MULING GINULAT na naman ni Kalena si Dr. Mallari. Wala itong masabi nang marinig nito ang nasa isipan ni Kalena sa pamamagitan kay Neon. Pero agad rin naman na pinalis nito iyon at sinagot ang tanong ng mga ito.
“Tungkol sa side effect, hindi naman life threatening pero base sa narinig ko mula sa dati kong kasamahan noon ay makakaramdam pa rin ang taong iinom ng hindi successful na healing potion ng sakit,” wika ni Dr. Mallari at matapos rin nitong sabihin iyon ay napansin ni Kalena na nagdalawang isip ito bago nagpakawala ng buntong hininga. “Ah, bakit ba ngayon ko lang naalala? Masyado ka pang bata, hindi mo kaya ang side effect na iyo—” naputol ang sasabihin nito nang biglang lumikha ng ingay si Kalena.
“Ehyah!”
“Sabi ni Kalena, hindi mo ng ipagpaliban. Kaya daw niya tiisin ang sakit kung sakaling hindi magpatagumpay kaya hindi mo kailangan mag-alala at huwag mo rin pala siyang tawaging bata o nene.”
“Pero…”
Hindi na naman niya mapigilan ang sarili na lumikha ng ingay upang ipahayag niya rito ang kagustuhan niya. Muling sinulyapan ni Kalena si Neon at agad rin naman naintindihan nito ang gusto niyang sabihin sa Doktor.
“Ba’t ka ngayon nagdalawang isip? —Sabi niya. Wala rin naman daw mawawala sa kanya kung susubukan niya iyon.” Napakamot na si Neon sa inis. Naiinis ito, hindi dahil sa ginawa itong mensahero kundi dahil sa doctor na `to. “Ano ba, gayong gusto naman ni Kalena, bakit nagdadalawang isip ka pa ngayon?” Hindi sa hindi nag-alala si Neon pero kung iyon talaga ang gusto ni Kalena, sino ba ito para pigilan siya?
Sa huli ay nakumbinsi rin ni Kalena ang doctor na gamitin nito sa kanya ang gawa nitong healing potions. Wala man kasiguraduhan kung magiging successful ba ito o hindi.
“Kung gano’n sige, pasensya ka na, ha. At sana huwag mo rin isipin na kaya kita tinulungan ay dahil lang sa rason na `to. No’ng tinulungan kita ay hindi pa pumasok sa isipan ko na gamitin ka na subukan itong nagawa ko.” Paliwanag nito.
Pinaikutan niya ito ng mga mata at tiningnan si Neon. Sinabi na niya rito kung anong dapat sabihin kay Dr. Mallari.
“Alam daw niya, kaya di mo na kailangan sabihin iyon. Lalaki ka pero dami mong sinasabi—sabi niya.”
Namula naman si Dr. Mallari sa hiya at napakamot sa ulo.
SUMUNOD NA ARAW, as usual ay maaga pa rin na nagising si Kalena, hindi dahil sa gusto niya kundi dahil sa tunog ng sirena sa labas. Araw araw na lang iyan. Sa ilang araw niyang pananatili rito ay nalaman niya na ang tunog ng siren ana iyon ay nagsisilbi palang alarm clock ng lahat para sa mga residente rito sa kumonidad. Noong una ay nakakayamot pakinggan ang sirena na `to at hindi siya sanay, sino naman hindi? Ah, ang mga tagarito pala ay ang iksemsyon. Normal na sa mga taong tagarito na magising ng ganitong oras.
Walang entertainment rito at kahit na sinuwerte man siya na hindi siya napadpad sa sinaunang panahon pero parang wala pa rin pinagkaiba ang lugar na kinaroonan niya kaysa sa sinaunang panahon.
Walang telebisyon o computer rito na pwede niyang paglilibangan.
Mayroon ngang radio na nasa sala pero masyadong mahina ang signal at dahil din do’n ay wala siyang marinig na maayos bukod sa tunog na ‘Squelch’. Masyadong masakit sa tainga kaya naman hindi na siya muling nag-abalang binuksan niya ang radio. Ito rin ang dahilan kaya maagang natutulog ang mga tao rito.
Ibig sabihin niyon; maagang matutulog, maaga rin nagigising. Minsan napapaisip siya kung obligatory ba na maagang magising at magtrabaho sa ganitong oras.
Dahil wala naman siyang sagot na makuha ay nagpakawala ng buntong hininga si Kalena.
Matagal tagal rin bago huminto ang ingay ng sirena at kahit na nagreklamo si Kalena dahil istorbo ito sa tulog niya ay bumangon an rin siya.
Dumadausdos ang kumot na nakatakip sa katawan niya at balak sana niyang iinat ang katawan pero napahinto siya nang may napansin siyang kakaiba sa kumot.
Putik, dahon at may ilang mga bagay na nakatambak sa ibabaw niya!
Hindi na niya kailangan pang hulaan kung sino ang may kagagawan nito. Iisang hayop lang naman ang maaaring gumawa nito.
Luminga siya sa paligid at hinanap niya ang puting ferret pero hindi niya makita. Nasaan na kaya ito?
Nasa ilalim ba ito ng kama ngayon?
Neon! Kung naririnig mo ang sinasabi ng isipan ko, lumabas ka rito! Kailangan talagang pagsabihan niya ito ng mabuti para hindi na ulit nito gawin ang ganitong bagay.
Hindi rin ito ang unang beses na ginawa ni Neon ito, pero hindi naman ganito katindi—at the very least, noon ay maliit na berries lang dinadala nito pero ngayon?
Hindi lang mga walang kuwentang mga bagay ang dinala nito, dinumihan pa ang sapin ng higaan, paano niya ipapaliwanag kay Dok at Sandra ang maruming sapin?
Habang nag-iisip ay biglang natigilan si Kalena nang may kung anong malambot na bagay na gumagapang sa balikat niya.
Nang tiningnan niya ang kaliwang balikat niya ay biglang nahigit ang kanyang hininga. Namimilog ang mga mata niya na nakatitig sa maliit na nilalang na gumagapang patungo sa leeg niya na dahilan para mas lalong nanayo ang mga balahibo niya.
Wala man siyang lepidopterophobia, pero hindi ibig sabihin niyon na iksemsyon ang mabalahibong uod!
Sa takot na gumapang pa iyon patungo sa itaas at pumasok sa tainga niya ay hindi niya pinigilan ang sariling sumigaw ng matindi. Siya lang naman sa loob ng kwarto kaya wala naman siguro problema kung gawin niya ito `no?
“Ano? May problema ba?!” Kagaya ng inaasahan niya ay nando’n nga sa ilalim ng kama niya si Neon ngunit may oras pa ba na pagalitan niya ito sa ginawa nito?
Lahat ng enerhiya at atensyon niya ay nasa uod na patuloy lang sa paggapang. Paano ba niya aalisin ang uod na `to sa balikat niya? Gumulong? She certainly can’t do that! Paano na lang kung mas lumala pa ang sitwasyon?
Kaya naman nang marinig niya ang boses ni Neon ay agad na nabuhayan siya ng loob at agad na kinausap ito sa pamamagitan ng telepatiya. “Neon! Tulong! Alisin mo itong uod sa balikat ko!”
Mabilis naman na umakyat sa ibabaw si Neon at lumapit sa kanya. “Ah! Nandiyan ka lang pala!” Narinig pa niyang masayang boses ni Neon at saka mabilis na saklutin nito ang mabalahibong uod. Ngunit bago pa makahinga ng maluwag si Kalena ay nakita niya ang sumunod na ginawa nito.
Kitang-kita niya na kinain nito ang iyon ng buhay at naririnig pa niya ang malulutong na tunog sa tuwing nginunguya nito iyon.
Halatang sarap na sarap ang loko!
Matapos nitong kainin iyon ay natigilan ito nang mapansin nito ang kakaibang tingin na pinukol ni Kalena kay Neon.
“Ano? Gusto mo rin ba nitong peepers? Masarap ito; malutong, makatas at mayaman sa protina!”
“Salamat na lang pero ayoko.” Tanggi niya rito pero agad rin na natigilan siya nang may naalala siya. “Neon.”
“Ano iyon?”
“Bakit dinumihan mo ang kumot ko at nagdala ka ng maduming bagay rito sa kwarto?”
Sandaling nanigas katawan nito nang marinig nito ang tanong ni Kalena. Hindi ito agad na nakasagot niya at tila naghahanap ng magandang paliwanag na ibibigay nito sa kanya.
Tinawag ulit niya ito sa pangalan.
“Saan ka nanggaling at bakit ganito na karumi ang kama ko ngayon?”
“Nagugutom kasi ako kagabi.” He blurted out.
“Nagugutom?”
“Hindi kasi ako makatulog kagabi at nakaramdam ako ng gutom, kaya lumabas ako sa bahay para maghanap ng makakain at nagkataon na nakita ko itong peeper sa palayan—hic.” Suminok ito pagkatapos nitong magsalita.
“Neon, wala akong pakialam kung lalabas ka para maghanap ng makakain pero bakit ka pa nagdala ng dumi? Paniguradong magagalit sa atin si Sandra nito. At may posibilidad rin na sa labas ka patutulugin niya!”
Sinok lang ang sagot nito at nang magsimula itong maglakad ay biglang natigilan si Kalena nang mapansin niyang pasuray-suray itong naglakad.
Anong problema nito? Lumarawan sa mukha niya ang pagtataka pero nang makita niya ang tumawa ito ng walang dahilan at mukhang tanga ay agad na naintindihan niya ang nangyayari.
Ang walanghiyang ito ay lasing!
Pero ayos lang naman ito kanina, ah. Ilang sandali ay biglang may naalala siya at biglang naningkit ang mga mata niya.
Iyong mabalahibong uod!
May epekto ba ang uod na iyon `pag kinain?
Hindi makapaniwala na tiningnan niya ulit si Neon. Nasopresa man siya sa natuklasan pero hindi pa rin ibig sabihin niyon na mapapatawad niya ito sa ginawa.
Lagot ito sa kanya kapag nawala na ang pagkalasing nito.
NAGTATAKANG TININGNAN ni Kalena ang doctor nang inilapag nito sa harap niya ang tray sa harap niya. Nakita niya ang malaking mug na naglalaman ng likidong pagkain na kahawig ng sopas at may malaking straw para makakain siya ng maayos.
“Ubusin mo iyan. Maganda iyan sa katawan mo. Sa liit ng katawang mong iyan ay kailangan mo ng sapat na enerhiya para makayanan mo ang epekto ng healing potion. Kahit na siguro walang depekto ang healing potion na ginawa ko ay makakaramdam ka pa rin ng panghihina sa proseso ng pagpapagaling.”
Pagkatapos nitong sabihin iyon ay kinuha nitong maduming kumot mula sa upuan.