Chapter 13

1204 Words
THE ENDING of the anime was also very satisfying for Kalena. Not only did the main character succeed in defeating the enemy and reaching the pinnacle of life, but she also married the man of her dreams, and they lived happily ever after. Ngayong kumpirmado na nasa loob siya ng paborito niyang anime noong bata siya, sino siya sa kuwentong ito? Inalala ni Kalena ang bawat character na lumitaw sa kwento. Masyadong maraming character na lumitaw sa kwento na ito at kahit na hindi niya maalala ang mga pangalan, pero sigurado si Kalena na hindi siya kasali sa kwento ng ‘Seven Flowers’. Walang character doon na may babaeng disable o kulay lila ang mga mata. Nakahinga naman ng maluwag si Kalena na isipin iyon. Malaki ang pasalamat niya na hindi siya bida, kontrabida o isang extrang character sa kwento. Kahit na sabihin niyang paborito niya ang ang anime na `to, pero hindi ibig sabihin niyon na may eight grader disorder siya na magtatalon siya sa tuwa dahil nakapasok siya sa mundo ng paborito niyang anime. Maalala palang niya ang madugong labanan ni Anna at iba pang kaibigan na `to para supilin ang puwersa ng kasamaan ay hindi niya mapigilan na manayo ang balahibo niya. Kahit na binigyan ng madugong eksena ng producer ang anime na ito dahil intended para sa mga batang audience ang anime na `to, pero kung iisipin ni Kalena ang mga labanan nila ay alam niyang hindi iyon kasing simple kagaya ng napanood niya sa anime. “Kalena?” Sambit ni Neon sa kanya na dahilan para matauhan si Kalena. Agad na binalik niya ang kanyang atensyon sa puting ferret. “Bakit mo ba naitanong `to?” Nagtatakang tanong ni Neon sa kanya. “Wala. May naalala lang kasi ako pero hindi na iyon importante.” Sometimes, kinakailangan rin na itago niya ang mga importanteng bagay na kagaya na lang na nasa mundo siya ng ‘Seven Flowers’. “Sinasabi mo na mandirigma, ibig bang sabihin niyon ay isa ako sa protector ng priestess sa kontinenteng ito?” “Hindi ko rin alam.” “Paano mo naman nasabi na hindi mo alam?” She baffled. “Sabi ko na sa`yo na hindi pa bumabalik ang alaala ko. Bago pa bumalik ang ibang parte ng alaala ko ay isa lamang akong ordinaryong magical beast.” “NORBIRTO, ano na naman ito? Hindi pa ba sapat na pumunta ka sa black-market para bumili ng gamit na alam mong bawal sa atin, tas nagdala ka ng batang babae?” Puno ng iritasyon na tanong ng asawa ni Norbirto na si Sandra matapos nitong makapasok sa loob niyang pintuan. Hindi nito itinago sa asawa ang disgusto sa ginawa niya. “Mahal naman, hindi ba’t nasabi ko na sa`yo kagabi iyong totoong nangyari?” “Pambihira ka naman, Norbirto, wala sanang problema kung tumulong ka pero ang problema. Nakita mo naman ang kalagayan ng batang babaeng iyan? Ngayon lang ko lang din siya nakita rito. Sino siya? Taga-saan siya?” Sunod-sunod na tanong ni Sandra sa kanya. Sa liit ng kumonidad na `to, hindi makapagtaka kung kilala o namumukhan ni Sandra ang mga taong tagarito. Isa pa, malayo ang kumonidad na ito sa siyudad. Nag-alangan na ngumiti siya sa asawa at marahang napakamot sa ulo. Naintindihan naman nito kung bakit galit na galit ang asawa pero bilang isang doktor, hindi niya kaya na hahayaan na nakahandusay at kahabag-habag na kalagayan ang batang babae. “Nasabi ko na sa`yo ang buong nangyari, di ba? Nakita ko na lang siya sa harap ng pintuan ng klinika ko. Alangan naman hayaan ko na manatili siya doon.” “Ayan, kaya hindi tayo makatira sa Zechburg City dahil sa ugali mo!” Hindi nakaimik si Norbirto nang banggitin ng asawa ang tungkol. Alam nitong gustong-gusto ng asawa na makapunta sa Zechburg City at tumira doon pero dahil sa ginawa ng pamilya niya ay mukhang hangang pangarap na lang ang pagnanais na makatira doon. Masuwerte na nga sila at hindi sila dinakip ng mga sundalo at pinadala sa labor camp dahil sa ginawa ng pamilya niya. Dahil din sa rason na `to ay nakaramdam ng pagkakasala si Norbito dahil hindi man lang niya maibigay sa asawa ang gusto nito. Napabuntong hininga si Norbito rito. “Sandra, pag-uusapan na naman ba natin `to?” Tanong niya sa asawa sa malumanay na boses. “Ewan ko sa`yo. Hindi natin alam ang pinagmulan ng batang iyan. Baka magdala iyan ng problema sa atin kapag manatili siya rito,” ani ni Sandra. Humalukipkip ito. “Kawawa naman iyong bata, nakita mo naman ang kalunos-lunos na kalagayan niya kaninang madaling araw, di ba?” Hindi umimik si Sandra. Kaya naman nagpatuloy siya sa pagsasalita. “Kung papabayaan ko siya, paniguradong mamatay siya. Alam mo bang nadiskubre ko na mayroon siyang bihirang karamdaman?” “Ano naman klaseng karamdaman iyon?” Hindi pa rin kumbinsido si Sandra. Iniisip pa rin kasi nito na nagdadahilan ito para mapanatili iyong batang babae rito sa bahay nila. “Mayroon siyang epidermolysis bullosa.” Sinulyapan ulit niya ang asawa na tahimik na nakikinig sa kanya. Kahit na hindi ito nakapag-aral ng medisina si Sandra, pero dahil parati siyang tumutulong kay Norbito at paminsan minsan ay binabasa ang mga libro nito `pag nababago ito kaya alam nito kung anong klaseng sakit ang tinutukoy niya. “Alam mong bihira ang karamdaman na iyon at interesado akong pag-aralan iyon.” Totoo rin naman ang sinabi ni Norbirto pero hindi iyon ang buong dahilan kaya nais niyang tulungan ito, pero walang balak na sabihin iyon ni Norbirto. Baka mas lalong magalit sa kanya si Sandra. Hindi agad na nagsalita si Sandra at nagtitigan muna sila pero bago pa makapagsalita ito ay biglang nakarinig sila ng mahinang tawag mula sa labas ng bahay. Walang soundproof sa bahay at ang opisina ni Norbirto ay malapit lang sa sala kaya naririnig pa rin nila hangang rito ang boses kapag nilakasan ng mga ito ang kanilang mga boses. “Dr. Mallari!” “Oh, may tumatawag sa`yo. Asikasuhin mo na. Mamaya na tayo mag-usap,” wika ni Sandra sa asawa. Pagkatapos niyon ay walang anuman na iniwan siya nito sa loob ng opisina. Napapailing na lang siya rito sa asta ng asawa bago tumayo na rin mula sa kinaupuan at lumabas na rin. Naglakad siya patungo sa pintuan at nang binuksan niya iyon ay bumungad sa kanya payat na matandang lalaki, magulo ang maikli nitong buhok at gusot ang lumang damit nito. Nakasukbit sa likod nito ang bag na yari sa yantok. May nakausli pa roon ang maliit na parte ng dahon. “Jose,” sambit niya sa pangalan ng matandang lalaki. “Anong ginagawa mo rito?” “Dok, nandito ako para tanungin ka kung interesado ka bumili ng halamang gamot. Kakababa ko lang mula sa bundok at marami akong nakolektang halamang gamot, baka gusto mo tingnan?” Saglit na napaisip si Norbirto. Kahit na marami pa siyang stock ng halamang gamot sa storage niya pero hindi na rin masama kung bumili ulit siya. Naalala rin niya na may sangkap na kulang para sa paggawa ng gamot para sa batang babae. “Pasok ka muna para matingnan ko ang `yang dal among halamang gamot, Jose.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD