1

1119 Words
Chapter One Six years later… Jessica Lovete’s Point of View             “Good morning, Ma’am Ica!” bati sa akin ni manong guard. Ngumiti naman ako sa kanya at binigyan siya ng isang yakult. “Good morning din po, manong guard,” sabi ko at tuluyan ng pumasok sa loob ng building. kinuha ko ang ID ko and I swipe it para makapasok ako. Nang makapasok ako ay sumakay na ako ng elevator at pinindot ang 13th button. Sa 13th floor kasi ang opisina ko.             Pagdating ko doon ay agad akong umupo sa table ko. I open my desktop para simulan na ang trabaho ko. Oo nga pala, isa akong writer dito sa magazine company. Sumusulat ako ng articles about parenthood. Masaya naman ako dito bilang writer dito. Marami akong natututunana about sa pagigiung parents sa tuwing nag-iinterview ako ng mga parents. “Ay grabe, grind na grind ka ah. Ano bai yang topic mo?” Napatingin ako sa kasama kong si Evette. Siya ang nakatoka sa cosmetics section ng magazine namin. Ngumiti naman ako sa kanya. “About ito sa pregnancy journey ng isang twin moms,” sagot ko. “Girl, pahinga din kapag may time. Palagi ka na lang subsob sa trabaho,” sabi niya sa akin. Tumalikod na siya at bumalik sa kanyang table. Ako naman ay nag-concentrate na sa trabaho ko. Nagpapahinga naman ako sa apartment na inuupahan ko. Hindi lang talaga ako palalabas. Hindi ako masyadong nakikisama sa kanilang mga get-together kasi feeling ko ay may nakakakailala sa akin. Ayaw ko lang may makakita sa akin na mga tao mula sa nakaraan. “All the employees, please proceed to the auditorium. All the employees, please proceed to the auditorium.” Napatigil kaming lahat dahil sa pagtunong ng Intercom. Nagkaroon ng bulung-bulungan dahil sa biglang pagpapatawag sa amin sa auditorium. “Oy tara na! Mukhang may message si big boss,” sabi ng isa namin kasama. Tumayo na ako at sumabay sa kanila papunta sa auditorium. Nasa 15th floor ang auditorium kaya medyo full packed ang elevator. Ang iba ay nag-decide ng sa fire exit dumaan. Hindi naman ako nagmamadali kaya naghintay ako ng pagkakataon kong sumakay sa elevator.             Pagdating sa auditorium ay halos lahat ng empleyado ng company na ito ay nandoon na. Maingay ang paligid dahil lahat ay nagtataka kung bakit kami biglaang pinatawag dito. “Ehem!” Napalingon kaming lahat sa stage at nakita namin ang OIC namin na si Mr. Javier. Matanda na si Mr. Javier. Nasa late 50’s na ito at wala ng buhok sa tuktok ng ulo. May makapal na salamin siyang suot sa mata at nakasuot ng simpleng polo at itim na slacks. “Mic test, mic test,” sabi pa niya. “Naririnig na ba ako?” Sumagot naman kaming lahat. “Pinatawag ko kayo dahil I have a very important announcement to tell. Kanina, nakatanggap ako ng tawag from our CEO—Mr. Seletaria, that this company Subway Magazine was sold.” Mas lalong umingay ang paligid dahil sa nalaman namin. Nandito na ang mga agam-agam ng empleyado na baka tanggalin sila dahil sa new management na ang hahawak sa amin. Ang ipinagtataka ko lang ay bakit ipinagbili. Hindi naman nalulugi ang company na ito and as far as I remember ay 50 years na ang company. Kaya nakakapgtaka kung bakit? “Nakakalungkot pero ganoon talaga. The company will be under the new management. We will just wait for further announcement,” sabi ni Mr. Javier. “Sir, may tanong ako!” sigaw ko at itinaas ang kamay ko. Napatingin sa akin ang lahat kaya medyo nakaramdam ako ng hiya. “Yes, Miss Lovete. What is your question?” sabi sa akin ni Mr. Javier. “Bakit mi ibinenta ang company?” tanong ko at napakamot ng ulo si Mr. Javier. “I don’t know the full details pero ang sabi sa akin ay magma-migrate na ang owner at wala ng magmamanage nito,” sagot niya sa akin. Napatango kami at mukhang iyon nga ang dahilan kung bakit ibinenta ang company. ***             Matatapos na ang lunchbreak pero hindi pa ako tumatayo. Gusto ko na kasing tapusin itong sinusulat ko at maipasa na para maevaluate at makita kung maayos. Ayoko kasing natatambakan ako ng trabaho. Abala ako sa pagtitipa sa keyboard nang mapansin kong may naglapag ng pagkain sa table ko. Napatingin ako at nakita ang nakangiting si Edwin. “Masyado ka ng masipag, Ica. Kumain ka na muna,” sabi niya sa akin. Ngumiti ako. “Salamat. Kailangan ko kasing tapusin ito,” sabi ko. “Huwag mong pabayaan ang sarili mo. Mahirap ang magkasakit. Saka, ayoko sa lahat nalilipasan ang mahal ko,” sabi niya. Ngumiti ako ng alanganin sa kanya. “Naku Edwin, ‘wag kang magbiro ng ganyan,” I said. “Seryoso ako sa’yo, Ica. Unang dating mo palang dito sa company ay nakuha mo na ang atensyon ko,” sabi niya sa akin. Siya si Edwin Guillermo. Guwapo naman si Edwin pero hindi ko talaga siya gusto. Hanggang pagkakaibigan lang ang maibibigay ko sa kanya. Wala na din naman kasi akong balak pumasok pa sa kahit anong relasyon. “Edwin, ‘wag mo ng sayangin ang panahon mo sa akin. Hanggang friendship lang talaga ang maibibigay ko sa’yo,” sabi ko sa kanya. “Aray ko! Medyo masakit! Straight freindzone!” sabi niya. “Bigyan mo lang ako ng pagkakataon, Ica.” Umiling naman ako sa kanya. “Sorry talaga Edwin. Hindi ko kayang ibigay ang gusto mo.” Minsan sa buhay ko ay hiniling kong may magmahal sa akin. Ito na nga, nasa harapan ko na pero hindi ko kayang suklian ang pagmamahal niya. Siguro, ganito din ang naramdaman niya noong ipinipilit ko pa ang sarili ko sa kanya. Isa talaga akong talunan. *** Four o’ clock ng hapon ay nagmamadali akong umalis ng opisina. Alam kong hinihintay na ako ng anghel ko. Kaya nga hangga’t maari ay matapos ko ng maaga ang trabaho ko. Bago ako sumakay ng bus ay dumaan muna ako sa isang flowershop at bumuli ng misang bungkos ng puting rosas.             Pagdating ko doon ay agad kong ibinaba ang hawak kong bulaklak at inalis ang mga natuyong dahoon at ligaw na damo. Baka nagtatampo na ang anghel ko dahil ilang araw din akong hindi nakapunta. Kinuha ko na ang isang kandila sa bag ko at sinindihan ito. Hinaplos ko ang lapida kung saan nakaukit ang pangalan ng anak ko. “Angel, sorry kung ngayon lang ulit ako nakadalaw. Huwag kang magtampo sa akin ah. Hindi naman kita nakalimutan. Mahal na mahal kaya kita.” Hindi ko man lang siya naalagaan ng husto dahil maaga siyang binawi sa akin ng Panginoon. Kapalaran ko na sigurong mag-isa habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD