Chapter Three

1111 Words
Alvin Hidalgo’s Point of View “Sir, you will have a meet and greet sa Isaiah Publishing,” sabi ng secretary ko. Napatingin ako saglit sa kanya at tumango. Alam ko naman na may schedule ako sa kompany na iyon. Wala naman talaga akong balak siputin iyon, besides napilitan lang naman akong bilhin ang kompanyang iyon. Kung hindi lang nakiuap ang nanay ko sa akin na iligtas ang papalubog na publishing house ay hindi ko naman pagtutuunan ng pansin. Ang alam ko lang kaibigan ng nanay ko ang may-ari ng Isaiah Publishing. “Anong oras ba ‘yan? We need to make that quick dahil may meeting pa ako with one of the important investors,” I said. “It says here Sir na ten o’ clock ang meeting mo with the employees,” sagot niya sa akin. Napatingin ako sa relo na nasa pulso ko at nakitang alas nueve na. May isang oras pa bago ang nasabing meet nad greet na ito. Tumayo na ako at kinuha ang suit ko na nakasabit sa sandalan ng swivel chair ko. “Let’s go para matapos na,” sabi ko. Tumango ang secretary ko at naunang lumabas ng opisina. Habang naglalakakad ako sa hallway ay napapahinto at tumatabi ang ilang empleyadong nakakasalubong ko. They knew well na ayokong may humaharang sa daana ko. This is building is my empire. I own everything here. Paglabas ko ng building ay nag-aabang na kotse na gagamitin ko. My secretary knew me well na ayokong pinaghihintay ako. Time is money. “Make it quick, I have other meetings to attend to,” sabi ko sa aking driver. “Yes, Sir Alvin,” sagot niya sa akin. Habang bumabyahe ay naramdaman kong naba-vibrtae ang cellphone ko. Dinukot ko ito mula sa bulsa ng suit ko at nakita ko ang text message na mula kay Irene. Napabunotng hininga na lang ako. Ang hirap suyuin ng girlfriend ko kapag nagagalit. I received your flowers. It pisses me off! Iyan ang text niya sa akin na may kasama pang larawan na nasa trash can ang bulaklak na binili ko para sa kanya. Pagpasensyahan na lang, baka her hormones are kicking in kaya ganoon ang girlfriend ko sa akin. Hindi naman ganoon katagal ang naging biyahe papunta sa Isaiah Publishing. Sakto lang para sa meet and greet na naka-schedule ng alas diyes ng umaga. Hindi ko alam kung bakit may ganito pa pero ang advised lang sa akin ay para maayos ang magiging transistion ng pamumuno sa company na ito. Pagdating doon ay sinalubong ako ng OIC ng kompanya. I actually don’t know his name and i don’t have plans to know these people. Ibibigay ko lang naman ito kay Mommy and siya na ang magpalakad nito. The OIC is keep on blabbing and sa totoo lang I am not listening to him. Ang gusto ko lang ay matapos na ito dahil may mas importante pa akong dapat gawin. Dinala niya ako sa iba’t ibang floors at departments. Daldal siya ng daldal at kahit isa ay wala naman akong naiintindihan. Pumasok na naman kami sa isang department at isa-isa niyang pinakikilala ang mga tao dito hanggang sa huminto kami sa isang babae. Hinding-hindi ko makakalimutan ang mukha ng babaeng ito. Ilang taon na ba ang nakalipas mula nang huli ko siyang makita? Hindi ko na alam. All those years have passed ay wala akong narinig na kahit ano tungkol sa kanya. Tila ba patay na siya. Pero ngayon, nasa harapan ko na siya. Nakita ko ang gulat sa mga mata niya at mabilis na nag-iwas ng tingin. Yumuko siya upang maiwasan ang pagtingin sa akin—isang bagay na noon pa niya ginagawa dahil alam kong hindi niya kayang tumingin ng deretso sa akin. All those years, hindi nagbago kung papaano siya umakto sa harapan ko. “Mr. Hildago, Jessica is very passionate sa kanyang ginagawa. No wonder na isa siya sa nag-eexcel na employee at writer dito sa amin.” Wala sa isip kong hawakan siya, kamayan man lang para masabi kong si Jessica nga ang nasa harapan ko pero umiwas siya. Sa halip na tanggapin ang kamay ko ay yumuko lang siya sa akin. “Let’s move on, Mr. Hidalgo,” sabi ng OIC. Muli kaming naglakad ngunit lumingon pa ulit ako, nakita ko na nakayuko pa din siya. Ang mga kamay niya ay nasa parehong gilid niya at nakakuyom ang mga ito. What happened, Jessica? You left without saying goodbye. Nagising na lang ako na may annulment papers na sa tabi ko at may pirma niya. Damn it! Pakiramdam ko kinakapos ako ng hininga. Ang bilis ng t***k ng puso ko na para bang lalabas na ito sa dibdib ko. Napatigil ako sa paglalakad at napahawak sa dibdib ko. “Sir?” tanong ng secretary ko. “I’m okay,” sagot ko. Muli akong lumingon pero sa pagkakataong ito, wala na si Jessica. Huminga ako ng malalim. After damn long years ay muli ko siyang nakita, hindi ko alam kung bakit ganito ang nararamdaman ko but I want to see her. I want to hear her voice. May dahilan talaga kung bakit nabili ko ang kompanyang ito. More like, this company has purpose on me. “Mr. Javier, I guess this meet and greet should end now. I have other meetings to attend to. I will back here tomorrow,” sabi ko. Tumalikod na ako at sumunod naman ang secretary ko. Nasa kotse na ko nang mag-ring ang cellphone ko at nakita kong si Mommy ang tumatawag. Napaikot na lang ang mga mata ko at sinagot ito. “Hello, son! How was the meet and greet?” tanong nito sa akin. “Now I know why you were insisting me to buy this publishing company,” sabi ko. “Oh? So, bakit?” “Jessica is there. Is this one of your plans, Mom?” “Hindi ko gusto ang tono mo, Alvin. I don’t have any f*****g idea na nandiyan siya. Do you think may communication ako sa dati mong asawa? Matapos ang lahat ay kahit isang bulong tungkol sa ex-wife mo ay wala akong narinig. Nakiusap ang kaibigan ko na bilhin ‘yang kompanya to help those employees na mawawalan ng trabaho. I don’t know na nandiyan si Jessica.” “I don’t believe you.” Narinig ko ang pag-ismid ng nanay ko. “Kailan ka ba naniwala sa akin? Naniniwala ka lang naman sa b***h mong kaladkarin.” “Mom! Don’t say that to—” hindi ko na natapos ang sasabihin ko dahil pinutol na niya ang linya. Napabuntong hininga ako. Matagal na kaming walang communication ni Jessica pero bakit pakiramdam ko, namimiss ko siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD