ILANG ARAW RIN ang nakalipas simula nang mapadpad si Kalena rito sa kumonidad na ito at sa ilang araw rin ay hindi rin siya batugan kahit na mayroon siyang kapansanan ngayon.
Sa tulong ni Neon ay kahit paano ay may nakolekta pa rin silang impormasyon. Medyo nakakalungkot nga lang, maliban sa nakakaintindi siya sa lengwahe na ginagamit ng mga ito pero hindi siya pamilyar sa sistema ng pagsusulat ng mga tao sa mundong ito. kinakailangan pa ni Neon na basahin ang mga librong kinuha nito sa maliit na silid-aklat ng doktor.
Walang masyadong alam si Neon sa mundong ito dahil maliban sa hindi pa nanumbalik ang buong alaala nito, He spent his time living in the forest and seldom went out to place where humans live.
Ayon kay Neon, nandito sila ngayon sa oekenwich community, maliit na kumonidad lang ito at napakalayo sa siyudad. Napalibutan ito ng mga bundok at malawak na kagubatan. Simple lang din ang pamumuhay ng mga ito. Pagsasaka at pangangaso ang kabuhayan ng mga tao sa komunidad ng oekenwich.
It was not surprising to hear this kind of information, pero ang laking ikinagulat ni Kalena ay istrikto pala ang patakaran sa lugar na ito. hindi basta basta na makakapunta ang mga tagarito sa siyudad at limang beses sa isang taon lang sila binigyan nang pamahalaan ng pahintulot na pumunta sa siyudad para ibenta ang kanilang inani at iba pang produkto nila.
Maliban do’n ay may mga sundalo rin rito na pinadala ng pamahalaan para bantayan ang mamayan rito laban sa mga halimaw na nagmula sa piitan.
Sa orihinal na kwento mula sa anime, walang gaanong impormasyon tungkol sa piitan dahil nakatuon ang buong kwento sa mga devil na naghahasik ng lagim. Ayon kay Neon, ang piitan na iyon ay napakahiwaga at paniniwala ng mga tao ay ang piitan na ito ay nilikha ng Diyosa ng Sansinukob upang ikulong ang mga mapanganib na halimaw.
Para pala itong video game¸sabi niya sa kanyang isipan nang marinig iyon. Ang kaibahan lang ay walang kayamanan na mahuhulog `pag napatay nila ang halimaw o di kaya’y reward na makukuha kapag na clear nila ang piitan. That’s not how will it work here.
Napahinto sa pagbabasa si Neon nang makarinig ito ng yabag sa labas. “May tao,” imporma sa kanya. Sinara nito ang libro at akmang magtatago.
Mabilis ang kilos nito at agad na nakapagtago sa ilalim ng kama.
Nang bumukas ang pintuan ay pumasok ang doktor sa loob. May dala itong pagkain. Kahit nasa malayo palang ito ay alam ni Kalena kung ano ang pagkain na dinala nito para sa kanya.
Sa tray na hawak nito ay—maliban sa isang baso ng tubig at gamot—makikita doon ang tatlong piraso ng sanguine berry na nasa plato.
Pigil na mapabuntong hininga si Kalena nang makita niya ang prutas na iyon. Kahit gaano pa kasarap ang prutas na ito, ngunit kung kakainin niya iyon mula araw araw ay nakakaumay rin.
Pero sinong nagsabi na iyon lang ang edible na pagkain na maaari niyang kainin?
Noong una ay nagtataka si Kalena kung bakit iyon ang parating pinapakain sa kanya ni Dr. Mallari at imposible rin na matanong niya ito dahil hindi niya kayang magsalita.
Pero sa talinong tao na kagaya ni Dr. Mallari, paano nito hindi mapapansin ang maliit nitong reaksyon? Hindi ito nagdalawang isip na ipaliwanag sa kanya.
Ito lang daw na prutas ang suitable na pwede niyang kainin sapagkat hindi lang iyon madaling lunukin niya pati na rin malalasahan niya ang lasa niyon kahit na wala siyang dila. Isa iyong mahiwagang prutas.
Kung gano’n ay kaysa magpakahirap siyang kumain sa ibang pagkain na hindi naman niya malalasahan, mas gusto pa niya na pagtiisan ang prutas na ito.
“Oras na para kumain,” agad na naputol ang pagmumuni ni Kalena nang marinig niya ang boses ng gwapong doktor.
Mayroon stand iyong tray na hawak nito kaya inilapag nito iyon sa harap niya. Hindi na ito nag-abalang subuan siya dahil minsan na niya itong tinanggihan.
Kahit gaano pa kakapal ang mukha ni Kalena, imposible na hahayaan niya ang ibang tao na subuan siya kahit na wala na siyang kamay.
Nitong nakaraang araw ay sinikap niyang sanayin ang sarili na kumain ng mag-isa na walang tulong ng iba. Ayaw niyang umasa sa iba kahit na nakakahiya tingnan dahil kapag ginawa niya iyon, mas magmumukha lang siyang mesirable at nakakaawa.
Ayaw niyang kaawan siya o di kaya’y isipin ng iba na wala siyang silbi.
“Pagkatapos nito ay iinumin mo itong gamot mo para gumaling,” patuloy nito.
Napangiwi si Kalena matapos niyang sulyapan ang baso na puno ng berdeng likido. Pakiramdam ni Kalena ay tila may munting boses na sumigaw sa isipan niya sa sobrang paghihirap.
Kahit na wala siyang malasahan pero kapag ininom niya iyon ay naramdaman niya sa kanyang lalamunan ang kakaibang sensasyon. Ano pa kaya kung bumalik ang dila niya at malasahan iyon?
Mabuti na lang at wala siyang masalahan dahil kung hindi ay baka mahimatay siya sa sobrang sama ng lasa.
Gayunman, masunurin pa rin na ininom niya ang gamot gamit ang straw matapos niyang kainin ang tatlong pirasong sanguine berry.
Ang tatlong sanguine berry na iyon ay sapat na para sa isang araw, hindi na niya kailangan pang kumain ng pananghalian at hapunan.
Pagkatapos niyon ay tiningnan ulit ng doktor ang balat niya ang again namamangha pa rin ito.
“Kakaiba. Bakit hindi ka na ulit nagkaroon ng paltos sa balat mo? Masakit ba kapag hinahawakan ko ang balikat mo?”
Umiling si Kalena sa tanong ng doktor.
Mas lalong nagtaka ang doktor nang tiningnan ulit nito ang balat niya na ngayon ay wala ng halos makitang paltos.
Malaki talaga ang itinulong ng pulang kristal na pinakain sa kanya ni Neon noon. Pinagaling lang siya sa karamdaman niya puwera sa mga paltos at sugat na naiwan nito. Mabagal ang paggaling niyon na dahilan para hindi agad na mapansin ng doktor na may kakaiba sa kanya.
Inilabas ulit nito ang health scanner na kahawig ng ballpen. Oo, no’ng nakaraang araw lang din niya nalaman kung ano iyon. Pinindot nito ang maliit na button at agad na naglabas iyon ng berdeng ilaw at pinasadahan ang buong katawan niya.
Pagkatapos nitong i-scan ang buong katawan niya ay agad na binalik nito iyon sa breast pocket.
“Mukhang kailangan yata tingnan ulit ang medical records mo, baka nagkaroon ako ng mali.”
Matapos nitong sabihin iyon ay iniligpit na nito ang pinagkainan niya at nagpaalam sa kanya.
Habang si Kalena naman ay tikom lang ang bibig.
Kahit gaano pa kabait ang doktor na ito pero hindi pa rin niya pwedeng ipaalam rito na kaya siya gumaling ay dahil pulang kristal.
Nalaman kasi ni Kalena mula kay Neon na hindi karaniwan ang pulang kristal. Kung gano’n napaka-valuable pa ng pulang kristal na iyon and to think na hindi ito nagdalawang isip na ibigay sa kanya. Isipin palang ni Kalena iyon ay nagpakawala siya ng buntong hininga.
Pagkalabas ulit ng doktor ay agad rin lumabas sa lungga si Neon.
Umakyat ito kama habang bitbit ang malaking libro.
“Gusto mo bang ipagpatuloy ko ang pagbabasa, Kalena?”
“Huwag na, wala naman tayong gaanong nakukuhang impormasyon diyan.” Mostly sa mga libro na mayroon ang doktor ay puro tungkol sa medisina at tanging ang librong hawak lang ang may pakinabang sa kanya pero ang ikinainis niya ay puro tungkol lang naman iyon sa politika at kung gaanong kagaling ang pamamalakad ng pamilyang Puentespina.
Habang nakikinig siya sa binabasa ni Neon ay sumasakit ang ulo niya. Hindi naman kasi demokratiko ang bansang ito kundi monarchy ang sistema na tumatakbo sa buong kontinente ng Scarlet Domain.
“So, anong gusto mong gawin ngayon?”
Nang tanungin siya nito ay biglang napaisip si Kalena.
“Gusto ko sanang lumabas.” Sinipat niya ang labas ng bintana. Maganda ang panahon ngayon, gusto sana niyang magpaaraw o mamasyal pero dahil sa sitwasyon niya alam niyang hindi gano’n kadali iyon.
Nakakasawa na rin rito sa loob ng kwarto.
Gayunman, ano ba ang magagawa niya?