Chapter Eleven

1077 Words
FLASH BACK THIRD PERSON’S POINT OF VIEW “What the fck is my mom thinking?” tanong ni Alvin sa kanyang sarili. Sa totoo lang ay gigil na gigil siya sa kanyang ina. Kung wala lang siyang respeto ay nasagot na niya ang husto at baka masaktan pa niya ang kanyang ina. Mabuti na lamang ay nakapagtimpi pa siya. Noon pa man, sa tuwing may ipapakilala siyang babae sa kanyang ina ay hindi nagiging maganda ang kinalalabsan nito. Palagi nitong sinasabi na gagamitin lang siya ng mga babae, na pera lang ang habol nito sa kanya. Na Madali siyang paikutin o bolahin ng babae. At ang mas nakakainis pa doon ay lahat ay nagkakatotoo. Nahuhuli niya mismo sa bibig ng mga naging karelasyon niya na pera lang ang habol sa kanya, na kaya siya pinaibig dahil galing siya sa isang maimpluwensyang pamilya. “Irene is not like them. Hindi pera ang habol ni Irene sa akin,” muli niyang bigkas sa kanyang sarili. Matapos ang pagtatalo nila ng kanyang ina ay mabigat ang mga hakbang niyang umalis ng mansyon. Naktikita niya pa si Jessica na nasa hagdanan at hindi niya maiwasang makadama ng inis. Mabigat ang mga paa niyang umalis ng mansyon at sumakay sa kanyang kotse. Nagmaneho ng wala namang patutunguhang lugar. Nagpaikot-ikot sa kanilang lugar hanggang sa abutin na siya ng dilim at huminto sa isang parke. “What if… what if pera lang din ang habol ni Irene? But damn! Ilang taon na kaming magkarelasyon, I know na hindi niya gagawin sa akin iyon!” Patuloy niyang pangungumbinsi niya sa kanyang sarili. Isa sa hindi maintindihan niya ay kung bakit gusto ipakasal siya kay Jessica. He knew that Jessica is an orphan. Walang pamilya, ulilang lubos at dahil likas na mawain ang kanyang ina ay kinupkop ito at itinuring na kapamilya. Alam niyang ang kapatid niya ay gusto ang babeng iyon. Wala itong maiaambag sa kanyang buhay kung iyon ang pakakasalan niya. Walang pamilya, walang yaman. “Kung sino man ang mukhang pera sa kanilang dalawa, si Jessica iyon. She doesn’t have anything! Pinag-aaral lang siya ni mommy out of pity. I think nilalason niya ang isipan ni Mommy at ni Abi. I knew it!” Lumabas siya ng kanyanag sasakyan at sinalubong siya ng preskong hangin. Malamig ang simoy ng hangin at kahit papaano ay kumalma siya. Nawala ang paninibughong kanina pa niya nararamdaman. Huminga siya ng malalim at ninamnam ang sariwang hangin. “Iba talaga ang hangin dito sa Pinas,” sabi niya. Naglakad-lakad siya sa parkeng iyon. May mangilan-ngilan pang tumatambay na kabataan, ang iba naman ay pauwi na. Naupo siya sa isang bench at napatingin sa kalangitan. Pakiramdam niya ay pagod na pagod siya. Nakakapagod ang maging isang regular na empleyado lamang. Isa pa ito sa hindi niya maintindihan, bakit pilit pinararanas sa kanya ang pagiging isang regular na empleyado? Hindi naman siya malupit gaya ng ibang tao na nasa mataas na posisyon. Hindi niya maintindihan kung bakit kailangan niyang maranasan ito gayong sa huli naman ay siya ang magmamana ng kanilang kompanya? Dinukot niya ang kanyag cellphone mula sa bulsa ng pantalon at nakitang pasado alas nueve na ng gabi. Ito ang oras kung kailan niya pwede ng tawagan ang nobya. Nasa England ito ngayon dahil sa isang modeling training na kailangan nitong samahan. Nakangiti siyang hinanap sa contacts ang number ni Irene at tinawagan nito. Isa, dalawa, tatlong ring ay hindi pa din sinasagot ng babae. “Hello, the person you are calling is not around right now. At the tone, please leave a message. You can edit your message by pressing the hash key.” “Voice mail? Alam ko alas dose ng tanghali sa England ng ganitong oras. It is her lunch break.” Muli niyang tinawagan ang nobya pero katulad kanina, dinala lamang siya sa voice mail nito. Alas dose na ng madaling araw nang makauwi siya sa kanilang mansyon. Patay na ang halos lahat ng mga ilaw. Papaakyat na sana siya nang bigla siyang magulat dahil sa babaeng nakita niya sa itaas ng hagdanan. “My God Abi! Aatakihin ako sa’yo!” sabi niya. Sino nga ba naman ang hindi magugulat, isang babaeng nakasuot na puting pantulog at may clay mask na puti ang nakalagay sa mukha. May malalaking curlers ang nasa buhok nito. “Saan ka galing, Kuya? Alam mo kung ano oras na?” tanong nito sa kanya at nakapamaywang pa. “Manang Biday, malaki na ako, okay? Ano ka sa mommy?” “Yeah whatever! But leaving like that? Sa tingin mo tama iyon?” “I was mad okay?” sabi niya. “Bakit naman?” tanong ni Abi. “Hindi ko alam kung ano ba iniisip ni mommy. She doesn’t want irene—” “So do I!” mabilis na sabi ni Abi. Naiiling na lamang siya. “Bakit ayaw niyo kay Irene?” tanong niya. “Maniwala ka sa mother’s instinct kuya. Mother knows best.” “Talaga ba? Eh anong nakita niya kay Jessica at gusto niya ako ipakasal sa kanya?” tanong niya. Nanlaki ang mga mata ni Abi at gulat na gulat. “OMG! Magiging sister-in-law ko na ang bff ko!?!” “This is nonsense,” sabi niya. Naiiling na lamang siya. Marahan niyang tinulak ang kapatid at dumertso na sa kanyang kwarto. Pagod na siya kakaisip sa mga bagay-bagay. He wants to sleep and take some rest. “Can’t wait for my BFF to be my sister-in-law. That way, magiging officially part na siya ng family namin,” sabi ni Abi. Pinipigil ang mapatili sa sobrang tuwa. Matagal na niyang alam na may gusto ang kaibigan sa kanyang kapatid. Hindi lingid sa kaalaman niya ang mga pasulyap-sulyap ni Jessica sa kanyang kuya. Wala namang masama kung pakasalan ito ng kapatid niya. Isa lang naman ang hangad niya, na makapangasawa si Alvin ng isang babaeng magmamahal ng tunay sa kanya. Nakikita nilang mag-ina ito kay Jessica. Isang bagay na hindi niya makita kay Irene. Para sa kanya, si Irene ay isang ahas na nagbabalat-kayo lamang at darating ang panahon na ilalabas nito ang tunay na kulay. “Women’s instinct never fail, Mas lalo na kapag galing sa nanay. See? Hindi lang ako nakakapansin na plastic dora box ang Irene na iyon. Uto-uto lang talaga ang kapatid ko.” Naiiling pa siya at kalaunan ay pumasok na din sa kanyang kuwarto. Iniisip na sana magising na ang kuya niyang hibang na hibang kay Irene.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD