Chapter Seven

1010 Words
Flash back Jessica Lovete’s Point of View Napakayaman nga naman talaga ng angkan ng Hidalgo. Malapalasyong bahay, malalawak nalupain, maraming negosyo, maraming assets. Hindi ko inaakala na titira ako sa isang lugar na ganito. Hindi ko akalain na kukupkupin ako ni Madam Soledad. Mataray lang tingnan ang madam pero masasabi kong mabait ito. Ako na lang ang nahihiya sa kanya. Hindi ako sanay na pinagsisilbihan. Hindi ako sanay sa ganitong pamumuhay. “Jessica! Bitawan mo iyan. Hindi kita pinaglilinis dito,” sabi ni Madam sa akin. Naabutan niya kasi akong dala ang isang timba at mop. Ngumiti ako. “Naku madam, ‘wag po kayong mag-alala. Okay lang naman po. Nahihiya po kasi ako na walang ginagawa. Okay lang po na utusan niyo ako dito,” sagot ko. “Jessica, hindi kita kinupkop para maging katulong. Ituturing kitang para ko ng anak. Ang pangako ko sa nanay mo noon, tatanggapin kita bilang anak ko, hindi bilang katulong kaya bitawan mo na iyan.” “Pero po—” “Hilda! Kunin mo na nga itong hawak ni Jessica.” Nagulat ako ng may lumapit na isang kasambahay at kinuha ang mga hawak ko. “Ako na po, ma’am.” Wala na kong nagawa nang kunin na nito ang hawak kong panlinis. “Halika ka nga dito, Jessica.” Lumapit ako kay Madam Soledad at hinawakan niya ang mga kamay ko. “Hindi mo kailangang magtrabaho sa akin. Kinupkop kita at ituturing bilang anak, hindi para gawing katulong. Alam ko naninibago ka pa kaya naiintindihan ko pero ‘wag mong isipain na ang lahat ng tulong ko ay may kapalit. Masaya akong maging parte ka ng pamilya ko,” paliwanag niya sa akin. Hindi na ako nakasagot at iginiya niya ako papunta sa gazebo na nasa garden niya. Doon ay hinatiran kami ng isang kasambahay ng juice at tinapay. “Oo nga pala, darating ang bunso kong anak. Nagbakasyon kasi siya sa Australia ng isang buwan at ngayon lang babalik dahil magpapasukan na. Anong year ka na pala?” sabi niya sa akin. Bigla naman akong kinabahan sa sinabi niya. Ano kayang magiging reaksyon ng anak niya kapag nalaman na may inampon ang nanay niya na isang tulad ko? “Year po? College?” tanong ko. “Oo,” sagot ni Madam. “Naku po, hindi po ako nakatuntong ng college. Hanggang highschool lang po ang natapos ko,” sagot ko. “Aba kung ganoon dapat i-enroll na kita. Saan mo ba gusto mag-aral? Anong course ba ang gusto mo?” “Sa totoo lang po, wala akong ideya. Wala naman po sa isip ko na mag-college,” sagot ko. “Aba hindi puwede ang gabyan, Jessica. Mas maganda pa din kapag may natapos. I’m sure na kapag pinagpatuloy mo ang pag-aaral ay magiging proud ang mga magulang mo sa’yo,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako. “Pangarap ko pong maging teacher,” sagot ko. “O ‘di maganda! Kumuha ka ng education. Elementary ba o high school?” “Elementary po,” sagot ko. “Maganda ‘yan. Kunin mo ang ilang documents na kailangan at sasamahan kitang mag-enrol. Bakit hindi ka na lang mag-enrol kung nasaan ang mga anak ko. Sa St. mary’s University ka na mag-aral,” sabi niya. “Po? Eh elite school po iyon. Mahal po ang tuition doon,” sabi ko. “Ano ka ba? Sabi ko sa’yo wala kang aalahanin kung hindi ang mag-aral lang. Maybe maganda na sabay kayo ng bunso ko. Incoming freshman din ang bunso ko. On Friday uuwi na iyon dito. I’m sure magkakasundo kayo.” Wala akong ideya kung ilan o ano mga pangalan ng anak ni Madam Sol. Sa ilang linggo kong pamamalagi dito sa mansyon ng mga Hidalgo ay hindi ko nakita ang asawa o iba pang kamag-anak ni Madam Sol. Hindi din naman ako nagtatanong, ayokong sabihin na masyado akong interesado sa buhay ni Madam Sol. Naisip kong mas okay kung wala akong alam. Biyernes ng hapon ay nagtataka ako kung bakit tila maraming tao sa may front ng mansyon. Nakita ko ang ilang mga kasambahay na nagspapasok ng mga maleta. “You know what, mommy? I watched the opera in Sydney Opera house! Ang ganda promise!” Dito ko nakita ang isang babae. Sakto lang ang tangkad nitp. Bob cut ang buhok at makinis ang balat. Maputi ito at makikitang yayamanin. Bigla tuloy ako napatingin sa braso ko na hindi kaputian at namumuti dahil sa dry skin. “I am happy na na-enjoy mo ang vacation mo sa Australia. Anyway, may ipapakilala pala ako sa’yo,” sabi ni Madam Soledad. “Ipapakilala?” Tumingin sa akin si Madam at ngumiti. “Come here. Ipapakilala kita,” sabi niya sa akin. Iminuwestra niya pa ang kamay niya na lumapit ako sa kanila. Kinakabahan kaya maliliit na hakbang lang ang ginawa ko. “Abby, this is Jessica. Anak siya ng best friend ko noon,” sabi ni Madam Soledad. “Anak ng best friend mo? The one na ikinukwento mo sa akin noon?” Tumango si Madam Soledad. “Unfortunately, she already passed away. Jessica has no one now kaya I decided na sa atin na muna siya.” “Really?! For real?!” Nagulat ako sa pagsigaw niya. Pero mas lalo akong nagulat nang tumalon-talon siya at bigla akong niyakap. “I always wanted to have a sister! Sister na kita ah!” sabi niya. Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa mag-ina at ngumiti lang sa akin si Madam Soledad. “I am happy na gusto ka ng anak ko.” At katulad ng sinabi ni Madam Soledad, in-enroll niya ako sa St. Mary’s University kasama ng kanyang anak na si Abby. Mabait si Abby. Hyper nga lang pero masaya kasama. Para akong nagkaroon ng kapatid at the same time best friend. Katulad ng pag-uusap namin ni Madam Soledad ay education ang kinuha ko. Bachelor of elementary education samantalang si Abby ay Entrepreneurship. Given na iyon dahil may negosyo naman sila. Hindi ko akalain na magkakaroon ako ng panibagong buhay sa poder ng mga Hildago.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD