FLASHBACK
Jessica Lovete’s Point of View
“Kumain ka na ba? Nagluto ako ng paborito mo,” sabi ko nang makita ko si Alvin na nakabihis at kababa lang galing sa kuwarto niya. Tumingin siya sa akin at sa pagkaing niluto ko. Ang sabi sa akin ni Abby ay isa sa paborito ng kapatid niya ang seafood karekare.
“Kakain ka ba?” tanong ko ulit. Nagpabalik-balik ang tingin niya sa akin at sa pagkain. Para bang naglalaban ang isip niya kung kakain ba siya o hindi. Pero nakita kong napabuntong hininga siya at inilapag ang bag sa sofa at saka lumapit sa hapag-kaininan. Napangiti ako dahil dito. Nang makaupo na siya sa hapag at dali-dali ko siyang hinainan ng pagkain. Sana naman magustuhan niya ang niluto ko. Alam kong hindi ako gaanon kagaling sa kusina pero sana pumasa ito sa panlasa niya.
Pigil ang hininga kong panuorin kung papaano niya tinikman ang luto ko. Sa totoo lang, inaasahan ko na bibitawan na niya ang kutsara at aalis na agad pero ganoon na lang ang gulat at tuwa ko nang makita ang sunod-sunod na pagsubo niya. napangiti ako dahil dito. Sa wakas, may plus points na ako sa kanya.
“Anong ningingiti-ngiti mo diyan?” tanong niya sa akin bigla.
“Wala naman. Kain ka lang diyan,” sagot ko.
“Kung inaakala monmg masarap, puwes nagkakamalika.” Napataas na lamang ang kilay ko sa sinabi niya.
“Ha? O-okay? Hindi ba masarap? Kaya pala nakaka-apat na sandok ka na ng kanin,” sabi ko. Dito siya napatigil at binigyan ako ng masamang tingin.
“Jessica, ‘wag kang masyadong maging komportable diyan.”
“Alam ko. Mabuti at dito mo naisipan umuwi,” sabi ko.
“Mom keep on nagging at me. Pinasara niya ang condo unit na tinutuluyan ko at ang mga gamit sa office ko ay pinakuha niya. I don’t have a choice kung hindi ang matulog dito. I don’t really know why my mom is so fond of you. Samantalang kay Irene ay kulang na lang ay isumpa na niya. good thing, Irene went to Italy for a fashion show. Kapag nandito na si Irene, ‘wag mo akong aasahang uuwi dito. Hindi ikaw ang mahal ko, si Irene ang laman ng puso ko. Asawa lang kita sa papel.”
Ouch. Alam ko naman iyon. Siguro nga kailangan ko ng masanay sa ganitong set up. Siguro magandang isipin na housemate lang kami. Kailan niya ba bubuksan ang puso niya sa isang tulad ko? Sa toto lang, ang hirap ng sitwasyong pinasok ko.
“Gusto mo pabaunan kita niyan?” tanong ko. Tapos na siyang kumain at naghahanda na pumasok sa opisina.
“I told you, hindi masarap. Ayoko na ng kare-kare mo. Masarap pa ang luto ng kusinera ni mommy sa mansyon eh,” sagot niya sa akin. Tumalikod siya at umakyat saglit. Dito ako nakakuha ng pagkakataon na ilagay ang kare-kare na inilagay ko sa isang tupperware at inilagay sa kanyang bag. Nang makababa siya ay walang paalam siyang umalis ng bahay papasok ng opisina.
Masasabi kong isa ito sa payapang umaga na mayroon ako kasama si Alvin. Paunti-unti. Hanggang sa matutunan niya akong mahalin at itrato na kanyang asawa.
PRESENT
ALVIN HIDALGO’S POINT OF VIEW
“Kuya.” Napalingon ako kay Abby na may malungkot na mata. Huminga ako ng malalim dahil pakiramdam ko may mabigat na nakadagan sa dibdib ko. Ibinaba ni Abby ang dalang basket ng puting tulips sa puntod ng anak ko. Binasa ko ang pangalang nakasulat sa lumang lapida.
ANGEL GRACE LOVETE.
Ang anak kong hindi ko man lang nasilayan at nayakap. Parusa siguro sa akin ito ng langit, sa bigat ng kasalanan ko sa kanyang ina kaya nadudurog ang puso ko. Alam ko, wala pa sa kalingkingan ng sakit ang nararamdaman ko kaysa sa naranasan ni Jessica.
Kung hindi lang sana ako naging bulag at isinara ang pinto ko kay Jessica, hindi siguro ganito ang mangyayari.
“Papaano nakaya ni Jessica ang mga ito? W-wala siyang kasama. Walang kasama na harapin ang ganitong sakit.” Hindi ko na mapigilan ang mga luha ko.
“Kuya… hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko,” sabi ni Abby. Napaluhod ako at hinimas ang lapida.
“I’m sorry anak. I’m so sorry. Hindi ko alam. Wala akong alam. Siguro nga Maganda na din na hindi mo nakilala ang gago mong tatay. Patawarin mo ako anak ko.” Naramdaman ko ang pagtabi sa akin ni Abby at niyakap niya ako.
Kailangan kong makita si Jessica. Kailangan kong itama ang lahat ng pagkakamali ko. Kailangan kong makahingi ng tawad sa kanya. Ngayon na halos abot-kamay ko na siya, hindi ko na palalagpasin pa ang pagkakataong ito.
JESSICA LOVETE’S POINT OF VIEW
“Jessica, I have a question.” Napatingin ako kay Carl na nakaupo sa dining table at hinihintay maluto ang lomi. Amoy na amoy sa buong unit ang bango ng Lomi.
“Ano ‘yun sir?” sabi ko. Sumimangot naman siya dahil alam kong ayaw niya na tawagin ko siyang Sir.
“I told you, ayaw ko niyan. Anyway, what if one day kumatok ang dati mong asawa at gusto kang balikan? Patutuluyun mo ba? Papayag ka ba?” tanong niya.
“Naku Carl. Hinding hindi mangyayari iyan,” sabi ko at naiiling pa.
“What if nga lang.” Napaisip ako. What if gusto ako ni Alvin? What if magsama ulit kami? Ang dami ng what if ang naisip ko noon pa man. Napagod na ako kakaisip diyan at tinanggap ko na lang ang lahat. Hindi naman mangyayari iyon, anong dahilan ni Alvin? Halos isuka na niya ako noon. Halos patayin na niya kaya napakaimposible ang iniisip ni Carl.
“Ano na, Jessica? Mahirap ba ang tanong ko?” sabi niya.
“What if mangyari iyon? Well, masyado nang masakit ang lahat. Hindi naghilom ang mga sugat ng nakaraan. Kung mangyayari iyang iniisip mo, hindi na ako tanga at marupok para hayaan na makapasok siya sa buhay ko. Kaya nga umalis agad ako ng Maynila dahil nagkrus ang landas namin. At saka may agreement ako sa kanya, na kahit kailan hinding hindi niya ako makikita.”
“Hindi pa naghihilom ang sugat ng nakaraan? What if ako ang magpapagaling ng mga sugat na iyan? Papayag ka ba?”
At narinig ko na lang nagpagtugtog ng kantang Jopay ng Mayonnaise.