Chapter Ten

1073 Words
FLASH BACK JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW Sa paglipas ng pasko at bagong taon ay parang naging ordinaryong araw na lamang. Ang nobya ni Alvin ay bumalik sa Amerika isang araw bago ang bisperas ng bagong taon. Hindi ako sanay na sinalubong ko ang bagong taon na sobrang tahimik. Hindi tulad noong buhay pa ang nanay ko na kahit dalawa lang kami ang maingay ang paligid. Dito natuirngang maraming tao pero napakatahimik. Pagdating ng Enero ay nagsimulang pumasok si Alvin sa kanilang kompanya. Kami naman ni Abby ay nagsimula namang pumasok sa klase. “Abby,” tawag ko sa kanya. Nasa garden kami ng eskwelahan at nagkataong vacant namin dalawa. “O bakit?” tanong niya. Dinig ko ang kaluskos ng paglipat niya ng pahina ng librong binabasa niya. “Bakit feeling ko ayaw niyo sa girlfriend ng kuya mo?” tanong ko. “Ah,” sabi niya. “Well, unang kita ko palang ayaw ko na sa kanya. Pinakilala siya sa amin ni Kuya sa Skype noon bago sila umuwi. Kita ko agad na nakanguso si Mommy. Unang kita ko palang sa babaeng iyon ay mabigat na ang pakiramdam ko. Feeling ko ay oportunista siya,” sagot niya sa akin. Napaisip ako. Papaano kaya niya nasabi ito gayong hindi pa naman niya lubusang kilala ang babae? “Parang ang judgmental mo naman, Abby,” sabi ko. Pinigilan ko na lamang mapailing. “Ay naku, Jessica! Bahala na masabihan na judgmental, basta I don’t like her,” sabi niya. Mabilis lumipas ang araw at ngayon nga ay pauwi na ako sa mansyon ng mga Hidalgo. Hindi ko kasabay si Abby dahil may group project pa sila na dapat tapusin. Paakyat na sana ako sa taas papunta sa kuwarto ko nang makasalubong ko si Alvin. Nakasuot siya ng pang-opisina niya at ang kurbata ay hindi maayos. Mukhang kakauwi lang din niya. “H-hello,” sabi ko. Tipid siyang ngumiti at tumango. “Galing kang school?” tanong niya. “Oo. Kakauwi ko lang,” sagot ko. “That’s good. Mag-aral ka ng mabuti. Baba muna ako, pinatatawag ako ni Mommy sa office niya,” sabi niya. Tumango ako at gumilid upang makababa na siya sa hagdan. Pagkalagpas niya sa akin ay dali-dali akong pumasok sa loob ng kuwarto ko at napasandal sa pinto. Sa totoo lang, pinipigil ko ang aking kilig. Ito ang pinakamahabang pag-uusap namin ni Alvin mula nang magkakilala kami. Oo na! Obvious naman na crush ko si Alvin. Kahit sino ba naman makakaita kay Alvin ay paniguradong hahanga. Unang-una guwapo, halatang matalino, edukado. Pero alam ko naman na wala naman akong pag-asa dahil may nobya na ang tao. Balak na nga nilang magpakasal. Kaya hanggang paghanga lang dapat ako. Napapitlag ako nang nakakarinig ako ng sigaw. Sa laki ng mansyon ay parang dumadagundong ang sigaw na iyon. Alam kong boses iyon ni Alvin. Lumabas ako ng kuwarto at sinilip ang nangyayari. Napansin kong maging ang mga kasambahay na nasa paligid ay tila nagtataka at napatigil sa kanilang mga ginagawa. “Anong nangyayari?” tanong ko sa isa sa kanila. “Mukhang nagtatalo sina Madam Soledad at Sir Alvin,” sagot niya sa akin. Naalala ko na nagtungo nga pala si Alvin sa opisina dahil may pag-uusapan sila. “This is bullshit!” sigaw ni Alvin. Bumukas ang pinto ng opisina ni Madam at lumabas si Alvin na halatang galit na galit. Mabibigat ang bawat hakbang nito. Huminto siya saglit sa paglalakad at lumingon sa akin. Kita ko ang nangangalit niyang mga mata at masama ang pinupukol niyang tingin sa akin. Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan at nasaktan ako. Naiiling siya at lumabas ng mansyon. “Alvin! Pag-isipan mong mabuti!” sigaw ni Madam Soledad. Lumabas si Madam at muling sumigaw pero hindi na siya pinansin pa ng anak niya. Nagtataka kaming lahat dito sa mansyon kung ano ba ang nangyayari sa mag-ina. “O ano mayroon? Nakita ko si kuya mukhang galit,” sabi ni Abby na kapapasok lang ng mansyon. “Later na lang tayo mag-usap, Abby. Sumasakit ang ulo ko sa kapatid mo.” Tumalikod na si Madam Sol at muling pumasok sa opisina nito. “Anong nangyayari?” tanong sa akin ni Abby. Hindi ko naman alam ang sagot kaya itinaas-baba ko na lamang ang mga balikat ko. Mula nang araw na iyon, hindi na umuwi si Alvin sa mansyon. Pero naririnig ko na pumapasok pa din sa kanilang office si Alvin, hindi na nga lang umuuwi dito. Sa tingin ko matindi talaga ang away nilang mag-ina. Wala din namang sinasabi sa akin si Abby tungkol sa kanila. Hindi ko rin naman gawain ang tanungin ang mga nangyayari dahil pamilya naman nila iyon. Pero hindi maalis sa aking isipan ang masasamang titig na ipinukol sa akin ni Alvin mula nang araw na iyon. Pakiramdam ko ako ang dahilan ng away. Hindi kaya ayaw ni Alvin na dito ako nakatira? Na pakiramdam siguro niya ay nakakaabala ako, nakakabigat, o kung ano pa man? Naku! Ngayon ko lang naisip ito. Baka nga ayaw ni Alvin na may ibang tao sa pamilya nila. Baka nakikiusap siya kay Madam Soledad na palayasin na ako at ang ginang ang hindi pumapayag? THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “Nahihibang ka na ba, mommy?” tanong ni Alvin sa kanyang ina. Napairap na lang ang kanyang ina. “Mukha ba akong nagbibiro? Iyan ang nasa last will ng ama mo. Hindi mo makukuha ang posiyong CEO sa kompanya kung hindi ka magpapakasal,” sabi ng ina niya. “Then me and Irene will get married!” “I don’t like her,” sabi ni Madam Soledad. “Why?” tanong ni Alvin. “It’s very obvious, anak. She’s a gold digger. Unang kita ko palang, I know what she is up to,” sagot ng kanyang ina. “Irene? A gold digger? Hindi nga kasing yaman ng pamilya natin ang pamilya niya pero hindi siya mukhang pera. She work hard for her needs and wants.” “Iyan ang akala mo. Hindi ako nagkakamali sa pagtingin ng tao, Alvin. Hindi ba’t lahat ng mga nagiging nobya mo noon ay tama ang aking hinala. Lahat sila gagamitin ka sa kanilang pansariling kagustuhan. Ang hirap kasi sa’yo, mabilis kang mapaikot ng babae.” “Kung hindi si Irene, sino ang gusto mong maging asawa ko?” “Jessica. Marry her. I know na mapapabuti ka sa piling ni Jessica.” “That is bullshit!”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD