2

1022 Words
Chapter Two Jessica Lovete’s Point of view             “O Farmers! Farmers! Ang mga baba sa Farmers dito na tayo!” Napadilat ako ng mga mata nang marinig ko ang sigaw ng kundoktor. Maraming pasahero na ang nagtayuan at bumaba sa may farmers Plaza. Ako naman ay umayos ng upo at isinandal ang ulo sa bintana. Umaga palang pero pakiramdam ko ay pagod na pagod na ako. Gusto ko sanang mag-leave sa trabaho kaso hindi ko pa tapos ang article na isinusulat ko. May iilang sumakay sa bus at muli ay umandar ito. Medyo malayo pa ang bababaan ko. Napatingin ako sa labas ng bintana at saktong tumugtog ang Breakeven ng bandang The Script. Ang timing naman sa mag-eemote ko. Saktong-sakto ang lyrics sa buhay ko. “While I’m wide awake, he’s no trouble sleeping. Cause when a heartbreak no it don’t breakeven, even, no.” Napapasabay na ako sa kanta. Hindi ko mapigilang mapangiti. Sa ngiting iyon ay lasang-lasa ko ang pait ng buhay ko. Ewan ko ba, ganito na ba talaga ang kapalaran ko? Kapalaran kong mag-isa? Bata palang ako ay naulila na ako sa nanay ko. Hindi ko kilala ang ama ko, o kahit na sinong mga kamag-anak ko. Halos isuka ako ng dati kong asawa at maagang kinuha ang anak ko. Ang lupit, hindi ba?             Pagdating ko sa opisina ay as usual ay binabati ako ni mamong guard at ako naman ay lagi siyang binibigyan ng isang Yakult. Huwag kayong magtaka kung bakit palagi akong may Yakult. Nakagawian ko na ito mula pa noong highschool ako.             Agad akong dumeretso sa table ko, open my desktop at nagsimulang magtrabaho. Abala ako sa gawain ko nang biglang hampasin ni Evette ang table ko. Hindi ko mapigilang mapasigaw dahil sa gulat ko. Napatingin sa akin ang mga kasama ko pero hindi ko na lamang ito pinansin. “Ano ka ba, Evette? Papatayin mo ba ako sa gulat?” tanong ko. Napansin kong parang ang kapal ng makeup niya ngayon. “Girl, bakit hindi ka pa nakaayos?” tanong niya sa akin at napahawak naman ako sa mukha ko. Kinuha ko ang isang compact mirror ko sa drawer at sinilip ang mukha ko. Papaanong hindi nakaayos? Maayos naman ang buhok ko. Hindi lagpas ang eyebrow ko at maayos ang pagkakapahid ng lipstick ko. “Anong hindi maayos? Okay naman na ah,” sabi ko at bigla siyang nag-snap ng fingers sa mukha ko. “What’s not clicking, girl? Hindi ka man lang nag-makeup!” sabi niya sa akin. Napatingin ako sa paligid ko at ang mga kasama kong babae ay kanya-kanyang paganda na. “A-ano bang mayroon? Bakit lahat kayo ay gumagayak?” tanong ko at muli niyang inisnap ang mga daliri niya. “Ha? Hindi mo alam?” Umiling naman ako. “Ngayon daw pupunta ang bagong CEO ng company. You know, ang bagong boss natin,” sabi niya sa akin. Ha? Ngayon? Bakit hindi ako na-inform? “Kailan sinabi? Hindi ako na-inform,” sabi ko. “Maaga ka kasi umuwi kahapon. Sinabi ni Mr. Javier,” sagot niya sa akin. Napatango na lang ako at inayos na lang ang table ko. Nakakahiya kapag nakitang makalat ang table ko.             Lumipas ang halos thirty minutes ay bumukas ang elevator at unang-unang lumabas ay ang OIC namin na si Mr. Javier. Kami naman ay tumayo na at humilera sa isang gilid. “Everyone, this is our new CEO!” sabi ni Mr. Javier. “Hello, everyone.” Nang marinig ko ang boses na iyon ay bigla na lamang nanginig ang mga kamay ko. Nanlamig ang buong katawan ko. Hindi ko alam, marahil ay dala ng lamig ng airconditioner, o ng dahil sa muling pagtatagpo ng landas namin. “He is our new boss, Mr. Alvin Hidalgo,” sabi ni Mr. Javier at nagpalakpakan silang lahat. Ako naman ay parang robot na ginaya ang mga kasamahan ko. Isa-isa kaming pinakilala ni Mr. Javier at pagdating sa akin ay para bang tumigil ang oras. “Mr. hidalgo, this is one of our top employees, Miss Jessica Lovete. Hawak niya ang child at parenting articles,” sabi ni Mr. Javier. Tumingin ako sa kanya at kita ko ang pagkagulat sa mga mata niya. ilang taon akong nangulila sa mga matang iyon pero tapos na ang aklat namin dalawa. Nangako akong hindi na magpapakita sa kanya. Kakamayan na sana niya ako pero hindi ko ito tinanggap, bagkus ay nag-bow lang ako sa kanya. Ayoko na muling magdadampi ang mga balat namin. Baka kapag nangyari iyon ay manghina na lamang ang mga tuhod ko. May mga sinabi pa siya sa amin pero kahit isa ay walang pumasok sa isipan ko. Nag-iisip na ako ng dahilan ko para makaalis sa company na ito. Hindi pwedeng mananatili pa ako.             Nang makabalik kaming lahat ay mabilis kong tinapos ang trabaho ko. Pagkatapos ay gumawa na ako ng resignation letter. Wala na akong dahilan pa para manatili dito. He found me. ***             “Thank you for this, Miss Lovete. I’m sure maraming mommies ang makakarelate sa article na sinulat mo,” sabi ni Miss Tanay—ang aking editor-in-chief. “Maraming salamat po,” sabi ko. Huminga ako ng malalim at ibinigay ang sobre sa kanya. “Ano ito?” tanong niya. “Resignation letter ko po,” sagot ko at kita ko ang pagkabigla sa mukha niya. “What? But why?’ tanong niya sa akin. “Kailangan po ako sa probinsya namin. Wala na pong mag-aalaga sa nanay ko,” sabi ko. I know, this is literally lies pero ayoko na talagang manatili dito. “Pero isa ka sa top writers dito. Hindi puwedeng basta-basta ka na lamang aalis.” “I know pero wala po akong choice. Nasa deathbed na po ang nanay ko. Kaunting panahon na lang ang mayroon siya. Kahit man lang sa huling sandali ay makasama ko siya.”             Sa huli ay wala na din naman siyang nagawa. Kahit si Mr. Javier ay ayaw akong pakawalan pero dinaan ko na lang sila sa drama. Hangga’t maaga pa ay umalis na ako dito. Hindi puwedeng manatili pa ako dito. Nangako ako na hinding-hindi na ako magpapakita sa kanya. 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD