FLASHBACK
JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW
Tahimik. Ang tahimik ng paligid ko ngayon. Hindi ba dapat ang unang gabi ng mag-asawa ay intimate? Oo nga pala, hind inga pala normal ang mga nangyayari sa akin. Unang gabi ko bilang isang Mrs. Hildago pero nandito ako sa sala, mag-isang nakaupo sa malambot na sofa habang tinitingnan ang pagtakbo ng oras. Pagkatapos ng kasal ay inihatid kami ni Alvin sa bahay na ito, bahay kung saan magsisimula kami bilang mag-asawa pero nagbihis lang si Alvin at walang pasabing umalis. Tiningnan lang niya ako at pinukulan ng mga matatalim na titig.
Oo nga pala, as if naman na tatabihan ako ni Alvin sa kama. Malamang eh hindi niya matiis na kasama ako sa iisang bubong dahil alam kong napipilitan siya. Hindi niya ako mahal, may mahal siyang iba pero sa akin siya naikasal.
Nababaliw na nga siguro ako, kinakausap ko na ang sarili ko.
Napatingin ako sa bintana at nakita ko ang unti-unting pagsilay ng araw sa asul na kalangitan. Pasikat na ang araw pero wala pa din si Alvin. Hindi ko na din kaya ang antok na nadarama ko kaya tumayo na ako at nagtungo sa kuwarto sa itaas. Pabagsak akong humiga sa malambot nak ama at ipinikit ang mga mata kong pagod. Pakiramdam ko napagod ang buo kong pagkatao. Napagod ang isipan ko dahil sa mga pangyayari. Gusto ko lang naman magpahinga sa ngayon.
PRESENT TIME.
ALVIN HILDAGO’S POINT OF VIEW
“Fuck.” Nanginginig ang mga kamay ko habang hawak ang mga papel na ibinigay ni Abi sa akin kanina. Mga papel na naglalaman ng mga impormasyon tungkol kay Jessica sa nakalipas na taon. Habang binabasa ko ang mga ito ay parang pinipiga ang puso ko, pakiramdam ko may kadenang pumupulupot sa leeg ko. Na para bang pinipigilan akong makahinga. Ilang beses akong huminga ng malalim, pilit kinakalma ang aking sarili. Muli kong tiningnan ang papel na hawak ko. Kita ko ang pangalan ni Jessica na nakasulat sa malalaking titik at kalakip nito ang larawan niya na malaki ang tiyan.
“Buntis siya noon? May anak kami?” tanong ko. Para akong baliw na kinakausap ang sarili ko. “Nasaan ang anak ko? Bakit wala siyang sinabi sa akin? Karapatan kong makilala ang anak ko,” sabi ko. Ang daming tanong na gumugulo sa isipan ko. Ano bang pangalan ng anak ko? Lalaki ba o babae? Nag-aaral ba siya? Sino kasama niya kapag nagtatrabaho si Jessica, knowing na wala namang ibang kamag-anak si Jessica.
Tinatambol ng malakas ang puso ko. Nandoon ang kasabikang makilala ko ang anak ko. Mabusisi kong binasa ang bawat papel na nasa folder. Ang kasabikang nararamdaman ko ay agarang naapula ng lungkot dahil sa isang pahina na nabasa ko.
The baby died due to Congestive heart failure. The baby died at age of 8th months old.
Paulit-ulit kong binabasa ang sentence na ito, ngunit hindi ito nagsi-sink in sa utak ko ang ibig sabihin nito.
Parang binibiyak ang puso ko dahil sa nabasa ko. Ano kaya ang nararamdamn ni Jessica ng mga panahong ito? Mga panahong pinili kong saktan at kalimutan siya, nagpapakasaya ng mga panahong ito samantalang siya ay naghihirap, nagdudusa, nagluluksa.
Tama nga si Mommy, napakawalang kuwenta kong tao. Nabulag ako ng pagmamahal ko kay Irene. Napakasama kong tao. Ngayon isa-isang bumalik sa akin ang mga masasamang ginawa ko sa kanya. Kung papaano ko siya saktan noon.
Napakasamang tao ko.
Hindi na ako magtataka kung bakit ayaw na niya magpakita sa akin. Ayaw niyang makasama ako sa iisang lugar. Naiintindihan ko.
Bukod sa nalaman ko tungkol sa anak namin ay nalaman kong marami siyang trabahong pinasukan gaya na lamang ng pagiging waitress sa isang club, vendor sa palengke, maging gasoline girl. Hindi ko din maintindihan kung bakit nag-settle siya sa mga ganitong trabaho gayong pwede siyang magturo.
Ah, baka natatakot siyang ipahanap ko siya.
“Kuya.” Nakita ko si Abi na nakatayo sa may pinto ng office ko. Magkasalubong ang kanyang mga kilay at alam kong nag-aalala siya.
“Ang sama kong tao, Abi. Napakasama ko,” sabi ko. Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko.
“Lahat ng tao, nagkakamali.”
“Ang sama ko. Sinaktan ko siya, nagdusa siya sa piling ko.”
“Hindi pa huli ang lahat, kuya. Hindi pa huli upang humingi ng tawad.”
“Gusto kong humingi ng tawad sa kanya. Kung maaari lang babawiin ko ang sakit na ibinigay ko sa kanya noon. Kung gusto niyang gumantib sa lahat ng mga pasakit na ibinigay ko sa kanya, I will let her. I will not stop her for doing what she wants with me. If she wants to kill me, I will let her do it.”
“Kuya, hindi naman ganyan si Jessica. I know her so well, hindi niya gagawin iyon. I know she can forgive you.”
“Nasaan na siya? Bakit wala sa ibinigay mo ang location niya?” tanong ko. Napabuntong hininga si Abi at nailing.
“Actually, hindi makita ni Patrick ang location niya. Huling nakita si Jessica sa isang bus stop. Hindi malaman kung anong ruta ang bus na sinakyan niya. Patrick is doing his best to find her,” sagot niya sa akin.
“Bilisan niya ang paghahanap kay Jessica. Triplehin ko pa ang bayad ko sa kanya. I just really want to see her.”
“Paano na si Irene, kuya? Alam ba niya na nakita mo si Jessica?” Umiling ako bilang sagot.
“Wala pa siyang alam. Hindi na din kami gaano nakakapag-usap. Busy siya sa kanyang career. Ang alam ko nasa abroad siya para sa isang show niya.”
“Kapag nalaman ito ni Irene, I’m sure na aapoy at uusok ang ilong niya sa galit. I know how she despised Jessica. Ayusin mo na kuya ang gulong ito, utang na loob.”
Tama, akala ko maayos ang lahat, pero nang makita ko ulit si Jessica, doon ko napagtanto kung gaano ako kagago at kagulo ng paligid ko. I really need to find her.