MAS LALONG NATAMEME si Kalena. Bakit ba pamilyar ang ganitong linya? Saan ba niya narinig iyon?
“Pasensya na, pero hindi ko maintindihan ang pinagsasabi mo. Puwede pakilinaw naman?” Nang matauhan siya ay agad na nagsalita siya.
“Medyo hirap din akong ipaliwanag sa`yo dahil kahit ako ay naguguluhan rin. Hindi pa buo ang alaala ko—kunti lang ang alam ko sa sarili. Tanging alam ko lang ay ang pangalan ko ay Neon at isa akong magaling na salamangkero tas kailangan ko hanapin ang nahirang mandirigma. At kung bakit kailangan ko hanapin ang nahirang na mandirigma ay hindi ko rin alam. Malalaman ko lang siguro ang dahilan `pag manumbalik na ang alaala ko.”
“Hindi naman siguro nanganganib ang mundo, di ba?”
“Paano mo nalaman?”
“Anak ng tokwa!”
“Hindi ako anak ng tokwa.” Seryosong pagtatama nito sa kanya.
Hindi alam ni Kalena kung matawa sa reaksyon nito o hindi. Gayunman, wala siyang balak na ipaliwanag rito mura iyong sigaw niya. Sa ngayon ay may kailangan siyang gawin.
Habang tumatagal kasi ay nagiging pamilyar sa kanya ang sitwasyon na `to pero para makasiguro siya ay may kailangan lang siyang kumpirmahin.
“May itatanong ako sa`yo.”
“Ano iyon?”
“Teka lang, ha?” nagdalawang isip siya kung tatanungin ba niya ito tungkol do’n o hindi, pero dahil hindi sa sidhi ng kuryusidad niya ay hindi na niya napigilan ang sarili na tanungin ito. “May gusto lang akong kumpirmahin. May parte ba sa mundong ito na tinatawag na ‘Lurra’?”
“Hindi ko rin alam. Kagaya ng sinasabi ko, wala akong gaanong alam. Hindi rin ako tagarito. Tanging alam ko lang ay Draessutra at nasa Scarlet Domain tayo. Masyadong sarado ang bansang ito mula sa ibang bansa kaya limitado lang ang alam ko.”
Napabuga ng malalim na hininga si Kalena bago nagpatuloy. “Okay, pasensya na, mali yata ang tanong ko. Heto ang bago kong tanong, bawat ba kontinente rito ay mayroong tinatawag na priestess na gumagabay sa mga tao gamit ang kanilang espiritwal na kapangyarihan?”
Ang lakas talaga ng kutob niya.
Saglit na natigilan si Neon pero kalaunan din ay sinagot nito ang tanong niya.
“Noon meron dito sa ating scarlet domain pero dahil sa malupit na pinuno ng bansang ito ay wala na.”
Parang nawindang si Kalena sa kumpirmasyon nito. Sapat na ang sagot ni Neon para makumpirma niya na tama nga ang kutob niya.
Parang gusto niyang magmura sa inis. No wonder some of the words to her somewhat familiar.
Aejeaterra , Draessutra and etc.
Ngayong pinagtagpi niya ang lahat ng clues na nakuha niya ay sigurado si Kalena na hindi lang siya napadpad sa isang simpleng alternate world ang napuntahan niya kundi napadpad siya sa mundo ng anime na kinahumalingan niya noong bata pa siya!
Hindi gaanong mahilig na manood si Kalena pero ang anime na pinamagatang ‘Seven Flowers’ ay nag-iwan sa kanya ng malalim na impresyon noong kabataan niya.
Ang kwento na ito ay ginanap sa kontinente na tinatawag nilang Lurra. Isa ito sa pinakamalaki at kilalang kontinente sa buong mundo ng Draessutora. Ang kontinente na ito ay may ibang tawag at iyon ay origin dahil ang kontinente na ito ang mayroong pinakamalalim na kasaysayan sa buong mundo at doon rin nagsimula ang lahat ng mahika. Ito ang dahilan kaya tinawag itong origin.
Napakaimpluwensya ng kontinente na ito at kahit gaano pa ka idustriyalisado ang ibang kontinente ay hindi malalamangan ng mga ito ang kontinenteng Lurra, lalo na’t nasa kontinente na iyon ang pinakamalakas na priestess. Ang role ng priestess sa mundong ito ay hindi lang simpleng gumagabay sa mga tao sa pamamagitan ng espirituwal na kapangyarihan ng mga ito upang magising ang kanilang kapangyarihan. Hindi lang iyon, sila rin ang nagsisilbing haligi sa kani-kanilang jurisdiction lugar at nagbibigay ng proteksyon laban sa mga dayuhang mananakop.
Ang kwento na ito ay walang kinalaman sa priestess kundi pinagbibidahan ito ng pinuno ng pitong napiling mandirigma para protektahan ang priestess nila. Ang pangalan nito ay Cassidy Annabelle C. Cadiz o Anna for short. Isa itong simple, masayahing babae na may busilak na puso. Nagmula ito sa ordinaryong pamilya at ito ang panganay sa tatlong magkakapatid.
Ang mahika sa mundong ito ay masasabing normal lang at hindi gaanong ginagamit maliban na lang kung kinakailangan, kaya’t masasabing maihalintulad pa rin ang mundong ito sa mundong earth.
Ordinaryo ang buhay at ordinaryo rin ang pangarap nito. Iyon ay makapagtapos ng pag-aaral, makapag-hanap ng stable na trabaho at higit sa lahat ay mahanap nito ang prince charming nito.
Ngunit ang simpleng pangarap ni Anna ay nakatadhana na hindi makakamit matapos nitong makita ang isang sugatan na paruparo. Akala ni Anna na isa lamang itong ordinaryong paruparo at dahil naawa ito ay hindi ito nagdalawang isip na dinala nito ang munting paruparo upang gamutin. Pero hindi inaasahan ni Anna na hindi pala ito isang ordinaryong paruparo lang, do’n lang niya nalaman na isa itong beast guardian nang magpakilala ito kay Anna matapos nagkamalay ito.
Inatasan ito nang bagong hinirang na priestess para hanapin ang pitong mandirigma. Ang mandirigma na tinutukoy ng priestess ay hindi basta bastang mandirigma lang kundi ito ay ang mga reinkarnasyon ng dating protector na pinili ng Diyosa ng Paglikha para protektahan ang sinaunang priestess bago pa nahati sa anim na kontinente ang mundong ito. Ito rin siguro ang dahilan kaya hangang ngayon ay nangunguna pa rin ang Kontinenteng Lurra.
But things not easy as it seems, devil begun to appear in crowded place and collecting people’s soul crystal. Nakakapangamba ang balitang ito. Subalit hindi basta basta matatalo ang mga ito sa simpleng laban lang sa pagitan ng mga salamangkero at mandirigma.
Para masugpo ito ay kinakailangan nilang gamitin ang purifying magic na tanging ang priestess at ang pitong mandirigma nito ang maaaring makakagawa niyon. Pero imposible na magagawa iyon ng mag-isa nang priestess, lalo na’t sa hindi malaman ay ang napiling priestess ay napakahina. Ito ang dahilan kaya urgent ang paghahanap ng mga ito sa pitong mandirigma o mas magandang gamitin ang salitang pitong protector.
Anyway, masyadong matagal no’ng huling napanood ni Kalena ang anime na `to. Sa sobrang tagal na rin niyon ay medyo malabo na rin sa kanya ang buong kwento.
Pero para paikliin ang kwento niyon ay si Anna ang kauna-unahang mandirigma ang nahanap ng beast guardian matapos nitong makapasa sa trial na ito nga ang reinkarnasyon ng protector ng sinaunang priestess. Si Anna rin ang pinuno sa pitong protector at ang codename niya ay Rose.
Para mas lalong paikliin pa ni Kalena, nakatuon ang buong kwento kay Anna kung paano nito tinulungan si Florie, ang butterfly beast guardian para hanapin ang natitira pang anim na protector at kalabanin ang mga devil na nagbabanta sa kaligtasan sa sankatauhan. Maliban do’n ay
It's your typical story of shoujo anime pero para sa batang Kalena ay napakaganda ng kwento na iyon. Pumatok ang anime na `to sa pilipinas and this anime series consists of three hundred episodes.