JESSICA LOVETE'S POINT OF VIEW
FLASH BACK:
Hanggang ngayon hindi ko pa din malimutan ang mga masamang tinging ipinukol ni Alvin sa akin. Pakiramdam ako, may kasalanan ako sa kanya. Mula nang magtalo sila ni Madam Sol ay kumuha ng condo unit si Alvin at doon na tumutuloy. Kaya malakas ang kutob ko na ako ang dahilan ng pag-aaway nila. Very obvious naman dahilmabigat na ang pakikitungosa akin ni Alvin.
“Ma’am Jessica, pinatatawag po kayo ni Madam Soledad.” Napatingin ako kay Glenda, isa sa mga kasambahay dito sa mansyon ng mga Hidalgo. May hawak pa siyang walis at nakangiting nakatingin sa akin. Ibinaba ko ang hawak kong libro, nasa gazebo kasi nila ako at nagre-review para sa upcoming exam ko.
“Ah sige. Nasa office ba siya?’ tanong ko. Tumango naman si Glenda. “Sige, susunod na ako,” dugtong ko. Tumalikod na siya at pinagpatuloy ang kanyang gawain. Ako naman ay nagligpit muna ng mga gamit ko at saka ako tuluyang pumunta sa opisina ni Madam Sol. Pagdating ko doon ay kumatok muna ako ng tatlong beses at narinig ko ang pagsagot ng ginang sa kabilang panig. Binuksan ko na ito at nakita ko si Madam Sol na abalang binabasa ang mga dokumento na nasa harapan niya. Kahit pa tambak na ang mga papel sa kanyang office table, hindi halatang stress at pagod si Madam. Ang presko pa din ng aura nito.
“Ikaw pala ‘yan, Jessica. Maupo ka,” sabi niya. Lumapit ako sa kanya at naupo sa upouang nasa tabi lang din ng office table niya. Pakiramdam ko may kasalanan ako at pinatatatwag sa principal’s office.
“May ipag-uutos po ba kayo?” tanong ko. Ngumiti siya sa akin at umiling.
“Gaano ka na katagal na nasa poder ko?” tanong niya bigla. Sinundot naman ng kaba ang dibdib ko. Mukhang papaalisin na ako dito sa mansyon. Alam ko naman na hindi habang buhay aakuin ako ng mga Hildalgo pero hindi ko akalain na ganito kabilis.
“Mag-iisang taon at kalahatipo,” sagot ko. Tumango siya.
“May nobyo ka ba ngayon?” Mabilis akong umiling.
“Naku po, Madam Sol. Wala po sa isip ko ang mga ganyang bagay. Ang iniiisip ko po ay makapagtapos ako ng pag-aaral at masuklian ang kabutihan mo po sa akin,” sagotko.
“Mabuti kung ganoon. Sa totoo lang, ayaw ko ma itong sabihin pero everything has a price.” Mas lalo tuloy kumabog ang dibdib ko dahil sa mga salitang binibitawan ni Madam ngayon. “Jessica,gusto kong umamin ka sa akin ngayon. May gusto ka ba sa anak ko? Kay Alvin?” tanong niya. Hindi ko alam kung gaano na kabilis ang pagtambol ng dibdib ko. Nanlalamig ang mga palad ko, namamawis, nanginginig ang mga kamay ko.
“M-madam, w-wala naman po akong balak agawin si Alvin sa nobya niya.”
“So, sa madaling salita, may gusto ka sa anak ko?” Dahan-dahan na akong tumango. Mukhang dito na matatapos ang pagtira ko sa mansyong ito. Saan kaya ako titira ngayon? “Halata ko na sa mga titig na ipinupukol mo sa anak ko ay may mga malalim na kahulugan. Alamkong may nararamdaman ka sa anak ko. Kaya pakiusap ko, alagaan mo siya. Ipagkakatiwala ko angt anak ko sa’yo. Paksalan mo si Alvin.”
Gusto kong kurutin ang sarili ko. Tila ba nanaginip ako. Nahihibang na ata ako. Kung ano-ano na ang mga naririnig ko.
“Madam Sol, hindi ko po maintindihan ang ibig mong sabihin,” sabi ko sa kanya.
“Gusto kong pakasalan mo si Alvin. Gusto kong ikaw ang maging asawa niya. May tiwala ako sa’yo at nakikita kong mamahalin at aalagaan mo ang anak ko.”
“Pero Madam, alam naman nating may girlfriend si Alvin. Ayokong makasira ng relasyon. Hindi naman ako gusto ni Alvin kaya bakit siya papayag pakasalan ako?”
“Maniwala ka, papayag siya. Pakakasalan ka niya. Bigyan mo ng dalawang taon ang pagsasama niyo, sisiguraduhin kong masusuklian niya ang pagmamahal mo.”
“Ayoko pong makasira ng relasyon. Baka po imbes na mapabuti ay lalo lamang niya mamasamain,” sagot ko sa kanya. Umiling lang siya sa akin.
“Pagbigyan mo na ako, Jessica. I will take this as your repayment sa mga tulong na ibinigay ko sa iyo. Alagaan mo ang anak ko. Mahalin mo. May tiwala ako sa’yo, alam kong mamahalin mo siya ng husto.”
“Pero bakit po bako? Bakit ayaw niyo kay Irene?” tanong ko. Alam naman natin kasing hindi pwede ipilit ang mga bagay-bagay.
“I hate her. I did some investigations way back before, bago pa siya makarating dito sa pamamahay ko. That woman is a w***e, lahat ng mga kinakasamang lalaki ay hinuhuthutan niya ng pera, using them for her own ambition to become a top model at kapag nagsawa na siya ay iiwanan na lang niya na para bang mga basura. Ayaw kong mangyari sa ank ko iyon. In roder for him to be save is to get married with you. Kaya tulungan mo ako, Jessica.”
PRESENT TIME
BAGUIO CITY, PHILIPPINES
“What?! Para namang dramarama sa hapon ang buhay mo. Sigurado ka bang totoo lahat ‘yang sinsabi mo?’ tanong ni Carl. Mukha talagang hindi siya naniniwala sa mga kuwento. Kita mo itong stranger na ito, kanina gusto akong magkuwento sa kanya tapos ngayong kinuwento ko, aba ayaw naman maniwala.
“Bahala ka kung ayaw mo maniwala. Hindi naman kita pipilitin,” sabi ko. Kinuha ko ang coke float na nsa harapan ko at sumimsim. Nakailang balik na ba siya sa counter. Ang kalat na nga ng table namin. Papalubog na din ang araw, sa haba ng kuwento ko inabot na kami ng hapon.
"So, dahil sa utang na loob ay tinanggap mo din na pakasalana ang anak niya?" tanong niya saakin. Napangiti ako.
"I am selfish. Naging makasaril;i ako. Ginamit ko ang pagkakataong iyon para sa pansariling kagustuhan ko. Hindi ko naisip ang mga kahihinatnan ng desisyong iyon."
Umiling si Carl sa akin.
"Hindi ka selfish, nagmahal ka lang. Walang mali sa pagmamahal."