Flash Back
Jessica Lovete’s Point of View
Christmas with the Hidalgo’s is different. O dahil lang siguro na ito ang unang pasko ko na wala si Nanay at ibang tao na ang kasama ko. Nahihiya ako dahil ako lang naman ang walang regaling maibibigay sa kanila, pero nag-bake naman ako ng cookies at inilagay sa isang cute na box at ito ang balak ko ibigay sa kanila. Kahit papaano ay masuklian ko ang kabaitan nila sa akin.
“Merry Christmas!” sigaw ni Abby. Para siyang bata na nagtatatalon paikot sa malaki nilang Christmas tree. Sa ilalim ng puno ay may mga regalong maayosna nakalagay doon.
“Abby, mamaya ka na umiikot-ikot diyan. Alam kong excited ka ng magbukas ng mga regalo ppero we needto have a feast first. Kumain muna tayo. Maraming pagkain ngayon at lahat ay paborito niyo ng kuya mo,” sabi ni Madam Soledad. Naunang pumasok sa dining room si Madam Soledad at si Abby naman ay lumapit sa akin at umabre-siyete.
“Ikaw naman bakit nananahimik ka sa gilid. Hindi ka maupo sa tabi namin,” bulong niya.
“Eh nahihiya ako sa kuya mo. Baka sabihin niya ang feeling close ko sa inyo,” sagot ko.
“Ikaw naman parang bago ka sa amin dito. Ilang buwan na tayong magkakasama dito. Hayaan mo ‘yan si Kuya. Tara na nga. Tinatawag na ako ng Carbonara,” sabi niya. Napangiti na lang ako. Mahilig kasi si Abby sa mga pasta dishes lalo na ang Carbonara at Lasagna.
Pagpasok namin sa dinning room ay nakaupo na sa unahan si Madam Soledad. Nasa kanan niya si Alvin na katabi naman nito ang kanyang girlfriend. Umupo naman si Abby sa kaliwa at tumabi naman ako sa kanya.
Nagdasal lang muna kami bago kumain. Tahimik lang akong kumakain at nakikinig lang sa kanila. Hindi naman ako maka-relate sa mga usapan nila dahil more on negosyo ang topic nila.
“Kailan pa nandito sa bahay iyang si Jesica?” Napatigil ako nang magsalita si Alvin at tinatanong ang tungkol sa akin.
“Since vacation nandito na siya. Anak siya ng best friend ko unfortunately, she passed away and Jessica has no one now kaya kinupkop ko siya,” paliwanag ni Madam Soledad.
“And now she’s my sister and best friend!” sabi naman ni Abby. Tumango-tango naman si Alvin. “Sa St. Mary’s din siya nag-aaral kuya. Future teacher ‘yan!” dagdag pa ni Abby.
“I see. Good for her,”sabi niya. Napatingin siya sa akin at tipid akong ngumiti. Mabilis din akong mag-iwas ng tingin.
Isa sa mga napansin ko ay ang girlfriend niya. Hindi siya pinapansin ni Madam Soledad,para bang hangin lang siya paligid. Ganoon din naman si Abby. Hindi ko maintindihan kung bakit. Para bang mabigat ang pakikitungo nila sa babae.
“Anyway mom, Abby, ma and Irene is planning to get married next year,” sabi ni Alvin. Bigla na lamang natahimik ang paligid. Maging ang mga kubyertos na kanila ay kumakalansing at natahimik.
“Marry? Next year? Nagmamadali ka naman ata,” sabi ni Madam.
“We are both stable naman na—”
“How come that you will say stable? May sarili ka bang negosyo?” sabi ni Madam Soledad.
“We have business—”
“Iyan na nga ba ang sinasabi ko. You are planning to get married pero wala ka pang napapatunayan. Hindi ka pa nga nakakahawak ng kahit anong posisyon mo sa kompanya. Mukhang nahihibang ka, Alvin.”
“Mommy, papaano ako makakahawak kung ‘di mo ko binibigyan?”
“Do you think capable ka na? Ang gustomo hawakan ang mataas na posiyon and I will not give that to you. You need to work your goddamn ass all the way up.”
“Mom!”
“Sana Kuya, pumili ka ng magandang oras to announce that. Christmas o,” sabi ni Abby. Nagpalipat-lipat na ang tingin ko sa kanilang mag-iina.
“Why do I feel na ayaw niyo kay Irene? Wala naman siya ginagawa,” sabi ni Alvin.
“O dear, mukhang wala kang alam,” sabi ni Madam.
“I’m sorry. What are you pertaining to?” biglang tanong ng girlfriend ni Alvin.
“I;m full. Bakit hindi na natin buksan ang mga regalo?” sabi ni Madam Soledad.
At kahit hindi pa ko tapos kumain ay hinila na ako ni Abby palabas ng dinning room. Napalingon ako kina Alvin at nakita ko namang tumayo na din sila ng nobya niya.
Excited na binuksan ni Abby ang mga regaling nakapangalan sa kanya. Para siyang bata na ngayon lang nakatanggap ng regalo. Ako naman ay naupo lang muna sa malambot nilang sofa.
Nakita kong may inabot si Madam Soledad kay Alvin na isang folder. Nagtatakang binuksan ito ni Alvin at isang pirasong papel ito.
“Contract of Employment?” bas ani Alvin.
“Yes. Starting next year, you will be working as a regular employee sa company.”
“How about my studies? I still have 6 months left sa MA ko,” sabi ni Alvin.
“May online naman hindi ba? This will be the right time to prove yourself, Alvin. Kaya kung ano mang plano ang naiisip niyong dalawa, itigil niyo muna. Company will be the first and foremost.”
Hindi na nagsalita pa si Alvin at tumango na lamang. Naiiling na lang ako sa kanila. Para akong nanunuod ng soap opera na pinalalabas tuwing hapon.
Katulad ng sinabi ko kanina, nag-bake ako ng cookies at isa-isa itong binigay sa kanila.
“Aww ang sweet mo naman, Jessica!” sabi ni Madam Soledad at nagulat ako nang yakapin niya ako ng mahigpit. Agad ko naman itong sinuklian. Ganoon din ang ginawa sa akin ni Abby. Lumapit ako kay Alvin at kay Irene at binigyan ko sila ng tig-isang box ng cookies.
“Thank you,” simpleng sabi ni Alvin. Pibigilan kong kiligin.Kahit ganoon lang ang palkitungo niya ay sapat na para makaramdam ako ng kilig.Pero kailangan kong maghunos dili dahil alam ko namang in a relationship na siya.Pero hindi naman masama na maging crush siya hindi ba? Hindi naman niya malalaman.
“Welcome,” sagot ko.