Chapter 20

1458 Words
MASYADONG MATALAS ang pakiramdam ng barakong `to at agad nitong napansin na nakatitig siya rito na agad rin naman na iniiwas niya ang tingin rito. Kahit na maayos itong makausap at reasonable ay hindi pa rin niyang maiwasan na matakot. Matapos niyang marinig ang sinabi ni Sandra ay agad na maniobra ang wheelchair paharap sa nakabukas na tarangkahan at pinaandar papasok sa loob. Pero bago pa siya makapasok sa bakuran ay narinig niya ang usapan ng kambal. Hindi naman sila malayo sa kinaroonan nila pero dahil nag-uusap sila sa normal nilang boses ay narinig niya ang usapan ng kambal. “Sabi ko sa`yo, eh. Hindi siya multo. May multo ba sa ganitong oras?” “Hapon na, Zayne.” “Eh, ano naman kung hapon ngayon, Jadyne? Sa gabi lang lumalabas ang multo. Mas nakakatakot iyong alaga niya.” “Nasaan na kaya ang mga magulang niya? Bakit hangang ngayon ay nandito pa rin siya sa bahay ni Dok at nito dragona?” “Kailangan pa bang itanong iyan? Tingnan mo na nga siya, siguro inabandona na siya kagaya ni Rafe. Pabigat kasi.” Pagkarinig palang ni Kalena ang tungkol sa salitang ‘pabigat’ ay kahit na bata lang ang mga ito at hindi dapat niya dibdibin ang mga sinasabi ay pakiramdam ni Kalena ay tila may kung anong matulis na bagay tumusok sa dibdib niya. Ilang segundo lang siya huminto bago nagpatuloy ulit sa pagpaandar ng wheelchair hangang sa makalayo na siya sa eksena na iyon. “SANDRA, NATAGALAN yata kayo sa pagbalik?” Bungad ni Norbirto sa asawa nito nang makapasok sila sa bahay. Hindi agad na nagsalita si Sandra at pinaikutan ito ng ulo. “Sinong hindi matatagalan, eh, iyong kapitbahay natin na malaki ang bunganga ay nandito na naman at nangulo. Sinama pa nito si Pacholo. Buong umaga ka ba sa loob ng laboratoryo mo?” Pakli ni Sandra rito. Samantalang si Kalena ay tahimik na inihinto ang wheelchair sa tabi ng sofa, habang si Neon naman ay mabilis na lumipat mula sa kanyang wheelchair patungo sa ibabaw ng backrest ng sofa. Balak lang ni Kalena saglit na magpahinga rito bago bumalik sa kanyang kwarto at tahimik na makinig lang sa kanilang usapan, pero hindi niya inaasahan na mapadpad sa kanya ang kanilang usapan. “Oo, sinusubukan ko kasi na pag-aralan na gumawa ng mataas na uri ng healing potion para sa batang `to.” Nabigla naman siya at tiningnan ang doctor, at nakitang kumikinang ang mga mata nito na nakatingin kay Sandra. “Ito ba iyong ilang araw mong na pinag-aaralan?” Kung kanina ay medyo makikita sa mukha ni Sandra ang saya pagkatapos makakuha ng pera mula sa mag-asawa kanina, ngayon ay mas lalong nagiging malinaw ang saya nito sa mukha. Nang marinig ni Kalena ang usapan nila ay medyo nalilito siya. Mataas na uri na healing potion? Alam na niya iyon. Base sa nakalap na impormasyon ni Neon ay hindi rin basta bastang makakahawak ng gano’n klaseng potion ang mga tao rito. And what’s more surprising, hindi pala simpleng doctor o salamangkerong manggagamot itong si Dr. Mallari. Akala niya ay ordinaryong salamangkerong manggagamot—hindi sa hindi ito mahusay sa panggagamot pero iba kasi ang salamangkerong manggagamot kaysa sa doctor. Kahit na nakumpirma na sa kanya ni Neon na isa itong salamangkerong manggagamot pero hangang ngayon ay hindi pa nasasaksihan ni Kalena na gumamit ito ng mahika kagaya ng napapanood niya noong anime tv series. Nang isipin ni Kalena iyon ay biglang natauhan siya nang biglang narinig niya ang mahinang bungisngis ni Neon. Masamang tiningnan niya ito. For sure, narinig niya ang laman ng isipan ni Kalena dahil kung hindi, hindi ito tatawa na walang dahilan. Napansin rin naman ni Neon iyon at nginitian siya nito ng matamis at tinaas ang maliit nitong kamay at binigyan siya ng peace sign. Sarap batukan nito. Ano ba ang nakakatawa sa iniisip niya tungkol sa salamangkerong manggagamot? Hindi ba kagaya rin ang mga ito sa video game? “Kung ikaw ay magtagumpay na lumikha ng isang mataas na uri ng healing potion ay may posibilidad ba na may tsansa tayong makaalis sa lugar na `to at tumira sa Zechburg City?” Pagkarinig ni Dr. Mallari sa tanong ni Sandra ay agad na napalis ang ngiti nito sa labi. “Hindi ko alam, Sandra, pero sa tingin ko ay malabo pa rin at alam mo iyan,” prankang sabi nito sa asawa. Bahagyang napalis ang matamis na ngiti ni Sandra sa prankang pagkasagot ng asawa. “Huwag kang maging nega diyan!” Wika ni Sandra, saka hinila ang buhok ni Dr. Mallari sa inis. “Magluto ka na nga ng hapunan natin gayong wala ka na atang gagawin.” Agad na iniwan n ani Sandra ang asawa at dumiretso umakyat sa itaas. Neon, tawag niya rito. “Ano?” Pwede mo bang itanong kay Dok kung bakit niya ito ginagawa? Sa totoo lang, nahihiya na ako sa kanila dahil masyadong malaki na ang tinulong nila sa akin. Mas mabuti pa na gamitin na lang nila sa ibang bagay ang healing potion na iyan. Alam ko na napakahalaga niyan. Although, masaya siya sa narinig na balita tungkol sa healing potion pero hindi pa rin niya maatim na pagsamantalahan ang kabaitan ng mga ito para sa kanya. Nabagbagiwasan na makaramdam ng pag-alinlangan, lalo na’t naalala niya ang sinabi ng kambal kanina. Ayaw niyang maging pabigat sa mga ito at masyadong nakakaabala na talaga. “Okie-dokie,” aniya saka bumaling sa direksyon ng doctor. “Dookk!” Tawag nito kay Dr. Mallari. Gayung alam naman ng doctor na nagsasalita ito bukod kay Sandra kaya hindi na ito nag-abalang nagpanggap na ordinaryong hayop. “Neon?” Nagtataka na luminga si Dr. Mallari kay Neon. Mabilis naman na pinasa ni Neon ang mensahe na binigay niya kay Dr. Mallari. Bumakas naman ang pagkagulat sa mukha ng doctor nang marinig iyon at saka bumaling sa kanya. Hindi makapagtaka na magugulat si Norbirto sa narinig nito, paano naman hindi, ang batang babae na nasa harap nito ngayon ay mukhang nasa apat o limang taon gulang palang. Hindi nito lubos akalain na napaka-mature na niyang mag-isip at naisip na nito ang ganitong bagay. Siyempre, hindi rin alam ni Kalena ang tumatakbo sa isipan ng doctor at kahit na alam niya ay hindi rin niya sasabihin ang totoo tungkol sa hindi naman talaga siya totoong bata, nakakulong lang siya sa batang katawan. Nag-iwas naman si Kalena nang mata nang makitang nakatingin ito sa kanya. Napabuntong hininga na lang siya. “Ito lang ba ang inaalala mo?” Lumapit si Dr. Mallari sa kanya. Walang anuman na ginulo nito ang buhok niya. “Huwag mong masyadong isipin ito. Kagustuhan kong matulungan kita. Isa pa, kung iniisip mo ang healing potion na ginawa ko ay hindi mo na rin iyon kailang ipag-alala dahil matagal ko na rin ito pinag-aralan pero hindi pa ako nagtagumpay na makagawa ng mataas na uri ng healing potion. Gusto kong ikaw ang unang makagamit nito. Isa pa, ito ang unang beses na makagawa ako ng healing potion.” Nang marinig ni Kalena iyon ay agad na pinadala niya kay Neon ang mga salitang nais niyang sabihin. “At gusto mo ako ang susubok sa ginawa mong potion? —iyon ang sabi ni Kalena.” Natigilan si Dr. Mallari na marinig iyon mula sa batang babae. Once again, mas lalong nakumpirma nito na hindi siya ordinaryong bata at sa talino niya ay imposible rin naman na maitatago nito ang nais nitong gawin. Bakas sa mukha nito ang pagdadalawang isip na sabihin ang katotohanan, at hindi rin naman bulag si Kalena para hindi niya maintindihan kung anong nasa isipan nito. Nagpakawala siya ng buntong hininga. Kahit na medyo hindi siya komportable sa natuklasan pero hindi siya galit. Ang totoo niyan ay mas okay na `to—at least, hindi siya parati makaramdam ng bagabag. Mas acceptable ito kaysa parating tumatanggap ng tulong mula sa mga tao. Hindi gano’n kakapal ang mukha niya para parating umaasa sa kanila. Kailangan niyang iangkop ang sarili sa mundong ito. Isa lang din ang dahilan kaya hindi pa siya nababaliw dahil na rin hindi pa siya nawawalan ng pag-asa na gumaling. Ilang sandali ang nakalipas ay muling nagpasala ulit siya ng mensahe kay Neon. “Sabi ni Kalena, hindi mong masyadong alalahanin siya. Naintindihan daw niya ang nais mong gawin. Walang libre sa mundong ito at kung ito lang ang magagawa niya kapalit sa pagtulong niyo sa kanya ay gagawin niya. Hindi ba’t iinom lang ng potions? Kung successful ang paggawa mo ng mataas na uri ay may posibilidad na gagaling siya at kung hindi man…ah, ano ba ang side effect?” This time, ang last sentence na iyon ay galing kay Neon at hindi mula kay Kalena.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD