Present Time, Baguio City
JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW
“Hindi ka ba hinahanap sa inyo?” tanong ko kay Carl. Naglalakad-lakad na kami ngayon dito sa Session road. Nagpapababa ng mga kinain namin. Sa haba ng kuwento ko ay hindi na namin namalayan ang oras. Sa totoo lang, komportable akong kausap ang lalaking ito. Marahil siguro dahil hindi naman talaga niya ako lubusang kilala kaya parang wala lang sa kanya ang mga naikuwento ko.
“Hinahanap. Pero hayaan mo na sila. Mag-34 na ako eh, anoa ko bata? Uwing dalaga?” sabi niya sa akin. Hindi ko mapigilang matawa sa kanya. Palabiro itong si Carl. Halatang may sense of humor. “Saan ka nga pala tumutuloy? Hindi ba’t turista ka lang dito?” tanong niya.
“Ah, sa isang transient house lang. Balak ko mangupahan ng kuwarto dito,” sagot ko.
“Ano bang hanap mo na space? Malaki ba? May mga kasama ka ba?”
“Sakto lang, kahit studio type. May comfort room, sink, simple lang. Hindi ko naman kailangan ng magarbong tutuluyan. Ang mahalaga may sisilungan ako.”
“May naiisip ka na bang trabaho? Gaano ka katagal mag-stay dito sa Bagiuo?”
“Kahit anong trabaho puwede naman kahit anong trabaho ‘wag lang sa club.” Bigla naman siyang natawa sa akin.
“Walang papatol sa’yo doon!” sabi niya. Napangiti na lang ako.
“Alam ko kaya nga ‘di ako pwede doon.”
“Alam mo sa totoo lang, I can give you a job.” Napataas naman ang kilay ko.
“Hoy, baka gawin mo akong runner ah. Hindi puwede ‘yan,” sabi ko. Bigla namang kumunot ang noo niya. Marahil hindi niya naintindihan ang iobnig kong sabihin. Siguro mga 10 secinds pa bago niya na-gets ang sinasabi ko.
“Hoy? Anong akala mo sa akin, dealer? Ayaw ko nga ng mga ganyan bagay. Masisira lang ang career ko. I can give you a job, rest assured na hindi ito illegal,” sabi niya.
“Ikaw, may pagkapatola ka eh ‘no? Anong trabaho ‘yan?” tanong ko.
“Naghahanap talaga ako ng P.A.”
“Personal alalay?”
“Personal assistant. Kung gusto mo, you can call me in this number.” May dinukot siya sa likod ng bulsa niya at wallet niya ito at may hinugot doon na tarheta. Iniabot niya ito sa akin at tiningnan ko naman ito.
Carl Jimenez, Cariaga Modelling Agency.
“Carl!!!” Sabay kaming napalingon sa lalaking sumigaw. Well, better to say na binabae. He have a flamboyant fur coat, mohawk style na buhok at sunglasses na kahit madilim na ang paligid.
“Hello, manager,” sabi ni Carl.
“You stupid jerk! Sinayang mo ang araw! Tapos na sana ang photoshoot kung hindi ka lang naglaho na parang bula! Alam mo bang galit na galit na ang photographer!”
“Sorry, manager. I helped someone kasi,” sagot ni Carl.
“Kung ‘di lang puhunan mo ang feslak mo, kahit pusong babae ako, kaya kong basagin ang mukha mo!”
“Manager, ‘wag ka na magalit. Bukas ‘di na mauulit ito. I will work over time pa,” sabi ni Carl.
“Dapat lang! Sinalo ko lahat ang apoy ng dragon nating photographer! Nasunog ang beauty ko! Ang mohawk ko ilang beses nang bumagsak. Dios mio, Carl! Utang na loob ayusin mo na ang trabaho mo. Baka sa susunod pareho na tayo ipapatapon ni Jil Maria!”
Lumingon sa akin si Carl at sumenyas na tawagan siya.
“If you made up your mind, don’t hesitate to call me,” sabi niya. Hinatak na niya ang kausap niya at tuluyan na silang naglaho sa paningin ko.
Napatingin na lang ako sa kalangitan at dinama ang malamig na hangin na hatid ng Baguio City.
Bandang alas nueve na ng gabi nang makabalik ako sa inn na tinutuluyan ko. Dito ko tinitigan ng maiigi ang calling card na binigay ni Carl sa akin. Mukhang mabait naman siya at mapagkakatiwalaan.
*****
ALVIN HIDALGO’S POINT OF VIEW
“You saw Jessica?” tanong ng kapatid kong si Abi. Tumango lang ako at muling napatitig sa sa baso kong may brandy pa. “Where is she? Kumusta siya? Oh God! Ang tagal kong walang balita sa kanya!” dagdag pa niya.
“Remember the publishing company na pinabili ni Mommy? She worked there. Nang pumunta ako doon, I saw her there, but then, kinabukasan ay nag-resign siya. I don’t know kung nasaan na siya,” sagot ko.
“Damn it, Kuya! Bakit mo pinakawalan? Bakit kasi nagpatumpik-tumpik ka pa? Nandoon na eh! Pinakawalan pa ulit!” maktol niya. Napabuntong hininga ako. Hindi ko maalis sa isipan ko ang maamong mukha ni Jessica. “Anong balak mo ngayon?” tanong niya. Itinaas-baba ko na lang ang balikat ko dahil sa totoo lang ay hindi ko naman talaga alam ang gagawin. I don’t even know kung bakit I have this urge na makita siyang muli. Matagal na kaming hiwalay, in the first place ay hindi ko naman siya mahal noon. Pero when I saw her, I suddenly having regrets. Nakakainis. Naiinis ako sa sarili ko.
“Anong ‘di mo alam? My God, Kuya! Hidal go ka! Hidalgo’s have power and money! Use your brain kuya! Hired f*****g investigators!” Napatingin ako kay Aby na namumula na ang mukha. Very obvious naman galit na galit siya sa akin. Kulang na lang may usok na lumalabas sa ilong niya. Nakakuyom ang mga kamay niya and parang anytime ay susuntukin na ako. I can’t blame her. Jessica is her real best friend.
“May kakilala ka ba? Then we can hire someone. I want also to know her whereabouts.”
“Patrick’s company is one of the best private investigators. I can refer him to you,” sabi nito sa akin.
“Kapag ‘yang boyfriend mo, pumalpak, yari siya sa akin. I will hire your boyfriend. Kapag natunton niya si Jessica, hahayaan na kita magpakasal sa kanya,” sagot ko. Ngumisi siya sa akin.
“Give us a month, mali, two weeks! Give him two weeks, may malalaman ka na tungkol sa kanya! Matagal ko na talaga gustong ipahanap kay Patrick pero dahil ayokong pangunnahan ka ulit, pinigilan ko ang sarili ko. Please lang kuya, ayusin mo na ang buhay mo. Iwanan mo na ‘yang si Irene. Utang na loob.”