FLASH BACK
JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW
“Ano, kumusta ang buhay may-asawa?” tanong ni Abi sa akin. Napailing na lang ako sa kanya. Minsan hindi ko alam kung anong isip mayroon itong kaibigan at hipag ko. Alam naman niya ang kalagayan ko, ang sitwasyon ko pero parati siyang nagtatanong kung kumusta ako bilang isang Mrs. Hidalgo. Alam naman niya ang sagot, pero para bang umaasa siya na may magbabago.
“Alam mo naman ang sagot sa tanong mo iyan,” sabi ko sa kanya. Hinawakan ko gamit ang dalawang kamay ko ang mug ng espresso ko. Ang tapang ng kapeng ito, sana man lang makahugot ako ng tapang para kausapin ang asawa ko. Sa isang linggo, isang beses lang siya uuwi. Kukuha lang siya ng gamit niya at aalis din. Para akong hangin sa paningin niya.
“Hindi pa ba kayo nagse-s*x ni kuya?”
“Hoy ano ka ba?!” sigaw ko. Napatingin ako sa paligid at ang ibang mga customer dito sa café ay naatingin sa amin.
“O bakit? Hindi ba’t normal lang iyon? Mag-asawa naman kayo,” sabi niya pa.
“Nakakahiya sa mga nakakarinig. Saka ano ka ba? Alam m namang hindi umuuwi ang kuya mo sa bahay namin, papaano mangyayari iyon?” sabi ko.
“Oo nga pala. Ano ba naman kasi iyang si Kuya. Alam mo ba sa office siya natutulog. One time pumunta ako sa office niya, halos doon na siya nakatira. Sabi ko nga umuwi na siya sa iyo eh,” sabi niya pa. Pinanuod ko kung papaano niya paikot-ikutin ang straw ng frappe niya.
“Hindi ba ang sabi ni Madam S—”
“Mommy. Mommy mo na siya okay?” putol niya sa akin. Tumango naman ako.
“Hindi ba ang sabi ni Mommy ay pakasalan lang niya ako? Hindi naman sinabi na tumira kasama ko,” sabi ko.
“Ikaw parang timang. Natural mag-asawa sa iisang bubong lang dapat nakatira. Stand up for yourself Ica. Paglaban mo pagmamahal mo kay kuya.”
Napabuntong hininga na lamang ako. Mahirap naman talaga ang sitwasyon ko. I am torn between my gratitude to Madam Sol and my love for Alvin. Alam ko naman ang gulong pinasok ko.
“Wow, look who’s here.” Napatingin kami ni Abi sa nagsalita. Parang umurong ang dila ko nang makilala kung sino ito. Huling kita ko sa kanya ay noong December last year pa. Mahaba na ang buhok nito at mas lalong kuminis ang kanyang balat. Angat na angat ang kagandahang mayroon siya.
“Yeah, look who’s here,” sabi ni Abi. Umikot pa ang mata ni Abi at sumimangot.
“Bilang lang ang oras ng pagiging Mrs. Hidalgo mo,” sabi ni Irene sa akin. “Ikaw nga ang asawa niya, pero ako ang mahal niya. Kasal lang kayo sa papel, pero sa akin siya umuuwi,” dagdag niya pa. Parang binibiyak ang puso ko dahil sa mga naririnig ko. Alam ko naman iyon eh, pero mas masakit kapag halos isampal na sa iyo ang katotohanan.
“Well, sa mga oras na ito, isa kang kabet. Kerida, eskabetse, the other woman, mistress,” sabi ni Abi. “Sabihin na nating ikaw ang mahal ng kapatid ko, hindi maikakailang sa mata ng Diyos at sa batas, kasal silang dalawa. Isa kang bagahe na hindi mabitaw-bitawan ng kapatid ko. Isang garapatang patuloy na nakadikit sa kanyang host!” Mas lalo akong nagulat nang biglang ibinuhos ni Abi ang frappe niya kay Irene.
PRESENT TIME:
“Ayan! Good! Nice pose!” Nandito ako sa isang studio at pinanunuod si Carl na pinipicturan. Kung noong nakaraan ay kulay blonde ang buhok niya, ngayon naman ay neon green. Malayo ka palang kitang-kita na siya. Kumusta naman ang buhay ko as a P.A. ni Carl? Well, masasabi kong magaan at so far masaya.
Iniisip ko nga kung nagtatrabaho ba talaga ako eh. Kasi naman kapag bibitbitin ko ang mga maletang may laman ng damit niya, bigla niya itong aagawin sa akin at siya na ang magbibitbit. More like ang papel ko lang sa buhay niya ay taga-bili ng kape niya sa Tim Hortons. Napaka-generous din nitong amo ko, pinahiram niya sa akin ang isa niyang studio type condo unit niya. Sobra-sobra na nga ang naitulong ni Carl sa akin. Kailan lang kami nagkita pero pakiramdam ko matagal na kaming magkakilala.
“Carl, give me a smirk,” sabi ng photographer. Mabilis namang sumunod si Carl at halos magtilian na ang mga babaeng nandito sa studio.
Nang matapos ang photoshoot ay sumunod na ako kay Carl sa kanyang dressing room. Mabilis kong inabot sa kanya ang kape na pinabili niya kanina at agad naman niya itong tinanggap.
“Pogi ko ba? Narinig mo ‘yung mga tilian kanina?” sabi niya. Napataas na lang ako ng kilay sa sinabi niya. Minsan talaga, may pagkamayabang siya.
“Pogi? Okay lang. Sakto lang,” sagot niya. Para naman siyang gulat na gulat at nanlalaki pa mga mata.
“Hindi ka napogian sa akin? ‘Yung isang babae nga na may hawak na reflector ay halos maihi na sa kilig eh,” sabi niya.
“’Wag mo ko itulad sa kanya. Trabaho ay trabaho,” sabi ko sa kanya.
“Hindi makakasabay si Jil Maria sa atin. Saan mo gusto mag-dinner?”
“Mas gusto kong umuwi at magluto ng lomi,” sagot ko sa kanya.
“Well kung ganoon, bakit ‘di tayo umuwi sa unit mo at ipagluto mo na din ako ng lomi.” Napangiti na lang ako sa kanya. Nagligpit na kami ng mga gamit niya at as usual, inagaw niya ang kanyang mabibigat na gamit. Nagtungo na kami sa parking lot at sabay pumasok sa pula niyang kotse.
“Alam mo, hindi ko alam kung nagtatrabaho ba ako,” sabi ko sa kanya. Huminto ang sasakyan dahil umilaw ang red traffic light. Napalingon siya sa akin at nakita ko ang nagtataka niyang mga mata.
“Ano ibig mong sabihin?” tanong niya.
“Hindi ba P.A mo ako? Dapat ako nagdadala ng mga gamit mo, make sure na maayos ang lahat. Parang ang nagagawa ko lang ay bumili ng kape mo eh,” sagot ko. Napangit siya at kalaunan ay natawa.
“Ano ka ba? Hindi porket PA ay alila na talaga ang trato ko sa’yo. Hindi naman ako baldado or something. Hindi din naman ako tamad, I hired you para may umalalay lang sa akin. Hindi gawing alila. Kung ano-ano ang iniisip mo. Bilisan na natin, gusto kong matikman ang lomi mo. Gusto ko ‘yung may chicharon ah.”
Hindi ko mapigilang mapangiti sa kanya. Kapag kasama ko siya, parang ang gaan ng paligid ko.