood niya? Natutuliro siya nang isipin niya iyon at hangang ngayon ay hindi parin niya maintindihan ang nangyayari sa kanya. Is it possible that those lunatic did something to her body? However, she was not a very least happy about this. If death in starvation is impossible for her, how will she end this misery? Isipin palang niya iyon ay marahas na naipilig niya ang kanyang ulo. Naku, ba’t naisip niya mamamatay? Hindi siya pwedeng mamamatay. Kung mamamatay lang din naman siya, mas makakabuti na isama niya ang mga hinayupak na iyon. Nang gabing iyon ay nagsimulang mag-isip nang gagawin si Kalena kung paano siya makaalis sa kwartong ito. Habang nag-iisip ay biglang natigilan siya nang mapansin niya ang pulang sinag ng buwan mula sa bintana na tumama sa kanya. Pula? Blood moon ba ngayon? Nagtataka na tumingin siya sa bintana. Mula dito sa kinahihigaan ni Kalena ay natatanaw niya sa kalangitan ang pulang buwan. Masyadong malaki iyon kesa sa normal na laki ng buwan na nakikita niya noon. Dahil do’n ay hindi niya maiwasan na nakaramdam ng nerbyos. Subalit hindi rin nagtagal ay naglaho ang kaba niya nang naramdaman niya biglang gumaan ang pakiramdam niya. Ang kanina na parang nginangatngat ang kanyang balat ay unti-unting naglaho. Anong nangyari? Bumadha sa mukha ni Kalena ang pagtataka. Sinubukan niyang tumihaya at sa `laking gulat niya ay wala siyang naramdaman na sakit. Hindi kagaya noon na kapag tumihaya siya o gumapang ay parati nginangatngat iyong balat niya sa tuwing dumadaiti sa sahig ang kanyang balat. Napasulyap ulit si Kalena sa pulang buwan. Posible kaya na ito ang dahilan kaya magaan ang pakiramdam niya at naglaho ang sakit sa balat niya? Biglang umaliwas ang mukha ni Kalena. Kung gano’n sana habang buhay na meron blood moon. Pero alam ni Kalena na imposible iyon, kaya naman naisipan niya na isagawa ang balak niya sa gabing iyon. Base sa obserbasyon niya noon, mukhang nasa second floor itong kwarto niya. Sa tingin niya ay imposible na makakaalis siya sa kwartong ito sa pamamagitan ng pagtalon mula sa bintana. Baka kesa makaalis ng ligtas dito ay baka sa langit ang kahahantungan niya. The best way to get out of her is to use the door. Napasulyap siya sa pintuan. Ni minsan ay hindi sumagi sa isipan niya na buksan ang pintuan. Noong una ay sa takot nab aka nandito pa ang mga hinayupak sa bahay pero sa ilang araw na nagdaan ay wala siyang nakita ni anino ng mga ito dito. Ibig sabihin ay wala ang mga ito dito sa bahay at wala din balak ang mga ito na bumalik rito. Ang pangalawang dahilan naman, kahit na may paraan siyang mabuksan ang pintuan ay imposible parin niya magawa dahil sa sakit na dinudulot sa tuwing gumagalaw siya. Ngayon wala siyang suliranin sa paggalaw ay mabilis siyang gumapang patungo doon. Kinuha niya ang walis gamit ang kanyang bibig. Mabuti na lamang at lumang klase ng door handle ang ginamit dito sa pintuan at hindi naka-lock kaya nang maipasok niya sa sentro sa loob ng door handle ay ginamit niya ang buong lakas para hilain ang pintuan. Nang tuluyan na nabuksan niya ang pintuan ay agad siyang natumba nang mawalan siya ng balanse. Napaigik siya sa sakit ng mabagok ang ulo niya sa sahig. Pero binale wala na lang niya iyon at saka mabilis na lumabas siya. Paglabas niya nang kwarto ay tumambad sa kanya ang maalikabok napasilyo. Napangiwi siya. Gayunman, mabilis na ipinilig niya ang ulo. Ano pa ba ang kinadiri niya? Eh siya nga ay higit pa sa isang buwan ay hindi naliligo. Ano pa ba ang pinag-aarte niya? Agad na kumaripas si Kalena patungo sa hagdan at saka maingat na bumaba siya upang hindi siya mahulog. Nang makababa siya ay hindi na niya inalintana na mas lalong naging madungis siya, dumeretso siya lumabas ng bahay. “Ahhh!!!” Sa wakas!!! Napangisi si Kalena nang sa wakas ay nakalabas siya sa bintana. Humihingal na huminto siya sa gitna nang daan patungo sa tarangkahan. Ilang sandali nagpahinga muna siya para makahabol niya ang kanyang hininga at pati narin maligo sa pulang sinag ng buwan. Maliban kasi na nagdulot ang liwanag na ito nang kaginhawaan at alisin ang sakit ng kanyang katawan ay tila nagbibigay rin ito ng lakas. Tama, ngayon lang din niya napansin iyon nang gumapang siya ng mabilis para lang makalabas sa bahay. Napapikit siya ng mga mata. Sa ginawa niya ay hindi niya namalayan na napahiga siya sa lupa. “Haa…” Nagpakawala siya ng buntong hininga. Nang pumasok ang kakaibang enerhiya sa kanyang katawan ay hindi niya mapigilan ang sarili na lasapin iyon. Nagsimulang dumaloy sa buong katawan niya. Kasabay niyon ay tila hinihila siya ng antok. Gusto niyang manlaban ngunit wala siyang lakas na kalabanin ang antok hangang sa tuluyan na siyang nakatulog. ~**~ Sa isang bayan nang kagubatan ay matatagpuan ang isang maliit na komunidad. Sa ganitong oras ay lahat ng mga tao na nakatira dito ay maagang natulog. Wala kang makikitang tao na gumala ng mga oras na iyon. Tanging mga kuliglig at huni ng ibon ang maririnig sa kapaligiran. Sa labas ng komunidad ay may isang napakalaking puno na nakatirik doon. Malamyos na wumagayway ang mga dahon ng puno sa tuwing tumatama ang hangin niyon. Ilang sandali, ang mahinang hangin kanina ay bigla na lang lumakas na dahilan para maputol ang maliit na sanga ng puno at tinangay iyon patungo sa loob ng tree hole. Bang! Isang malakas na palahaw ng isang hayop ang maririnig sa loob nang pumasok ang sanga doon. Maya’t maya ay may isang maliit na pigura ang lumabas sa butas ng puno. Hawak ng maliit na kamay nito ang maliit na sanga. Walang anuman na tinapon iyon sa ibaba at umungot ito ng mahina na para bang nagreklamo ito dahil sa naistorbo ito sa masarap nitong tulog. Akmang babalik sana ito sa loob ng butas ng puno nang biglang umihip ng malakas na dahilan para muntik na itong matangay ng malakas na hangin. Mabuti na lang at kumapit ito sa puno ng mabuti para hindi ito matangay ng tuluyan. Napalabi ito bago tumingala sa kalangitan. Natigilan ito nang makita ang pulang buwan. Tinitigan ng maliit na nilalang ang malaking pulang buwan. Ilang minuto din nang tinitigan nito ang buwan bago nagsimula itong naglabas ng mahinang liwanag sa katawan, saka pagkatapos mawala ang liwanag na iyon ay luminga ito sa timog kung saan makikita ang malaking bundok. Mabilis itong bumaba at tumakbo patungo sa direksyon na iyon nang walang pag alinlangan. Hindi parin ito huminto sa pagtakbo nang makarating ito sa paanan ng bundok. Hangang sa pumasok ang maliit na nilalang sa masukal na kagubatan ay patuloy parin ito sa pagtakbo at walang senyales na titigil. Sinuong pa nito ang makitid na daan. Maya’t maya ay tuluyan na itong nakalabas sa masukal na gubat at bumungad sa paningin nito ang isang malaking mansion. Bumadha sa maliit nitong mukha ang pagtataka. Gayunman, tumungo parin siya sa direksyon ng mansion. Sa liit nito, walang kahirap-hirap na lumusot ito sa pagitan ng bakal ng tarangkahan. Matapos itong makalusot sa tarangkahan ay tumayo ito ng tuwid at nagsimulang kumibot ang maliit nitong ilong na para bang may inaamoy ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD