FLASH BACK
JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW
“Girl, ang ganda mo talaga!” sabi sa akin ni Abi habang pinapanuod akong ayusan ng makeup stylist na kinuha ni Madam Sol. Bumagay ang sa akin ang nude color na inilagay ng makeup artist sa akin. Hindi ko na gaano ipapaliwanag kung ano ang hitsura ko.
Sabay kaming napalingon nang may kumatok sa punto at dumungaw ang isa sa kasama ng wedding organizer na kinuha din ni Madam Sol.
“Ma’am Abi, Ma’am Jessica, be ready na po within 10 minutes. Mag-start na po tayo,” sabi nito sa amin.
“Okay! Thank you!” sabi ni Abi. Ako naman ay tumango lang.
Tumayo na ako at tinulungan ako ni Abi na atyusin ang wedding gown na suot ko. Pakiramdam ko ako si Princess Diana noong kinasal siya, mag pagkakahawig kasi sa gown niya ang suot ko. Kinuha ko na din anfg isang boquet ng red roses na maganda at maayos ang pagkaka-assemble.
Isang garden wedding ang gusto ni Madam Sol. Wala naman akong alam sa mga ganitong bagay kaya hinayaan ko na siya ang magplano ng lahat. Para akong tubig sa ilog na go with the flow lang. Sa isang resort na pagmamay-ari din ng Hidalgo ang venue ng kasal namin. At sa totoo lang, isang linggo kong hindi nakikita si Alvin.Mula ng nalaman kong pumapayag na siyang magpakasal sa akin, hindi na ulit siya bumalik ng mansion. During the preparation ay wala naman siya. Hinayaan namin dalawa na si Madam Sol ang mag-asikaso ng lahat.
Huminga ako ng malalim at nagsimula ng lumakad. Maikli lang naman ang aisle pero pakiramdam ko ilang kilometro ang dapat kong tahakin bago makarting sa dulo kung nasaaan si Alvin. Nasa gitna na ako nang makita ko siya nang husto.Bagay na bagay sa kanya ang 3-piece suit na kulay puti. Maayos ang pagkakasuklay ng kanyang buhok. Pero hindi pangkaraniwan ang kasal namin, alam kong napipilitan lang siya. Oo natutuwa ako,pero hindi ko kayang lubusang maging masaya dahil alam kong labag ito sa kalooban ni Alvin. Naiipit ako sa pagitan ng pagmamahal ko kay Alvin at sa pagtanaw ng utang na loob kay Madam Sol.
Parang naging hangin ang lahat ng mga pangyayari Hindi ko nga matandaan ang mga sinasabi ng pari o ang mga sagot namin dalawa. Pero may isaang bagay na tumatak sa isip ko. Habang nasa reception kami, bumulong si Alvin sa akin na nagpatindig sa mga balahibo ko.
“Welcome to my hell…”
PRESENT TIME:
“I’m sorry, unfortunately, you didn’ty passed the interview. You were actually good for the 2 questions however; we really need someone who is more knowledgeable in terms in technical. You can reapply to us after 30 days. Thank you so much for your time.”
Ngumiti na lang ako at tumango. Tumalikod na ako at derestong lumabas ng building. Pang-ilang company na ba ito? BPO company to be specific. Hindi ko akalain mahirap pala makapasok dito,akala ko Madali lang. Okay naman ang grammar ko kaso talagang mahirap makapasok sa kanila.
Napaupo ako sa isang tabi at hinubad ang suot kong doll shoes. Napansin kong pudpod na ang dulo nito at mukhang naghihingalo na. Kung nakakapagsalita lang ang sapatos ko malabang sinabi na niting pagid siya. Paubos na din ang hawak kong pera, ilang linggo na din akong nananatili sa Baguio. Hindi pwedeng manatili ako sa gnitong sitwasyon.
Kung tawagan ko na kaya ang Carl na iyon? Wala naman sigurong masama kung maging PA ako. More like utusan lang ako doon. Ayoko na muna magig choosy pa sa trabaho.
Kinuha ko ang calling card na ibinigay niya sa akin noon ay tinawagan ito. Matagal bago ito nasagot, siguro mga 13 seconds bago nasagot ang tawag ko.
“Hello?” isang baritonong boses ang sumagot sa tawag. Napatingil at napaisip.Si Carl ba iyon? Bakit parang iba ang boses niya?
“Can I speak with Mr.Carl Jimenez?”
“Speaking.”
“Hi, Carl.Si Jessica—”
“Nasaan ka?” bigla niyang tanong.
“Ha?”
“Where are you? Alam mo bang ang tagal kong naghihintay sa tawag mo? Nasaan ka? Pupuntahan kita.
“Ha? Eh dito ako sa may tapat ng isang pharmacy, sa tapat lang ng isang malaking building.”
“’Wag kang aalis diyan ah. Pupuntahan kita,” sabi niya at naputol na ang linya. Napailing na lang ako. Hindi man lang tinanong kung ano angd ahilan ng tawag ko. Obvious na hinihintay nag tawag ko.
Masunurin naman ako at hinintay ko siya. Wala pang 20 minutes ay may humintong pulang kotse at lumabas ang isang matipunong lalaki.Blonde ang buhok nito at nakasuot lamang ng body fit na sando at maong pants. Napapalingon tuloy ang mga ilang napapadaan lalo na ang mga kababaihan. Sino ba namang hindi mapapalingon kung may biglang lalabas na guwapo sa isang magarang kotse.
“Jessica!” sabi niya. Napataas ang kilay ko.
“Carl?” tanong ko.
“Oo. Ano ka ba, nakalimutan mo na ang kagwapuhan ko?” sabi niya.
“Tanga, hindi kita nakilala agad dahil sa ayos mo. Bakit blonde ka na? Mas bagay sa’yo dati ang buhokmo,” sabi ko. Bigla naman siyang napangiti.
“Blonde ako for today’s video. May photoshoot ako sa totoo lang. Ano tara na?” sabi niya. Nagsalubonmg naman ang mga kilay ko. Hindi ko siya naintindihan.
“Ha? Saan?”
‘Hindi ba’t you call me dahil you want to become my PA?” tanong niya.
“Oo. Bakit mo nalaman? Papaano? Psychic ka ba?” tanong ko.
“Hindi ba’t sinabi ko na tawagan mo ako if you considering to be my PA? Kaya, I know the reason why you call dahil iyon ang usapan natin.” Paliwanag niya.Naiiling na lamang ako.
“Oo na. Matalinong unggoy ka,” I said.
“Unggoy? At least guwapo.”
Pinagbuksan na niya ako ng kotse at sumakay ako sa passenger seat. Hindi ko alam kung saan niya ako dadalhin pero palagay ang loob ko sa kanya. I know from the bottom of my heart na hindi siya masamang tao.