FLASH BACK
Jessica Lovete’s Point of View
“O how is your day, my dear best friend?” tanong sa akin ni Abby. Nasa garden kami ngayon ng mansyon at abala sa aming mga home works. Napatigil ako sa pagbabasa at tiningnan si Abby.
“Okay naman.Ang dami ko lang kailangang gawing lesson plan,” sagot ko.
“Buti naman.”
“Ikaw ba? Kumusta ka?”
“Ayun, burn out ang lola mo. Ang daming need pag-aralan. Napapaisip tuloy ako kung tamang desisyon ba ang pagkuha ko ng kursong ito,” sagot niya sa akin. Napangiti ako. Ilang buwan na ang nakalilipas mula nang magbukas ng klase at sa totoo lang, masasabi kong gumaganda ang buhay ko habang nasa poder ako ng mga hIldago. Ako na lang ang nahihiya kay Madam Soledad dahil siya na ang gumagastos sa pag-aaral ko at kung may mga kailangan ako ay naibibigay niya. Masaya naman ako ngayon dahil naipagpatuloy ko ang aking pag-aaral. Maayos naman ang experience ko sa college. I have mababait na blockmates at professors. So far wala pa ko na-encounter na terror pfoessor.
“Oo nga pala, sa Christmas ata uuwi si Kuya dito,”sabi ni Abby sa akin.
“Kuya?”
“Yes, si Kuya Alvin. Ang sabi niya sa akin last time na nag-usap kami ay uuwi siya this Christmas. Hindi mo pa pala siya nakikilala. Wait, pakita ko picture niya,” sabi niya sa akin. Kinuha niya ang kanyang cellphone at tinipa ito. Maya-maya ay iniharap niya sa akin ito at nakita ko ang isang larawan ng lalaki. Fair skin, maitim na mga mat ana siyang nakakuha ng atensyon ko. Pakiramdam ko kayang higupin nito ang kaluluwa ko. Picture palang iyon, papaano na kung personal? Mahaba ang buhok nito hanggang balikat. Para bang member ito ng isang boyband sa ibang bansa. “Iyan si Kuya Alvin. Matanda siya sa akin ng limang taon.”
“Bakit ilang taon ka ba ngayon?”
“Nineteen,” sagot niya.
“Matanda pala ako sa’yo ng apat na taon. Twenty-three ako ngayon eh.”
“Ikaw pala ang ate sa atin pero hayaan mo na. Anyway, sa America kasi nag-aral si Kuya. Kumukuha siya ng master’s degree doomn. Alam mo na, siya kasi panganay kaya siya magmamana ng company ni Daddy. Sa Christmas ay ipapakilala ka namin sa kanya,” sabi niya sa akin.
“May social media ba ang Kuya mo?” tanong ko.
“Uy interesado. Mayroon naman. Hindi lang siya ganoon ka-active sa social media.”
Mula ng araw na ipinakita ni Abby ang picture ng kuya niya sa akin ay hindi ko mapigilang hanapin ito sa social media. Mayroon naman ako nakita, nag-iisang account at blue check naman kaya alam kong siya iyon. Aaminin ko, naging crush ko ang kuya ni Abby. Sino ba ang hindi kung makikita mo ang pictire niya. Para bang miyembro siya ng Westlife o kaya naman ng Backstreet Boys. Hindi ko mapigilang ma-excite sa darating na pasko.
2 DAYS BEFORE CHRISTMAS
“OMG Jessica!” Nagulat ako dahil sa biglang pagtalon ni Abby sa kama namin. Nag-movie marathon kami kahapon kaya dito na ko natulogsakuwarto niya at ito na nga ay umaalog ang utak ko dahil sa pagtalon niya.
“Ang aga-aga nag-iingay ka. Tama na ang talon,nahihilo ako!”reklamo ko.
“Jessica! Uuwi na si Kuya today! Yes! Miss na miss ko na ang kuya ko!”
Paglabas namin ng kuwarto ay napansin kong abala ang lahat. Bukod sa magpapasko na ay talagang pinaghahandaan nila ang pagdating ng isa pang anak ni Madam Soledad. Ang sabi ni Abby ay ilang pasko ang nagdaan na hindi nila kasama si Alvin kaya excited sila sa pag-uwi ngayon.
At sa totoo langexcited din ako makita sa personal ang nag-iisang anak na lalaki ni Madam Soledad.
Hapon na nang may humintong pulang kotse sa tapat ng mansyon. Nauna pa si Abby sa kanyang ina na salubungin ang kuya niya. Nakita kong niyakap niya ang kanyang kuya. Hindi ko pa masyado makita ang kuya niya dahil nasa loob lang ako. Maya-maya ay pumasok na sa loob ng mansyon ang lalaki at niyakap na ito ni Madam Soledad. Dito ko nakita na matangkad pala ang lalaki. Siguro dahil galing sa ibang bansa ay maumula-mula ang balat nito ngayon. Dito ko mas lalong nakita na matangos ang ilong nito.
“Alvin! I miss you so much!” sabi ni Madam Soledad.
“I miss you too, Mommy. Namimiss ko na din ang luto mo,” sabi nito. Baritono ang boses nito. Katulad ng nasa larawan ay mahaba pa rin ang buhok nito. Tuwid na tuwid at lagpas balikat na.
“Oo nga pala Kuya! Meet my best friend and sister!” sabi ni Abby. Lumapit si Abby sa akin at hinila ako papalapit sa kuya niya. Dahil dito ay mas nakita ko ng malapitan ang mukha ng Kuya niya.
“Kuya, this is Jessica, my best friend! Anak siya ng best friend ni Mommy!”
Nagkatama ang aming mga mata at para akong hindi makahinga. Ang puso ko ay bigla na lamang tumibok ng mabilis na daig ko pa ang tumakbo ng malayo. Mas lalo akong hindi makahinga nang ngumiti siya sa akin.
“Hi! My name is Alvin,” sabi niya. Napatingin ako sa labi niya na para bang ang sarap halikan dahil natural na mapula ito. Inilahad niya ang kanyang kamay niya at hindi ko alam kung tatanggapin ko ba iyon. Para akong naging tuod dahil hindi ko man lang magalaw ang kamay ko o kahit man lang makapagsalita.
Napakurap ako nang kalabitin ako ni Abby kaya pinilit ko ang sarili kong magsalita.
“H-hello. J-jessica pala,” sabi ko. Nanlalamig ang mga kamay kong tinanggap ang palad niya at nahigit ko ang hininga ko nang maramdaman ko ang mainit niyang palad.
“Anyway, may kasama pala ako Mommy and Abby.” Lumingon siya sa labas at dito na pumasok ang isang babae. Matangkad, balingkinitan ang katawan, maputi, blonde hair na hanggang baywang ang haba at higit sa lahat may asul na pares ng mga mata.
“Mom, Abby,meet my girlfriend. Her name is Irene.”
“Hello, Tita! And Abby! Nice to meet you!” Hindi ko alam pero pakiramdam ko nag-iba ang hangin sa paligid. Para bang naging malamig.
“Anyway, kumain na ikaw Alvin? Nagluto ako ng paborito mo,” sabi ni Madam Soledad. Nagtaka ako dahil hindi man lang pinansin ni Madam ang girlfriend ni Alvin.