Chapter 2

1008 Words
SWOOSH! Isang malakas na hampas ng hangin ang dahilan para bahagyang bumukas ang bintana sa madilim na kwarto. Walang kabuhay-buhay ang mga mata na sinulyapan ni Kalena ang nakabukas na bintana. Bahagya siyang napapikit nang biglang tumama sa kanya ang sinag ng buwan na tumagos mula sa bintana. Hindi niya alam kung gaano siya katagal nanatili doon sa loob, pero sa mga oras na nakalipas ay parang nababaliw na siya. Hangang ngayon kasi ay hindi parin humuhupa ang kanyang sakit ng balat niya. Nang mabigyan ilaw ang kwarto niya ay ngayon lang niya nakita ang kabuuan ng kwartong ito. Malaki ang kwarto na ito at ang mga kagamitan dito ay puno ng alikabok na tila ba hindi pa nalilinisan ito ng ilang taon. Kaya pala amoy amag dito dahil tinapon pala siya ng mga ito sa abandonang bahay. Oo, iyon ang unang pumasok sa isipan niya. Isang abandonang bahay. Pero bakit iniwan siya ng mga ito? Akala ba ng mga ito ay patay na siya at sa tingin ng mga ito ay hindi siya worth it na ilibing o itapon man lang sa basurahan matapos patayin? Hindi masisi na isipin iyon ni Kalena. Kung ang ibang tao ang nasa sitwasyon niya ay baka iisipin din ng mga ito na mamamatay sila kapag makitang putol ang lahat ng braso at paa niya. Hindi maipaliwanag sa siyensya ang nangyari sa kanya. Kahit na siguro gaano kalakas ang concentration ng anesthesia na itinurok sa kanya para hindi siya makaramdam ng sakit ay imposible parin na hindi iyon maglalaho ang epekto at bumalik ang sakit. Pero sa tagal niya dito ay wala talaga siyang naramdaman na sakit, maliban sa hapdi ng balat na parang mapupunit na talaga. Pakiramdam tuloy niya ay inborn na sa kanya na wala siyang paa’t kamay. Humugot siya ng hininga at tumihaya siya. Malakas na napasinghap siya ng tumindi ang sakit ng balat niya nang ginawa niya iyon. Gayunman, ininda niya iyon at pinilit niya ang sarili na gumapag patungo sa bintana. Masyadong malaki ang kwarto na ito at malayo sa kanya ang bintana kaya medyo natagalan ang pagdating niya doon sa bintana. Nang sa wakas nakarating siya sa bintana ay pigil na mapamura siya sa isipan nang napagtantong napakataas niyon para sa kanya. Paano nangyari iyon? Nagtaka man si Kalena ay sinubukan niyang bumangon. Napakasakit ng proseso ng pagtayo niya. Kailangan pa niyang kagatin ang paa ng lamesa na malapit sa kanya para magkaroon siya ng suporta na makabangon. Nang sa wakas nakabangon siya ay bahagyang nauga ang buong katawan niya, kung hindi lang dahil sa puwersa ng lakas na binalanse niya ang kanyang katawan ng mabuti ay baka matumba siya. Huminga siya ng maluwag at saka tumingala. Gayunman, laking dismayado niya ay masyadong maliit parin siya para makasilip sa bintana. Marahas na nagpakawala siya ng hininga sa inis. Ganito ba ang pakiramdam kapag baldado ang isang tao? Na parang mas lalong lumiit ang mundo? Hindi niya alam. Kahit na naiinis siya sa mga oras na iyon ay hindi parin siya sumuko. Sinubukan niyang tumalon para tingnan ang labas. Nagbabakasakaling may tao siyang makita na maaaring mahingan ng tulong ngunit nang makatalon na siya ay saglit lang niya natanaw ang labas. Malaki ang dismiyado ni Kalena nang puro nalalakihang puno ang tanging nakita niya sa labas. Bang, lumagapak siya sa sahig at napahiyaw siya sa sobrang sakit. Nagsimula na siyang humagulhol, hindi lang dahil sa sobrang sakit na naramdaman niya sa mga oras na iyon kundi pati narin ang kawalan ng pag-asa. Anong gagawin niya ngayon? Hindi siya makaalis dito. Mamamatay na ba siya rito? Siguro mabubulok siya dito sa loob at mamamatay sa gutom. Iyon lang ang tanging posibleng dahilan na pagkamatay niya. Isipin palang niya iyon ay mas lalong lumakas ang iyak niya. “Ahhhh!” Ma, Pa, tulungan niyo po ako rito! Ayoko dito! Gusto ko nang umuwi! Ayokong mamamatay dito! Maaa! Paaa! Patuloy lang siya sa pag-iyak. Tulong! Hindi naman iyakin si Kalena simula bata pa siya, pero sa mga oras na iyon ay hindi niya talagang mapigilan ang sarili na umiyak ng sobra. Ang lungkot na naramdaman niya ngayon ay may kasama din poot at galit na umusbong sa kaibuturan ng kanyang puso nang sumagi ang ilang imahe sa kanyang isipan. Biglang bumadha sa kanyang anyo ang poot at galit niya sa mga taong nanakit sa kanya. Pinangako niya sa kaloob-looban, kapag nakaalis siya ng ligtas dito. Maghihiganti siya sa mga taong gumawa nito sa kanya, lalo na ang kanyang pinsan. Ipapatikim niya sa mga taong iyon kung ano ang dinanas niya ngayon. ~**~ Gayon pa man, kahit na puno nang poot at galit ang puso niya ngayon ay wala siyang nagawa sa mga oras na iyon. She was helpless and desperate to live, but how could she do that when she could even hardly to move? Every crawl she made is like a millions of ants biting and gnawing her fleshes. Para lang hindi niya maramdaman ang sakit ay sinubukan niyang hindi gumalaw. Kahit paano ay naimbsan man. She was lying in a cold and dirty floor helplessly, and the only thing she could do right there and now is cursing those lunatic people. Hindi siya makapaghintay na kagatin niya ang mga ulo ng mga ito. Gayunman, wala siyang magagawa. Nanghihina na tinitigan na lang niya ang kisame na puno na nang sapot. Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nandito, pero sa oras na dumadaan ay nawawalan na siya ng pag-asa. Mamamatay na siguro siya doon sa gutom. Pinikit niya ang kanyang mga mata at tila ba tuluyan ng nag-resign sa kanyang kapalaran. Nanatili lang siya sa gano’n posisyon hangang sa naramdaman niya ang sikat ng araw. Isang araw… Dalawang araw… Ilang linggo na ang nagdaan pero hangang ngayon ay buhay parin si Kalena. Sa mga araw na nakalipas ay napagtanto niya na hindi siya nakaramdam ng gutom at uhaw. Anong ibig sabihin niyon? Bakit hindi siya nakaramdam ng gutom o uhaw man lang? May posibilidad ba na isa siyang multo at ngayon lang niya napagtanto ang tungkol do’n?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD